Monday, July 23, 2018

'wag nalang

Kailangan ko lang maglabas ng sama ng loob. Sa 40years ng buhay ko nakilala ko na ang sarili ko. Alam kong maging masaya,malungkot, maglakad-lakad at lumipad kasama ang mga pangarap at pag-ibig sa tinibuang bayan.

Alam ko na din na pag ganito ang akong nararamdaman--ang sama ng loob. Idadaan ko nalang sa pag tula.

'wag nalang
/mbm


'wag nalang sanang pansinin
'wag nalang gatungan ang baging
Iwaksi nalang ang sa aki'y pagtingin
Dahil walang alab...
natuyot na ang damdamin

'wag nalang sanang diktahan
'wag na 'wag na sana akong tuturuan
Sa aking nagdaang kwarenta gulang
Alam ko na ang dinaraanan

Nagsisikip lang ang aking dibdib
Namatay na ang tibok at pintig
Pasan-pasan ko na ang daigdig
Na dinadaganan ng hapdi at pagpilit

Paano ba ang maging masaya?
Sa mundong 'wag ay naduwag na
'wag nalang ipilit at maging sinta
natitikom nang magsulong ang gana

'wag nalang o 'wag nalang
Ang katinuan ay hindi ko na alam
Sa twing ika'y mangugulantang
'wag nalang ang aking nais na pabalang


No comments: