Thursday, May 02, 2019

Ang Pangamba

*Laro ng Kukute...

Hello _____! bibigyan kita ng tatlong araw
Pag hindi mo binalik ang pera ko
Ipapahunting kita at hindi mo magiging gusto
Tatlong araw lang...

Ang Pangamba

Yakap ng matatag ang nais
Sa Bisig ng malambing na pag-ibig
Pawiin itong litong isip na maligalig
Dulot ng iilang taong nanlulupig

Tahasan na pananakot ay mawaksi
Galing sa malakas na mapangapi
Pekeng kalooban at kaluluwa'y makati
Nanlilinlang at ang mahina'y ginagapi

Sa kahit anong ayos ng iyong pagsisilbi
Patas na serbisyo ang utak lagi
Pag kapangyarihan ng huwad ang umatake
kahit ang Talino't galing ay napi-pipe

Ang Pangamba..


No comments: