Friday, November 30, 2018

Kesyo


Kesyo

Mag ingat sa pokpok
Pokpok nagsasalita ng pokpok
Utak ay baluktot
Kesyo ito na Ugali ay Buraot

Mag-ingat sa mabutingting
Na Asal ay Kambing
Sya lang ay nagmamagaling
Kesyo ito na Sa Peke maihahambing

Ganyan si Misis Kesyo
Ganyan si Mister Kesyo
Hindi nila alam ang totoo
Mga Sarili ang niloloko

Kakapit dito,kakapit doon
Sa pag-sipsip nakatuon
Kakayanan ay nakakapon
Mga Kesyo ang paglawig paparoon



Tuesday, November 20, 2018

Pulot-gata

Pulot-gata
May Akda: Meric B. Mara

Sabay tayong gagayak
Sasakupin ang mundo ng galak
Magpapaulan tayo ng mga bulaklak
Ang mundo ay hardin ng busilak

Mga puso ay kukuryentihin
Sa mga ngiting hindi nambibitin
Taglay nating mag irog ay lambing
Pag ibig ay laging samsambitin

Ikaw at ako ay pinagtiyap
Sa mga hapis ay di mabibiyak
Kalupi ng mga puso ay iyak
Na nagpapatag ng samahang matapat

Sabay tayong natataranta
Sumasaway sa masuyong musika
Di mamaliw ang nagmamahalan eksena
Sa magdamagang Pulot-gata

Thursday, November 15, 2018

Friday, November 02, 2018

Tapat sa samahan

Tapat sa samahan
November 2,2018
May Akda: Meric B. Mara

Pag may isang luhaan
at syang ating kaibigan
tara at ating damayan
'wag nating iiwan

hindi tayo magloloko
hindi natin sya igagancho
makikinig at laging sasaklolo
katapatan ang mananalo

Koro:
Tapat sa samahan
Tapat nating paglilingkuran
Yan ang tunay na kaibigan
Hindi sanay sa talikuran


Paano kung inyong malaman
Sa tsimisan at bugbugan
Walang asal na nilalang
mayayabang sa lipunan
kalaban ng ating kaibigan

Kaya,tapat sa samahan
tapat nating paglilingkuran
Yan ang barkada at kaibigan
Hindi sanay sa talikuran

tapat lang sa samahan
tapat nating paglilingkuran