LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Thursday, April 22, 2021
Sunday, April 18, 2021
Nakalabas ng muli si Mama sa Ospital
Kanilang madaling araw inilabas na si Mama sa ospital,maayos-ayos ng muli ang kanyang kalagayan. Hindi din biro ang mga nararamdaman namin...Saya at lungkot! Masaya kasi nakalabas na sya ng ospital, abaý mahigit isang buwan din sya ng ospital kasama ng aking kapatid na si
Halos araw -araw din na nakikibalita lang kami na gamit ang teknolohiya eh nakaka pag-usap at nakakapag decide kami ng mabilis para sa aming magulang. Halo-halong eksena, Nangangamba,Nag-isisip, dumidiskarte,nagtatawanan, nag-oobserba atbp.
Masaya din ako kasi sa ganitong paraang nakita ko na nag-kakaisa at natutulungan kami ng aking mga kapatid na bukod kay Rica, nandyan din si Maricar. Manglungkot kasi sa kabila ng pag-babalik ng sigla ni Mama, alam namin na sa susunod (wag naman sana) ay mahihirapan na kaming makahanap ng ospital dahil sa panahon ngayon punuan,abala na ang mga doktor sa dami ng kaso ng Covid.Hindi din biro ang binabayad at binayad namin. Pilit kaming lumalaban para sa aming magulang, hanggat lumalaban sya, kamiý hinding-hindi titigil na lumaban din. Ngayon, naghahanap kami ng Nurse/Caregiver (kung may mga libre pa dyan at may mga kakilala kayo,paki PM lang po kami)
Malungkot kasi na sa kabila ng mga pag-subok na ito, may mga kamag-anak pa kami at kasama sa bahay na mas madami lang ang sinasabi kaysa ang gumanap. Imagine na may malaking pag-subok kami sa aming Nanay tapos may sumasabay na mga walang maitulong at nagiging pabigat. (May araw din kayo!!!isa-isa lang at mahina ang kalaban, ngayon ay ipag-dadasal nalang muna namin kayo)
Sa mga nanalangin para sa kaligtasan ng aming Nanay, Maraming Salamat! Hindi ko alam kung anong mga salita ang imumutawi ko sa inyong mga suporta. Sa mga kaibigan na tumulong sa amin, Maraming maraming Salamat!
Allan,Shane, Tina, Edwin, Mama Nel, Glenn,Glenda, Joshua, Direk Arnold,AG Florian at syempre pa sa aking may bahay na si Sophia, na laging naka agapay sa akin sa mga ganitong sitwasyon.
Wednesday, April 14, 2021
Payak lang, 'wag ng exibitionist, ok?
Sa totoo lang masarap yung payak lang. Kung anong kaya doon lang tayo. Mahirap kasi kung panahon na ng pandemya, tag-tugom na ibang mga kababayan natin tapos tayo eh feeling galing-galingan kahit alam naman nating wala namang galing. Kung baga sa IT,Para kang nag ke-claim na programmer tapos hindi naman kaya at mukhang mag-bababoy ka naman. Masarap yung programmer ka,programmer ka. Mag babababoy ka, magbababoy ka. Para payak lang at hindi mukhang tanga, walang show-off,exibitionist lang yan style na yan. Kung consultant ka naman mag bigay ka ng mga mungkahe para sa ikakaganda ng pinag-ko-consuktant mo..hindi iyong tsismoso ka eh pangit ka na nga tapos walang sabi-sabi,ano ba yan? Sa umpisa lang. 'Wag ganun boy! Payak lang tayo (pwede ding sapakan kahit mala fight club lang). Walang kung ano-ano at ligoy-ligoy. Para gusto mong sagipin ang mundo tapos na salubsob ka lang,eh ayawan na,ano yun nanggamit lang? Labo nun! Payak lang tayo!
Thursday, April 08, 2021
Sunday, April 04, 2021
Thoracentesis operation
Please continue praying for my mom for her fast recovery. She just finished her Thoracentesis operation. She really is a warrior fighting her condition.
Subscribe to:
Posts (Atom)