LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Monday, August 31, 2020
Sunday, August 30, 2020
Pakikisama
Naalala ko noong bata palang kami na itinuturo na sa amin ng aming mga magulang ang salitaang "pakikisama". Mahalaga ang makipag interaksyon sa mga nasa paligid natin lalo't nasa loob ng ating bakuran. Sa usaping sikolohiya,tuwing maririnig ko ito, ang mga unang pumapasok sa isip ko ay ang mga sumusunod na mga salitang pakikibagay, pakikitungo, at pakikipagkasundo.Kung baga,walang bilangan at walang lamangan. Gagawa tayo ng sabay-sabay na may unawaan upang magpaunlad ng lugar at mga gawain mag lilinang sa ating kaugalian lalo't higit para mapatibay pa ang relasyon sa kapwa.
Minsan nga pinag-uusapan ito kung nakakabuti ba o nakakasama.Kasi naman may kanya-kanya tayong interpretasyon at mga lusot sa mga usapin. Lalo na kung ang kausap natin ay tamad at sarili lang ang iniisip. Laging gagawa iyan ng dahilan upang i-justify na ang mga maling gawi ay ilalagay na parang tama kahit alam at ramdam pa ng lahat ang kabuktutan ng aksyon at mga salita ang umiiral. Dun palang alam mong kapos na ang pag-kakauna ng salitang Pakikisama. Hindi kasi pwedeng nakikisama ka na ang sarili mo lang ang mahalaga .Pakiki-sama nga eh..at hindi "pakiki-sarili" o Sarili lang ang papahalagahan sa usapin. Kasi kung ganun, dapat lang na bumukod at 'wag nakikisalamuha a iba upang hindi nakakasakit ng kapwa.
Ang pakikisama ay dapat pinapamuhay at minsan magkakamali ngunit dapat ay may mabilis na paraan upang ito'y ituwid.Ito kasi ay repleksyon ng ating behavior o ating mga ugali sa pakikipagkapwa tao. Madalas ang pag-kakamali ay kung bago palang ang ating mga kasama. Kung matagal-tagal na kasi lalo't kaibigan natin, may mga respetuhan na iyan at mas magiging komportable ka.
Kaya minsan dapat suriin natin ang ating sarili. Kung may mga gusto pa bang makipag-usap sa atin dahil sa uri ng ating pakikisama. Kung medyo wala na, aba'y mag-isip isip tayo at ika nga eh.."No man is an island". Kailangan tayo'y nabubuhay ng progresibo at nakikisama ng tama.
Saturday, August 29, 2020
One Balikatan ID
Gusto nyo ng QRCode System na ito? Yung wala tayong magiging hirap mag fill-out ng form gamit ang ballpen at papel tuwing papasok tayo sa establisment. Scan lang sa QRcode at wapak na! kung wala namang mobile, may ID ka ng OneBalikatan na ipapakita mo lang sa establishment at ayun, Pasok ka na din.
Simple lang naman. Simplehan ang buhay ng mga kababayan natin gamit ang OneBalikatan QRcode system.
Kalmadong gabi.
Kalmadong gabi.
Alay para sa mga kabataan
Alay para sa mga kabataan.
Nawa’y maging simple ang pag-aaral ninyo ganun din na maging simple para sa inyong mga guro ang paraan para sa pag-tuturo.
Thursday, August 27, 2020
Sunday, August 23, 2020
TG89 -- Aalis na si Patty
TG89
Hindi kailan mawawala ang halaga ng barkadahan na dala ng kabataan.
Nakakamiss makasama ang mga tropa..Sayang at hindi natuloy ngayon.Nag
ready pa naman ako ng nakakalasing na inumin at masasarap na Putahe at
pumutang seafoods. Hindi na din kami nag abot nila Rowena Perez at Patty Pagayunan na 10mins lang ang pagitan ang aming pagkakasalisi.
Pag-hahanda (DepEd Demo)
Kailangang gumanap ng tama ang mga nakaka-unawa upang ang susunod na henerasyon ay makaunawa ng mga dapat maunawaan. Wheeew! 😂😂😂
Kami’y hindi titigil hangang walang konkretong output at maghatid ng impact ang ating mga gawain. 🤘🤘🤘
Kaya, ngayon..simula na muna sa pag-hahanda. Para sa Edukasyon! para sa Bayan! ❤️❤️❤️
Tuesday, August 18, 2020
Thursday, August 13, 2020
Wednesday, August 12, 2020
Paalam Tol Gerald
Grabe, Hindi pa din ako makapaniwala.
Tue August 11, 2020 ng 5:02 PM ng nag-PM si Deck sa akin at ang sabi.
"Sir wala na po si gerald 😞"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Natulala at nanlamig. Ganun pala talaga iyon Tol,parang pinaghalong mental block at pamlulumo ang pakiramdam.Yun bang nakatitig ka lang sa message ni Deck na parang nag pa-flashback lahat ng samahan natin. Ang dami! parang nakakalito ding isipin. Samut-sari kasi Tol eh. May lungkot,may saya, at yung mga tawanan natin at mga tawagan patungkol sa usapang mag kumpare at mga proyekto atbp...Ang Dami talaga!!!
Bale, Ganun talaga ang buhay. Lahat naman tayo ay papanaw. Ingat ka Tol sa iyong paglalakbay!
Sa iyong mga huling yugto dito sa lupa. Eto yung mga nakuha kong mga ala-ala. Maraming Salamat sa iyo!
Sunday, August 09, 2020
We deserve better
We deserve better.
One Country 100 is a collaborative effort of IT Advocates, industries and LGUs to help fight against COVID19.
We believe that "Knowledge is Power" and there should be a usable
information that will aid our cities to be more proactive and resilient
at all times especially in this pandemic.
It all boils down to understanding the situation and doing something to solve it.
On behalf of our team, we thank you for appreciating our project. We thank the cities who believed and trusted us on this. Ganun din sa mga magtitiwala pa. Para po sa ating lahat ito.
Mabuhay po ang mga Pilipino!
Marunong pala akong umiyak.
One Country 100@Pasay City
I’m very proud to represent Pasay City in presenting One Country 100, a Patient Management System with contact tracing capability to the Czar of Contact Tracing of the Philippines, Mayor Banjie Magalong.
We hope the we have presented the value to our Kababayans and to LGUs the value of digital contact tracing platform.
Be More, Be Useful and Be of Service.