Friday, March 30, 2018

CADES 89

Tatlong dekada ang lumipas
Alaala ng kabataan ay nababakas
Tigmak ng ngiti ay maaliwalas
Ginagap ang sama-samang di Malalagas

Lulan ang mga istoryang masaya
Bantayog ng kabataan ang dala
Repeke sa pusong maligaya
Dumadagdag sa makulay na memorya

Bakas ang samahang matatag
Dito sa grupong hindi matitinag
Ang mga matitipino at mga dilag
Kawing-kawing na tropa ang mababanaag.


No comments: