.
Ikalabing apat na araw ng pebrero. Araw ng mga puso. Araw ng pambansang paglindol sa buong kapuluan ng mundo.
Bigla lang ngayon ay tila bagang paulit ulit na kumakanta sa aking isipan ang “MAGKABILAAN” ni manong Joey Ayala!
ang katotohanan ay may dalawang mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba....
...bulok na ang haligi ng ating lipunan
matibay ang pananalig na ito'y palitan
suriin mong mabuti ang iyong paninindigan
pagka’t magkabilaan ang mundo...
kung bakit ganito,marahil ay sariwa pa ang mga kaganapan sa pagtawid ng oras mula kagabi hanggang kaninang madaling araw. Na ISNATCH ang iPhone ni jaja at aking mataimtim na sinubaybayan ang mga pangyayari bago magbukang liwayway at ito ang aking pa-iling na masasabi.
NAKAKALUNGKOT, NAKAKABAGABAG ang masaksihan ang isa sa sakit sa lipunan “ang makuyog ng mga haligi ng lipunan (magulang,tanod at kapulisan) ang isang malinis na hangarin para sa magandang kinabukasan ng isang batang paslit na tila lulong at aral na sa sindikato na kanyang kinasasadlakan.
Nakakalungkot dahil tila baga ang solusyon ay di na magiging solusyon dahil sa wala tapang at tikas ng batas at kumokonti nalang ang mga taong nagmamalasakit.
Nakakabagabag dahil sa hindi pagtugon ng mga alagad ng batas sa kanilang mga tungkulin ay nagiging pabata na ng pabata ang mga taong sumasali sa pagpapalala ng cancer ng lipunan. Kaya ano pa nga ba ang magagawa natin? minsan ay UMILING na lamang. Tapos bigla mo pang matutuklasan na may tinatawag na “INTERNAL SYSTEM” na sa aking pakiwari ay isa itong kinareer na sistema mula sa mga mundo ng magnanakaw. pinagsanib pwersa ng mga sindikato,mga tanod at mga alagad ng batas na sa HULI ay mapapawalang bisa sa mga KARAPATANG PANTAO at pag patay sa PAGSAGIP ng naghihingalong bayan natin. Na kulang nalang ay ISISIGAW MO NA ANG “MABUHAY ANG MGA MAGNANAKAW” mabuhay at nalinlang nyo kami at hindi na namin alam ang dapat na lapitan sa panahon ng panganib at kapahamakan.
Hindi sapat ang nakuha namin ang iphone. Pero sigurado ako, HINDI AKO MAGUGULAT kung dadami ang mga pabata ng pabatang snatcher sa kalye at malagay sa panganib at mga nakakarami dahil sa nagtatrabaho at trinabahong pagnanakaw sa kapayapaan at kapanatagan.
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Sunday, February 15, 2009
Friday, February 13, 2009
Having problems with your Asterisk MOH? Get Charozt!
.
Charozt!
We are proud to share the initial release of Charozt v0.8, an additional offering in our OpenApps, and is also freely available for download at SF.net and Google Code.
8layer's Music On Hold (MOH) Uploader, or what we lovingly call Charozt, is a Linux-based application that can be installed in Linux desktops to convert .MP3 to .WAV specifically for Asterisk supported MOH.
If you have read An Ode to Charozt, you have at least an inkling on how the project came about. You know, how the tool is a labor of love, and one of the products of JBJ's 1% inspiration (or maybe more?) and 99% perspiration (literally? haha!).
This is our pre-valentine gift to all those who fell and are falling in love with Asterisk. For those who still have-to, c'mon, it's not too late!
Visit the SF.net project page and download Charozt here.
Visit the Charozt project at Google Code and download it here.

by Jaja del Rosario
February 12, 2009 - Thursday

Monday, February 02, 2009
Sa mga kapusong nagbibigay raw sa mga kapus-palad ngunit kapos-puso naman
.
Ang unang trabaho ko ay sa isang tanyag na ISP noon sa Cubao. Tandang tanda ko pa, noong unang nakilala itong matatawag kong idolo (Si manong Gary) taong 1998 sa UP Village. Sa kanyang maliit na kwarto kitang kita ang dami ng mga likhang kanta at bakas na bakas ang kanyang pagkabihasa sa larangang kanyang dinalubhasa sa mahabang panahon. Noon pa man bilib na ako sa mga gawa at kanyang mga katha; ilang metropop na din ang naging parte sya at talagang lutang ang kanyang pagiging malikhain at henyo. Ito rin ang syang nagsilbi sa akin upang maging impluwensya sa aking mga tula at mga pagsulat ng kanta. Eto nga't sa kabila ng pagkaabala sa aming trabahong IT masasabi ko na itong idolo ko na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pwedeng lilipas ang isang linggo ng hindi buhay ang musika sa opisina. Nariyang kami'y bibisita sa aming mga paboritong tambayan (bistro,conspi,freedom at ten02 atpb) at may puwang din ang pagbabahagi sa mga kaibiga't kabagang ng mumunting ideya ukol sa pagpapaunlad ng musika sa ating mga kabataan. Nabigyan din ako ng pagkakataong mabigyan ni manong gary ng kanyang mga tapes (hindi pa kasi downlaodable ang mga mp3 nya sa kanyang website noon ) na syang magpapatunay na hindi nya kahit kailan ipinagdamot ang kanyang kaalaman at ang pagtanto ng kagandahan ng sining.
Kaya't nagilalas ako sa aking napakinggang kaninang hapon; ang “Gary Granada vs GMA Kapuso”. Nakakagulat isipin na ang isang tanyag na ni walang bahid ng damot sa pagpapalago ng musika ay
magagawan pa ng panlalamang at pang-aabuso ng MALA HEGANTENG NETWORK at MULTI-NATIONAL NA PROCTER & GAMBLE na dala dala pa man din ang “KAPUSO” na salita.
Mablis na pumasok sa kukote ko ang tanong na, paano na ang mga katulad ko na nagsisimula sa larangan ito? Paano na ang maliliit na musikero na eto lang ang tanging ikinabubuhay at walang boses? PAANO NA?
Marahil bukod sa bingi na ang mga AROGANTENG HIGANTENG ito,ay binubulag sila ng kanilang mga gawaing inilubog sa tanso na kunwa'y pagpapalaganap ng magandang intensyon o gawain... isang malaking gimik... palamuti... panakip sa kasakiman at pang-aabuso sa kanilang mga binibiktima mismo. Paano pa ako bibili ng TRIPID PACK? Kung may bahid na ang isip kong, talaga kayang sa mga lapis at krayola mapupunta ang sinasabi nilang matitipid ko? Napapangiting demonyo tuloy ako nang tuloy tuloy kong pinakingan ang buong salaysay ni Manong Gary dahil sa paninindigan ng HIGANTENG AROGANTE sa kanilang kamang-mangan o pang gugulang talaga na ang ginamit ng jingle at COLLECTIVE COMPOSITION.
PERO kung may kagustuhan man ako ngayon at sana NGAYON na habang nagkakape ako sa MC CAFE dito sa libis ay ang makilala ang mga KOMPOSITOR sa ilalim ng wika ngang “COLLECTIVE COMPOSITION” na gumamit ng marahil likha ng isang maestro kapalit ang maliit na halaga o pag gamit ng “titik ng kanta at istraktura ng musika nito”. Minsan kasi o mas madalas sa mga malikhaing tulad namin, di ganon kahalaga kung magkano ang ibabayad sa iyong akda (o ipokrito lang ba ako?) ngunit ang mas mahalaga ay ang pagbibigay pugay o “acknowledgment” na ikaw ang may likha o linang... Sa isang banda, maraming salamat sa mga “collective composers” na makakapal ang mukha at walang takot o di man lang tumindig ang balahibo sa atkibidades na ito, dahil sa ginawa nyong ito, nabigyan ng linaw ang diperensya ng mga mangmang at manggugulang.
Siguro naman magkakaroon na ng pagsasama sama at lakas ang mga maliliit at may mga pangalang kompositor na huwag magpalamang at magpagulang sa mga tulad ng mga ito. Nasa sa atin din kung pagagamit tayo dahil pakiramdam natin ay trabaho lang o ni hindi nasaktan ang kalingkingan mo... pero sa mga kapuwa kong may puwang ang kagandahan ng musika at nagpapahalaga sa malikhaing utak at paglinang, malaki ang ating responsibilidad sa mga ganitong pagpaparaya o pagsasawalang bahala.
KUNG WALANG SUSULSOL sa mga MALI ng IBA walang MAGIGING BIKTIMA! =)
Teka nga pala bago ako magtapos ngunit di pa naman ako nagpupuyos, Alam kaya ito ni Ate Mhel T., Na butihing ina ni Wency C. na kapwa manunulat o isang KOMPOSITOR din? Ano kaya ang mararamdaman nya pag ginawa ito kay Wency?
Ano pa bang masasabi ko? Sa Kapuso? Asan ang Puso nyo? Sa PNG? Malaki ba ang NATIPID nyo?
Sa mas malalim at mataimtim na paglalagom kaugnay ng layunin sana ng wari ko'y maganda sanang proyekto ng Higantet Multi Nasyonal, nais ko itong ipamahagi bilang tulad kong gustong bumuo at matupad ang pangarap na ang tanging tangan ko ay aking kakayanan at biyayang talino at talento.
Bukod sa lapis na gamit sa pag guhit ng pangarap At krayolang magbibigay buhay, kulay at sigla sa bukas ng mga batang sinisimulan pa lang hubugin ang kanilang kamalayan at paghakbang sa paggawa ng kanilang mga pangarap.... ay kinakailangan higit sa lahat ang pandayin ang kaisipan, tamang kamulatan at pagpapahalaga ng mga musmos at paslit sa kanyang gagalawan. Hindi yata magandang ehemplo na iyon mismong sandigan o mga instistusyong may kapangyarihan at nagtatatag sana ng kagandahang asal ang sa umpisa pa lang ay nagbibigay na ng maling impresyon kung paano magliliko o iikot para lamang ituwid ang kabalintunaang paninindigan sa mukha ng ganitong proyektong pang-kabataan....
Muli, di lamang lapis, papel o krayola upang matupad ang yong mga pangarap.... respeto, dangal at pagpapahalaga sa kapwa tao higit sa lahat.

Subscribe to:
Posts (Atom)