Wednesday, June 05, 2019

HINDI O.K. YAN!

HINDI O.K. YAN!
Akda:Meric B. Mara


Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
May atraso
Nagiging sakit sa Lipunan

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
Ang iangat ang sarili
Ay talo ka dyan

Tanging hadlang
Mga salitang binibitiwan
Paano mo papatunayan yan
Oh! Ang laking bulaan

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
May atraso
Nagiging sakit sa Lipunan

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
Ang pag angkin ng hindi mo ari
Ay katatawanan

Mag move On ka na
Ang Lumang Syle ay lamunin
Puso mo ay malulumbay
Putulin na ang
Sungay..sungay sungay mong taglay

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
May atraso
Nagiging sakit sa Lipunan

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
Ang kamalayang hindi nagigising
Idilat na yan

Sa Diwang mapagpalaya
Maaalwan ang buhay
Na dinadaya
Ang totoo ay laging isipin
Ang prinsipyo at bait
Simulan mong ituwid.

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
May atraso
Nagiging sakit sa Lipunan

Hindi O.K. yan
Hindi O.K. yan
Sa Tsismis at sakim na isip
kawala ka lang

Sa mga kwento mong yan...
Paano na yan....
Ang dami na nyan...
Delikado na yan..
Mahirap ng panindigan

No comments: