Tuesday, October 22, 2019

Ang aking mga Pangako

Ang aking mga Pangako

(IKAW LANG ANG PAG-IBIG)
Ikaw ang uunahin sa aking puso
kaakibat ng gabay ng maykapal, gagawin itong masuyo
alab ng damdamin ay hindi mabubuyo
alay sa iyo mahal, iyan ang unang pangako

(SEGURIDAD AT TAHANAN NG PAG-IBIG)
Sa tahanang pinaghihirapan..ikaw ang reyna
mga pangarap  at adhikain ikaw ang magiging bida
pagsisikapan ng husto para sa iyo at mga supling natin sinta
patatatagin ang pundasyon yan ang pangakong pangalawa

(PAG-SUBOK AT PAG-IBIG)
Kung may pag-subok mang darating
ako'y kaagapay mo na magaling
ikatlong pangako, ay lagi kitang makakapiling
papahiran ang mga luha,sa agapayan tayo babaling

(PAG-IBIG AT KALUSUGAN)
Kung sakaling dapuan ng malubhang karamdaman
walang minutong na kita ay iiwan
sa kahit anong uri at sitwasyon hawak kamay kita aalagaan
babantayan kita, hangang sa iyong kagalingan

(BAYAN AT PAG-IBIG)
Sa mga gawain para sa sambayanan
ikaw ang una sa kakatigan
ikaw ang inspirasyon,ang sanhi at magiging kagalingan
ito ang pang-lima na pangako..ikaw ang pag-aalayan

Ang aking Mahal,
Ang mga pangako ng iyong Mahal na Nagmamahal.
Mahal (I love you!)



No comments: