Thursday, August 23, 2018

Kitil na damdamin

Kitil na damdamin
May Akda: Meric B. Mara
August 23,2018

Mauulinigan ang sigaw ng pag-asa
Pagkatapos ng damdaming nangamba
Bakas na bakas pa sa sapak at pagdurusa
Sa gahasa at abuso ng kapamilya

Kahit iligtas mo pa sa mga asunto
Ang mga gago ay mananatiling gago
Mas masahol pa sa ulul na aso
itong suwail na walang alam sa respeto

Hahayaan at panooring lumawig
Ibawas natin ang regalong katig
Bantulot ay hindi na liligalig
Palakpakan ang bobong nandadagit

Tapos na ang suporta para sa paglinang
Susulong na sa bagong larangan
Sa pagtulong ay di na maninimbang
Sunong ang mga aral na kumakalembang

Kitil na ang damdamin...

No comments: