Monday, January 08, 2018

Pagtatahib

Pagtatahib
May Akda: Meric B. Mara

Mauulinigan ang sigaw ng mga puso
Kinakampihan ng damdaming masuyo
Ang maigting na pag-ibig ang sumasamyo
Walang makakapigil kahit malayo

Pinanday ang samahan ng karanasan
Tinahib ang mga damdaming nagkukulang
Binuo ng tiwala na syang sangakalan
Sa Pulot-gata ng damdaming nagmamahalan

Sa halik ng pag-big ay uhaw na uhaw
Mga Puso'y naglalambingan ay natutunaw
Marahang yakap at mga titig na nakakagunaw
Tumatagos sa damdaming nag-uumapaw

Bumubuwak ang wagas na pag-mamahal
Sa kahit anong panahon ay di nabubuwal
Sa pusot at isipan ay di matatanggal
Ginagap  ang pagtatahib ng walang busal

Pagtatahib.


No comments: