Sunday, April 18, 2021

Nakalabas ng muli si Mama sa Ospital

Kanilang madaling araw inilabas na si Mama sa ospital,maayos-ayos ng muli ang kanyang kalagayan. Hindi din biro ang mga nararamdaman namin...Saya at lungkot! Masaya kasi nakalabas na sya ng ospital, abaĆ½ mahigit isang buwan din sya ng ospital kasama ng aking kapatid na si

Halos araw -araw din na nakikibalita lang kami na gamit ang teknolohiya eh nakaka pag-usap at nakakapag decide kami ng mabilis para sa aming magulang. Halo-halong eksena, Nangangamba,Nag-isisip, dumidiskarte,nagtatawanan, nag-oobserba atbp.
 
Masaya din ako kasi sa ganitong paraang nakita ko na nag-kakaisa at natutulungan kami ng aking mga kapatid na bukod kay Rica, nandyan din si Maricar. Manglungkot kasi sa kabila ng pag-babalik ng sigla ni Mama, alam namin na sa susunod (wag naman sana) ay mahihirapan na kaming makahanap ng ospital dahil sa panahon ngayon punuan,abala na ang mga doktor sa dami ng kaso ng Covid.Hindi din biro ang binabayad at binayad namin. Pilit kaming lumalaban para sa aming magulang, hanggat lumalaban sya, kamiĆ½ hinding-hindi titigil na lumaban din. Ngayon, naghahanap kami ng Nurse/Caregiver (kung may mga libre pa dyan at may mga kakilala kayo,paki PM lang po kami)
Malungkot kasi na sa kabila ng mga pag-subok na ito, may mga kamag-anak pa kami at kasama sa bahay na mas madami lang ang sinasabi kaysa ang gumanap. Imagine na may malaking pag-subok kami sa aming Nanay tapos may sumasabay na mga walang maitulong at nagiging pabigat. (May araw din kayo!!!isa-isa lang at mahina ang kalaban, ngayon ay ipag-dadasal nalang muna namin kayo)
Sa mga nanalangin para sa kaligtasan ng aming Nanay, Maraming Salamat! Hindi ko alam kung anong mga salita ang imumutawi ko sa inyong mga suporta. Sa mga kaibigan na tumulong sa amin, Maraming maraming Salamat!
 

 
 
Allan,Shane, Tina, Edwin, Mama Nel, Glenn,Glenda, Joshua, Direk Arnold,AG Florian at syempre pa sa aking may bahay na si Sophia, na laging naka agapay sa akin sa mga ganitong sitwasyon.

No comments: