Tuesday, April 17, 2018

Nagmagaling lang si Hudas.

Nagmagaling lang si Hudas.
Akda ni: Meric Mara

Walang arte at ere ang magagaling
Di sa self-proclaimed lumalanding
May talent talaga at may mararating
Low key lang at di papansin

Walang yabang sa husay sa pag-gawa
Hindi sarili lang ang inuunawa
Ang pagngawa sa Facabook ay di nakikita
Mga atang na gawain ay di binabalewala

Hindi Ungas at hindi balasubas
Hindi feeling sa taglay na angas
Ugaling uungoy ay hindi mamamalas
Sa pag-gawa ng tungkulin ay patas

Nagmagaling lang si Hudas.

No comments: