Alam nyo bang ang pagbabasa ng mga posts at comments online lalo't sa Facebook ay minsan Toxic sa ating katawan. Nag dadrive ito ng negativity at minsan Depresyon, mas masama, mag dulot pa ito ng anxiety sa ating mga sarili. Nangyayari din ito pag nahina-hina ang iyong pangunawa sa mga contents ng pinost. lalo't madalas iaassociate mo ito sa iyo. Kasalan mo ito sa iyong sarili, kasalaman din ito ng mga matatandang nagtuturo sa iyo...maaring magulang, o mga impluwensya ng mga maling kaibigan. (Kaya ingat sa mga nag susulsol, dapat gagawing kang mabuting tao, hindi yung gagamiting kang instrumento lang para maging mapanirang tao) Magkaroon ng sariling bait.
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Friday, November 26, 2021
Payo lang
Kaya iwas nalang
Stop the clock!!!
Imagine na hihinto din muna ang lahat sa paligid mo at mananatiling ikaw lang ang gumagalaw. Kung baga...Moment mo! Sa pelikuha ko lang nakikita yung ganitong pag-kakataon. Pero ang sarap din isipin yung mabigyan mo ang sarili mo ng moment ng mailalabas mo yung mga saloobin mo. Tao lang!
Sampolan ko lang ng kwento. Alam nyo ba? Ingatan ninyo ang inyong mga panahon. Nakita ko ito noong nalagay sa alanganin ang Nanay ko. Mahilig kasi tumulong iyon eh. tapos yung nadehado sya, hindi ko naman nakitang tumulong ang ilan para tulungan sya. Buti nandito kami at hindi bibitaw sa isa't isa, hanggang dulo.Ganun kasi dapat, kasi naniniwala kami sa isa't isa. Harangan mang ng sibat, hindi namin isasanla ang aming mga tiawala, hindi sa dahil kami'y mag-kakasama, bagkos, Pamilya.
Mahirap kasi kung yung kasama mo eh hindi mo maipaglalaban. hindi mo mapapahalagaan, tapos sisiraan mo pa sa likod..Aba'y iiwan mo nalang at ibigay ang sanidad ng tao na iyon. Naku ang sarap mong kaltukan pag ganun. Kahit kasi sumuporta ka sa isang tao, kahit galingan mo ang pagtulong, pag pala nikompronta mo , minura mo sa kanyang aksyon at kamalian para sa kanyang kahinaan ( upang maituwid nya) eh babalandra pa din pala sa iyo. Ang Weak eh! Kaya mo nga kinausap para sa pag-babago, hindi para sa panggagagago. Pero kung gago kausap mo, gaguhan talaga, Gago pa din. (lalo't nag pasalamat pa, eh iyon pala wala naman pala kayong pinaguusapan). Dapat talaga malinaw sa ating lahat na mahirap talagang turuang lumipad ang Isda. *nakakalimutan ko din kasi minsan. hehehe!
*Syempre pag balandra, tatawanan mo nalang.
Ang lesson, layuan nalang natin yung mga ganitong tao, ika-nga, sayang ang oras at hindi naman tayo bumabata. Tumatakbo ng mabilis ang panahon, tayo din naman ang magdadala nito.
Sa totoo lang, hindi na din maitutuwid yan ng taong malaki ang tingin sa sarili ngunit maliit ang T_t_. Ganun din naman eending niyan, laging ibibida ng tao ang kanyang kagalingan, ang kanya pag-gagaling-galingan: Hindi para sa pagkatuto, kundi para sa magtuturo at taas noon ang pagkahunghang.,Hindi naman kahit kailan magmamatter ang "malasakit" para sa kanya, mas tutuon ang mga ganitong tao sa kanyang mga pabalat na anyo..yung pagbabalandra ng tumubong pagpapakumbaba at kabutihan asal ng isang kupal…mas mataas pa ang Ego sa tangkad nitong gungong na ito. Ganyan talaga pag walang sariling bait, yung umaasa sa pakikinig ng mga bulong ng mga taong wala namang napatunayan maliban sa ang pumisan ng pumisan sa kung saan saan...Mga parasites! Imaginine mo yun sandigan mo mga parasites! at may bonus pang pagiging Tsismoso (kaya mga Marites eh...Mare anong latest! Gets?) Na naipamana ata ng kayang mga magulang sa kanya...isang malaking lokohan. Ni hindi nga kayang magbayad ng dues tapos sandigan mo. Ang labo nun Tsong! Mag sama-sama nalang kayo!
Kaya iwas nalang,
Walang sakit sa ulo
Walang assumptions
Walang makakasalamuhang humble (Hambolan lang)
Walang tsismis...
Para sa mapayapang mundo, Wala namang din tayong kailangan pang ipaliwanag. Gampanan nalang natin ang ating mga kakayanan para sa magagawa pa natin habang nabubuhay. Dun nalang ako, tayo!Hindi ko naman pa kailangan ikwento yung mga natutulungan ko sa komunidad. Sila nalang ang mag kwento. Mas tama iyon kasya nagtatakbo takbo pa tayo na kasehodang kunong tumutulong eh sa likod, puro naman tayo kalokohan. Deserve ng mga taong tutulungan natin na mabigyan sila ng mga pagkakataon matulungan ng tama. Mas nakakataba ng puso yung mga bukal na gawain.
Hanggang dito nalang muna...
Ayan, pwede na ulit tumakbo ang oras ng normal. Magandang Umaga!