LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Monday, January 22, 2018
Monday, January 15, 2018
Mga Gago
Mga Gago
Akda ni: Meric Mara
01/15/2018
Malaking liability
Ang mga kapos sa ability
Kaming lahat ang nadadali
Nang mga unggoy na magkakakampi
Wala talagang ginagawa
Kundi ang tumambay at tumunganga
Maghapon lang na hihilata
Mag-aabang lang ng biyaya
Malabo din silang kausap
Ibang plano ang nilalasap
Nililinlang kami sa pag-usad
Yan ang plano ng mga makukupad
Panahon na upang iwaksi
Mga mandaraya dito sa kalye
Hindi na kami magpapa-api
O mag aagree sa mga monkey
Mga Gago.
Akda ni: Meric Mara
01/15/2018
Malaking liability
Ang mga kapos sa ability
Kaming lahat ang nadadali
Nang mga unggoy na magkakakampi
Wala talagang ginagawa
Kundi ang tumambay at tumunganga
Maghapon lang na hihilata
Mag-aabang lang ng biyaya
Malabo din silang kausap
Ibang plano ang nilalasap
Nililinlang kami sa pag-usad
Yan ang plano ng mga makukupad
Panahon na upang iwaksi
Mga mandaraya dito sa kalye
Hindi na kami magpapa-api
O mag aagree sa mga monkey
Mga Gago.
Saturday, January 13, 2018
Friday, January 12, 2018
Wednesday, January 10, 2018
Monday, January 08, 2018
Pagtatahib
Pagtatahib
May Akda: Meric B. Mara
Mauulinigan ang sigaw ng mga puso
Kinakampihan ng damdaming masuyo
Ang maigting na pag-ibig ang sumasamyo
Walang makakapigil kahit malayo
Pinanday ang samahan ng karanasan
Tinahib ang mga damdaming nagkukulang
Binuo ng tiwala na syang sangakalan
Sa Pulot-gata ng damdaming nagmamahalan
Sa halik ng pag-big ay uhaw na uhaw
Mga Puso'y naglalambingan ay natutunaw
Marahang yakap at mga titig na nakakagunaw
Tumatagos sa damdaming nag-uumapaw
Bumubuwak ang wagas na pag-mamahal
Sa kahit anong panahon ay di nabubuwal
Sa pusot at isipan ay di matatanggal
Ginagap ang pagtatahib ng walang busal
Pagtatahib.
May Akda: Meric B. Mara
Mauulinigan ang sigaw ng mga puso
Kinakampihan ng damdaming masuyo
Ang maigting na pag-ibig ang sumasamyo
Walang makakapigil kahit malayo
Pinanday ang samahan ng karanasan
Tinahib ang mga damdaming nagkukulang
Binuo ng tiwala na syang sangakalan
Sa Pulot-gata ng damdaming nagmamahalan
Sa halik ng pag-big ay uhaw na uhaw
Mga Puso'y naglalambingan ay natutunaw
Marahang yakap at mga titig na nakakagunaw
Tumatagos sa damdaming nag-uumapaw
Bumubuwak ang wagas na pag-mamahal
Sa kahit anong panahon ay di nabubuwal
Sa pusot at isipan ay di matatanggal
Ginagap ang pagtatahib ng walang busal
Pagtatahib.
Saturday, January 06, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)