Sunday, August 30, 2020

Pakikisama

Naalala ko noong bata palang kami na itinuturo na sa amin ng aming mga magulang ang salitaang "pakikisama". Mahalaga ang makipag interaksyon sa mga nasa paligid natin lalo't nasa loob ng ating bakuran. Sa usaping sikolohiya,tuwing maririnig ko ito, ang mga unang pumapasok sa isip ko ay ang mga sumusunod na mga salitang pakikibagay, pakikitungo, at pakikipagkasundo.Kung baga,walang bilangan at walang lamangan.  Gagawa tayo ng sabay-sabay na may unawaan upang magpaunlad ng lugar at mga gawain mag lilinang sa ating kaugalian lalo't higit para mapatibay pa ang relasyon sa kapwa.

Minsan nga pinag-uusapan ito kung nakakabuti ba o nakakasama.Kasi naman may kanya-kanya tayong interpretasyon at mga lusot sa mga usapin. Lalo na kung ang kausap natin ay tamad at sarili lang ang iniisip. Laging gagawa iyan ng dahilan upang i-justify na ang mga maling gawi ay ilalagay na parang tama kahit alam at ramdam  pa ng lahat ang kabuktutan ng aksyon at mga salita ang umiiral.  Dun palang alam mong kapos na ang pag-kakauna ng salitang Pakikisama. Hindi kasi pwedeng nakikisama ka na ang sarili mo lang ang mahalaga .Pakiki-sama nga eh..at hindi "pakiki-sarili" o Sarili lang ang papahalagahan sa usapin. Kasi kung ganun, dapat lang na bumukod at 'wag nakikisalamuha a iba upang hindi nakakasakit ng kapwa.   

Ang pakikisama ay dapat pinapamuhay at minsan magkakamali ngunit dapat ay may mabilis na paraan upang ito'y ituwid.Ito kasi ay repleksyon ng ating behavior o ating mga ugali sa pakikipagkapwa tao. Madalas ang pag-kakamali ay kung bago palang ang ating mga kasama. Kung matagal-tagal na kasi lalo't kaibigan natin, may mga respetuhan na iyan at mas magiging komportable ka. 

Kaya minsan dapat suriin natin ang ating sarili. Kung may mga gusto pa bang makipag-usap sa atin dahil sa uri ng ating pakikisama. Kung medyo wala na, aba'y mag-isip isip tayo at ika nga eh.."No man is an island". Kailangan tayo'y nabubuhay ng progresibo at nakikisama ng tama. 




No comments: