Sunday, February 23, 2020

TG89 sa Kampo De Mara

Eto ang aking mga kaklase at mga kaibigan. Dinayo pa ang aming restaurant dito sa Angeles City. Ang Kampo De Mara. 

Sana ay nabusog namin kayo at napasaya sa makukulit na kwentuhan. Ulitin natin ulit! 


Great Minds Discuss Ideas. Average Minds Discuss Events. Small Minds Discuss People.


Noong elementarya kami, ini-lalagay ito ng Nanay Mely Mara ko sa mesa or Study Table ko para iremind ako at bigyan ng gabay sa mga bagay-bagay na gagawin ko sa aking pag-laki.

“Great Minds Discuss Ideas. Average Minds Discuss Events. Small Minds Discuss People.”

Ngayon, kitang kita ko ang madaming sablay sa lipunan. Mas tahasan mong maririnig sa ilang kabataan sa desisyon dahil sa mga akala sa tao,walang sapat na datos upang mag-patunay,ang mag-lahad ng walang sapat na pag-aaral puro porma at yabang nagiging dingas na masidhing kalungkutan ng ibang tao...perwisyo ika nga. May mga balita sa social media na hindi nasususugan ng tamang pangyayari. Hindi din nabibigyan ng tama ang ilang mga kabataan ng angkop na lugar upang mag-pahalaga sa inobasyon at pag-ibig sa bayan. Walang kapatasan at Nagiging kanya-kanya!

Ngayon, iremind ko lang ulit ang aking sarili, mapalad ako sa pag-kakaroon ng Ina na gumagawa ng paraan upang ako’y lagi mapa-alalahanan. Maraming Salamat Mama!

Great Minds Discuss Ideas. Average Minds Discuss Events. Small Minds Discuss People.


Some Of The Most Poisonous People Come Disguised As Friends And Family

https://awarenessact.com/some-of-the-most-poisonous-people-come-disguised-as-friends-and-family/


DepEd welcomes PISA results, recognizes 'gaps' in education quality

Dito nag-ugat ang aming Real-view Project.  
Sana'y may malaking magawa ang aming initiative para sa ating mga kababayan. 


https://www.philstar.com/headlines/2019/12/04/1974229/deped-welcomes-pisa-results-recognizes-gaps-education-quality

https://www.rappler.com/thought-leaders/246384-analysis-dismal-programme-international-student-assessment-rankings-wake-up-call-filipinos



Wednesday, February 19, 2020

Maligayang Kaarawan,Matt!

Maligayang Kaarawan,Matt!

Sa aming mahal na anak

Nawa’y lumaking may takot sa dyos
Gabayan lagi sa mga gawaing malugod
Pag-papala ang makamit
Habang sa panginoon ay naglilingkod

Kami’y laging gagabay sa iyong paglaki
Sa mga nais ay ‘wag mag atubili
Igagapang sa hirap yan ay di mababali
Sa tagumpay mo susuporta at kami’y mananatili

Sa mga kaibigan at mga kaklase
Maging ehemplong ibang klase
Mag buo ng samahang hindi mababale
Sa kanila’y gagawa lagi ng mabuti.

Maging huwaran sa iyong kapatid
Turuan mo sya ng masugid
Ang pag-ibig nya sa iyo ay hindi malulupig
Sa mga pag subok sa buhay
Sya’y kakampi mong hindi maligalig

Maligayang Kaarawan!

ZyberPH - Conflict of Interest




Tuesday, February 11, 2020

Biro nila

Biro nila
Akda Ni: Meric  Mara

Kapag ang layon ay ang umibig
Titibok ang pusong maligalig
Ganyan ang pakiramdam,tila kinikilig
‘Di napapakali ang nasa puso't isip

Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila
Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila

Walang tumatalo,walang hihigit
Kiliti sa damdamin ,batid na batid
Ang Syang adhikain tyak na mararamdaman
Pakay na pag-ibig, alay sa iyong hirang

Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila
Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila

Sa Layon ng umiibig
Puso’y Kumakabig
Hindi malulupig
Sa Tapat na Pag-ibig

Kapag ang layon ay ang umibig
Apaw-apaw saya, Todo  hilig
Ganyan ang Pag-ibig, Bawal ang Pangit
Tumatalon lang ang  pusong umiibig

Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila
Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila


Ganyan ang Biro nila
Biro nila,  Biro nila

Sunday, February 02, 2020

Paul T. ( T para sa Tigas Mukha)

Magandang doon tayo sa totoo lang. 


Ikaw pala


Ang Istorya:
Madaming nakaparehas
Bakit hindi nagwork-out
Laging may kulang sa pakiramdam
Ngunit sadyang may Destiny
Kaya pala, ikaw pala...

Pamagat:Ikaw pala
Akda ni: Meric B. Mara
02022020

Eto na naman ang puso
Litong umiibig at sumusuyo
Ayaw umamin na nabubuyo
Kulang at ang isip ay malayo

Pakiramdam ay laging binibilang
Biglang Natutulala nalang
Hirap maisip at lito ang isipan
Puso ay tila sinasaktan

Hanggang sa ikaw ay dumating
Biglang umaapaw ang damdamin
Alaala Mula sa una nating halik
Tila lumilipad hanggang langit

Kaya pala, ikaw pala
Ang nakatadhana at walang iba
Sa mga araw at gabing nagdaraan
Tayo'y dina-dala at pinag-iisa
..Ikaw pala

Panatag ang loob at damdamin
Pangakong laging mamahalin
Singsing ng Pag-ibig ang bilin,
Sa May-kapal ikaw ay mamahalin