Wednesday, June 27, 2007

Biyaheng Iloilo

Siguro sa dami dami narin ng biyaheng narating ko sa labas at loob ng bansa. Itong biyahe ko sa Iloilo yung isa sa hindi ko makakalimutan pagbibiyahe. mga magagandang bagay na nangyari at may mga dir in makakalimutang experyensa habang bumibiyahe. Eh kasi ba naman sa airport palang tama naman sa oras ang dating naming..pero napagsarahan kami. Kasi hindi na raw aabot..dahil yung na print naming ticket eh credit card daw ang bayad..at hindi na raw nila tinatangap yung ganun..nakakapagtaka eh..kasi para saan pa yung niprint naming na nagbibigay ng information tungkol sa aming ticket na binaran ng isang kaibigan at client naming. Hay! 1-zero sa katatawanan. At syempre dahil sa nangyari..kailangan mag pa rebook kami ng flight at kailangan makipagusap sa ticketing system…makalipas at ilang oras naayos din..alas kwatro na yung alis naming. Ang korni! Na move at kailangan pang mag taxi muna pabalik sa pasig. 2-zero. Samatalang sarap ng sakay naming sa aming VIOS at hinatid pa kami ni Erwin nung umangang iyon. Nakakatawa din..kasi yung hinatid kami ni Erwin wala kaming tulog nun dahil sa naginuman kami dahil meeting ng Dekada yung gabing bago kasi umalis..tung sa IN or OUT yung miting at maganda naman yung kinalabasan. 3-zero (lasing at tsongong puyat kami). pag dating sa Iloilo..ayun..lagare sa trabaho setup ng mga solution na inorder sa amin ng client namin. Ang sarap ng feeling kasi champion at wa;ang nagging hassle sa deployment kaya nung unang gabi. Nilibre kami ng isang magandang hapunan sa isang thai resto sa SMALL VILLE sa Iloilo. Daming pagkain..salamat sir John sa inyong pagaaruga sa amin. Mabuhay po kayo! Ayun..ibalik ko lang sa kailan…sarap na..kaya lang..medyo mapakamot ako ng matikman ko yung isang putaheng ALIMANGO na niserve sa harap naming...ang ganda ng itsura..pero yung tinikman ko..nangati yung buong dila ko at bumantot yung mesa..SIRA kasi yung sipit…oo..parang bulok..buti nalagn di ko pa nalulunok at mabilis kong nailuwa yung pagkain at nakapagmumog ng beer. =) na 4-zero ako dun.

Yung oras na para kami ay bumalik ng manila,isang hindi makakalimutang ekperyensa din yung paghatid sa amin sa airport bukod sa yung sasakyang fortuner eh tumatakbo ng 160kph eh sakto lang yung pagdating naming sa airport as in..SAKTONG SAKTO…kaya lang ang nakakatuwa eh pagdating sa loob ng eroplano eh dinala ako sa likod dahil yung UPUAN nakalagay sa ticket ko eh may kaparehas. AYUS! HI-TECH…ang galing ng ticketing system. Biro mo iyon sa daming biyeheng naranasan ko na eh ngayon lang ako nagkaroon ng kaparehong ticket at upuan. Ang saya! Naranasan nyo na rin ba ang mga ganitong pangyayari?

Wednesday, June 20, 2007

Konting Aliw

Lately, sobrang napagod ata yung team namin. Ako kasi pagod na pagod ako..bikod sa recording na ginawa namin para sa Dekada. May mga projects pang kasabayan iyon sa 8layer naman. Mga installation ng tinatawag naming NITIX program, Deployment ng mga customize na solution pati asterisk na ngayo’y lalo akong nag eenjoy lalo’t pat iyon na yung gamit naming ngayon sa aming opis. Sa wakes! Dati pa kasi itong plano pero tangal at alis dahil sa mga problema sa hardare at mga kung ano ano pang mga kadahilanan.

Kaya ngayon, ginagwa ko nalang para maaliw yung sarili ko.
Minamakesure ko na walang gabi akong hindi nagaaral. ENJOY EH! Sarap magbasa ng mga bagaybagay..ngayon bumababad ako sa mga libro ng asterisk.

Tapos, kasabay ng pagaaral. Paulit ulit kong pinapakingan din yung mga kanta nicompose naming sa dekada. Iba kasi yung feeling pag kanta mo na yung pinakikingan mo. Iba ang ORIG! dami kasi dyan..kopya di lang sa music..kahit sa IT. Content nga sa web kopya lang tapos papalitan lang yung pangalan ng orihinal na gumawa ng pangalan nila..ewan ko ba..bat may mga ganung company simpleng bagay..di magawa.

Minsan naman, binabalik balikan ko yung mga picture na pinagkukuha ko kung saan saan..mga kuha sa GIG ng dekada,ensayo, picture ng mga mahal sa buhay at picture ng mga aktibidades sa 8layer. Nananariwa kasi yung mga pangyayari pag nakikita ko yung mga larawan. Minsan yung mga dating download naman yung pinapanood ko..tulad ng SBC at kwentong superfriends ni maritess..hehehe

Kayo? Paano nyo inaaliw yung sarili nyo? Pag pagod kayo?

Wednesday, June 13, 2007

What makes the 8layer Team cool and calm under pressure?

Simple. MUSIC & IT.

Yes. 8layer has sponsored to initiate and produce a live recording and compile the songs to make an album to be released this year. The group De Kada (some members of which are also from 8layer) has been formed just to share a glimpse of our passion. The group started to write a few tunes about anything after work, go to a friend’s house at Roxas to do some raw recording. Until one time, we started to record demos for our own delight and listening. At one point some of our musically inclined friends encouraged us to produce the music on our own and share the same to other people.

For the 8layer Team, leading an IT line of work and profession demands pressure, time, serious and tough thinking most of the times.

And having music (though we take music seriously as well) in our life makes everyday more pleasing, harmonious and gives us a perspective of life being itself a challenge with essence.

BEING. IT, MUSIC, & COLLABORATION & INNOVATION.

Like our values for IT, our music is also founded on collaboration and innovation.

The de’ kada profile and its members:

Dé Kada believes in music and work collaboration. The product of their music is a harmony that blends the intrinsic qualities of each member not a part but as one.

They’d like to be known as Innovative Filipino Music Composers. Coming out with their own Album this Year, “Munting Paraiso”

Their brand is a Fusion of Filipino and World Music Sound with a touch and influence of Blues, Ballad, Jazz, Pop, Reggae and Ska.

Members:

Erwin Galang

ERWIN

Arranger and Keyboardist

  • Music Influence: Blues.
  • Had been Keyboardist and Session Artist for a lot of Bands like
    • Brown Beat All Star; Reggae Mistress ; Badjao Roots; Tropical Depression

Deng Silorio

DENG

Vocalist, Lyricist and Composer

  • Music Influence Blues, Jazz and World Music
  • Had been in singing groups in her college and high school days
    • Had been a member of the group called Patatag in the late 80’s and early part of 90’s and had been a UP Concert Chorus Trainee

Ey-Ar Calambakal

EY-AR

Vocalist, Lyricist and Composer

  • Erwin, Deng and Ey-ar had been in singing together in the group called Patatag in the late 80’s and early part of 90’s

Meric Mara

MERIC

Manager, Lyricist and Composer

  • Meric is the Group’s very promising lyricist and composer; most of the songs in the album are his original compositions which are musically enhanced by the group; His music influence is mainly on broadway musicale and other musicale pieces.
  • Btw, he’s an AUTHORITY when it comes to LINUX.

Eleazar I. Cal

SHOXZ

Guitarist, Back-up Vocals

  • Shoxz in his early 20’s is a Guitar enthusiast but also plays a lot of musical instruments. A Combo Major and also a midi arranger.
  • Sings at KASAL and DEBUT (W/ "CHALK"),CLUB INDIOS, SYNCOPADO, KUBOOZE BAR (W/ "MUZIKAHIJA")

Lazer De Guzman

SARO

Lead Guitarist

  • Saro is also among the young blood in the group. Has displayed his skills in redhorse musiclaban 2001 (alpha records), jam sessions( BMG records)

Paul B. Reburiano

PAUL

Bassist

  • The soft spoken bass guitar player has been touring with some bands for the last decade; 1999 renaisance garden legaspi city,200 palance inn hotel bahrain,2001 ritz palace hotel u.a.e 2006 hauf brauhaus jianyin china

Dindo Tajonera

DINDO

Saxophone Player

  • Dindo with his sax will lure you. He has played with bands like Put3Ska; Ding Malazo Orchestra

Lester Capistrano
UTOY

Trumpet Player

  • Quiet but watch out for Lester. Our trumpet player who have been with the company of brownbeat allstars & angono national symphonic band

Ronaldo Banaag

NALDO

Trombone Player

  • Naldo was able to hone his skills with the following group: angono youth band, angono concert band, pasig city band, taguig city band, agaw agimat, Ding Malazo orchestra, UP college of music, brownbeat, neighbors

Jaymer Hernandez

J-MER

Drummer/ Percussionist

  • Jaymer, a musician from Angono, Rizal, took up diploma in music major in percussion in the university of the phil diliman. He became a member of manila youth symphony orchestra and manila symphony orchestra II. He was also a former member of Angono national symphonic band, which was formed by the late maestro lucio san pedro, and the rizal provincial capitol band. Jaymer is one of the founding members of the ska band Neighbors and became a part of the brownbeat all-stars. Jaymer is now a drums teacher at music wizard, angono.

Dé Kada

Phone: 706.05.01

Mobile: 0920.905.1716

Address: Unit 218 AIC –Burgundy Tower, ADB Ave. cor Garnet Rd. Ortigas Center, Pasig

Website: http://dekada.8layertech.com

Si Insan Avegail

Kanina habang nag dodownload ako ng bagong version ng SCALIX na iiimplement namin sa isang client/kaibigan sa cagayan de oro. Medyo nabasa basa ako ng mga emails ko..nakita ko yung email sa akin ni tito oscar (si tito oscar yugn bunsong kapatid nila papa) nakita ko na inimail nya pala sa akin yung mga email address ng tita nene ko at ng isang pinsan kong si avegail.

Nung makailan kasi galing ako ng zambales kasi nakiramay kami sa pagkamatay ng isang lola naming na si lola indo. Medyo malunkot pero ang magandang nangyari naman eh nagkaroon ng maliit na pagkakataon na mag kikita an gaming mga lahi..reunion.

Tapos iyon nga..habang naghihintay matapos yung ndinodownload ko nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang aking pinsan..sa chat! (yaiks chat..di ako chatter..pero syempre sa pagkasabik na makausap muli ang aking pinsan) di nag chikahan na kami. Konting kamustahan lang naman.Nakakatuwa kasi isa na syang magandang dalaga..este dala na (oo kasi nagasawa na sya ng isang Cambodian si “Ty”)

I’m so happy para sa pinsan kong ito. Sa AIRFORCE sya nagwowork sa KOREA at mga ilang sandali nalang din eh..lilipad at mamumuhay (di ako sure) na sya sa ENGLAND.

Sana dumating agad yung panahon na magkita kita ulit kaming mag pipinsan..inuman tulad yung huling ginawa naming sa PADIS sa QC yung huling umuwi sila galing America. LASINGAN ULIT! tsaka syempre..kung mangyari si avegail ang magluluto =) hehehe. Teka..Sila ryan/karen/byron/tintin at mga anak ni tito Rene kaya? Wala din kasi akong balita na sa kanila.

Saturday, June 02, 2007

ICE 4 SALE

Bata palang ako. hilig ko na ang pag sulat. S katunayan marami na rin akong mga naisulat at ito ay kumita na rin. Naalala ko tuloy yung mga sinulat ko na kumita talaga. eto yung isa.

"ICE 4 SALE"

*thanks allan ah sa text/sms na ito.