.
Nandito ako sa republika de kapay ngayon.Nag-aantay kay Addie upang makipagkwentuhan ang mga bagay bagay sa musika at kanyang bogchihan. At ipaparating na rin ang di magandang balita tungkol sa ina ni ey-ar.
Eto at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, hindi tulad kahapon na para kang sinisilaban sa init kahit pa madaling araw na.
dagdan pa natin na hindi na nais tumulong ng aking "standard" electric fan na kabibili lang ngunit nakakatakot ng gamitin (ibabalik ko nga pala ito sa abenson sa galeria bukas...parang sasabog eh amoy sunog na plastik kasi pag umaabot na ng 5-10 minutong umaandar).
Dito sa Kalye ng Matalino,QC habang nagkakape sa KAPAY bigla ko lang na obserbahan ang ibat ibang uri ng mga empleyado't/namamasukan. may guardyang bangko, takatak boys, naglalako ng sampagita, nag-aalok ng ng mga piratang DVD, tapos may lumapit pa ngang ale na namimigay ng mga flyers,waiters, mamang nagbabantay sa parking na pilit na naniningil na beinte pesos daw(kahit na hindi kanya ang lugar at ito'y pag-aari ng BDO at UCPB) at idagdag pa natin ang isang magba-balot na ngunit sa kanyang basket eh chicharon na lang ang natitirang laman.
ewan ko ba. eto lang ang naging mas may linaw sa akin sa ngayon sa harapan ng hindi na gaanong mainit na tasa ng tsokolate.. ibat' ibang uri ang trabaho at mahirap mag trabaho lalo nat ang pagtratrabaho mo'y nakasalalay ang pagkita ng perat pantustos ng pangangilangan mo at ng pamilya mo... bigla din akong napatanong ano ba ang TUNAY na ibig sabihin ng trabaho?
paano ba nagiging makabuluhan ito? Sa sarili mo? Sa mga taong umaasa sa yo? Sa pinagtratrabahugan mo? At sa mga taong hinaharap mo habang pinagsisikapan mong gawin ang iyong trabaho? At marahil, kung ito bang trabaho ay talagang nais mo?
Dagdag ko lang, gaano kaya kalaki ang porsiyento ng may trabaho sa ngayon ang alam ang halaga ng trabaho maliban sa konseptong, kapag may trabaho ka, may suweldo ka..? Ang saya marahil kung ang lahat ay lumulugar sa mga bagay na pagbabalanse ng mga naitala ko sa aking isipan:
1.ang mabigyan ng kahalagahan ang iyong kontribusyon habang patuloy na nalilinang ang iyong kaalaman
2.at ang maunawaan ng lubusan ang mga bagay na kailangan ipamahagi para sa mga nangangailangan ng iyong serbisyo (maging ito ay para sa kapwa mo ka-opisina, kliyente, at lipunan)
3.ang maging kaparte ka sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng misyon at layon ng iyong kumpanya at hindi parte ng pagyurak o pagkitil ng misyong gustong abutin...
Sa aking sariling karanasan, mas marami akong nakasalamuha, o mas madalas kong naririnig sa iba't ibat lugar na aking puntahan, makainuman o huntahan; ay talagang nag-aaral at dumidiskarte ang mga tao upang magkaroon ng trabahong kanyang inaasam-asam. Nariyang uutang pa ng pambili ng gel o pomada, matikas na polo't pabango at siempre pa paghahandaan ang isasagot sa mag-iinterbyu para lang matanggap sa trabaho at makitang siya ang karapat dapat sa tungkuling yaon.
At siempre pa pag natanggap ka na; nariyang unang una mong gagawin para mapabilang ka ay galingan sa iyong itinakdang asignaturat posisyon, at aalamin kung pano ka uunlad sabay sa pag unlad ng iyong pinapasukang kumpanya. Mahalaga sa pagtatrabaho ay masaya mo syang ginaganapan at patuloy na hihigitan ang mga inaasahan sa iyo habang .
E papaano naman kaya yong halimbawa ako sa aking pagiging masuwerteng nilalang sa libo libong walang trabaho sa Pilipinas at nabiyayaan ng trabahong tutulong sa pag asenso ko bilang tao at para sa pamilya ko. Paano kung lagi akong tampulan ng sermon o galit ng aking mga Bisor dahil laging hilaw o wala sa hulog ang mga pinagagawa sa akin? Paano kung nauubos ang oras ko, napakaaga kong pumasok at madalas lagpas na sa takdang oras ako kung umuwi pero tila wala daw sa palang halaga ang pagpupuyat ko o aksaya ng kuryente sa opisina? Bakit? Kasi walang kontribusyon... hindi nagiging malinaw sa mga kasama ko kung bakit ako nandoroon? Paano kung inilista na ang aking kailangang gawin at ako na lamang ang inaasahan sanang tumapos noong oras na iyon at hindi ko pa nagawa? Paano kung mali mali ang impormasyong naiibigay ko sa mga kasamahan ko upang magawa nila nang maayos naman ang kanilang mga trabaho? Paano kung wala akong kusa at nag-aantay lang ako ng aking gagawin lagi?
Pabigat na ba akong maituturing?
At bakit sa kabila ng lahat ng nasasaad bilang ako sa aking pinapasukan, ay may trabaho pa rin ako hanggang sa ngayon? Anu-ano kaya ang aking dapat isipin?
Tama, bakit kaya ako nandito pa? Kapag nagpatuloy ba akong ganito, bukas kaya ay may trabaho pa ako? O sa makalawa?
Sa ganitong sitwasyon, maaari siguro akong pasalamat at may trabaho pa akong kahit papaano'y nakakatulong sa aking pantustos sa araw-araw... pero dapat ba akong matuwa o maging masaya?
Pag dumating kaya ang araw at nagsara ang pinapasukan at ang mga dahilan ay bunga ng aking di pagbibigay ng aking panahong matuto sa aking pagkakamali, ang hindi paggawa ng tama at hindi rin paggawa ng tama at takda ng aking mga kasama dahil sa aking kakulangan, at mas malaking tapon at mali pala ang naging resulta nito.... dahil nauubos pala ang pangpasueldo at oras sa pagpapalago sa mga tulad ko? Matutunton ko ba ito at matututo akong sa maliit kong parte, malaki pala ang epekto?
At naisip ko bago magsara ang kumpanyang kumupkop at nagpapahalaga sa aki't nagbibigay ng trabaho kahit palpak ako, ... imbis na mandamay pa pala ako.. buti pang ako na lang ang wala na munang trabaho.
Mabuti ng Wala, Kaysa mawalan ang mas marami...
May kasabihan nga tayo..
ang batang masipag...paglaki pagod! (ay..kay AI-AI pala ito)
eto nalang.
PAG HINDI UKOL..DI BUBUKOL....Huwag nang Ipilit! =)
Sa usaping “trabaho” may isa akong babala:
HINDI matatawag na TRABAHO dahil may ginagawa ka lang o nasa opisinat ubos oras; Bagkos ang TRABAHO ay pag-gawa sa mga INATAS AT NAAYON para sa iyo at naitakda na iyon na sinumpaang tungkulin. Kung kaya't may silbi para sa nakakarami. Ikanga sa reporting; “done” or “completed”.
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Sunday, January 25, 2009
Friday, January 23, 2009
How to install PHPMyAdmin to your Lotus Foundations Server?
.
1. Download the zip and unzip them to your Windows workstation
2. SMB://serverip/autoinstall (where serverip is the IP of your LFS server)
3. Log in as root.
4. Copy the .pkg folder to here.
5. Go to WebConfig: http://serverip:8043/
6. Log in as root.
7. Go to the Software Update page.
8. Click on Install for PhpMyAdmin or PHP-Pear.
How to Test PHPMyAdmin is installed:
1. PHPMyAdmin is installed when the phpmyadmin team is created. You can check in WebConfig under User Setup.
2. To access PHPMyAdmin: http://serverip/~phpmyadmin
3. Log in as root.
How to Remove PHPMyAdmin:
1. Go to WebConfig.
2. Log in as root.
3. Go to the User Setup Page.
4. Delete the phpmyadmin team.
Reference:
phpmyadmin

Wednesday, January 21, 2009
May Tibak at May Tibak
Medyo abala ako ngayong araw sa pagtuturo ,pagbibigay kaalaman sa ilan, sa preparasyon para sa lakad papuntang davao bukas at tuong sa isang kliyente para pag-aasikaso sa disaster recovery project nila...atpb.
tamang tama at nakita ko ang aking external harddisk; nag check ng mga laman nito at naghanap din ng lumang template para maging guide o pwedeng magamit para sa aming ginagawang mga proyekto ngayon..nakakita naman ako.
tamang tama din at nadoon din sa harddisk ang mga koleksyon ko ng mga lumang mp3 na nadownload ko noong unang panahong ako'y nagbababad sa internet ang nagkokoleta ng mga audio,ito'y mga awiting hindi maitatanging akin ngang paborito. foldar agad ng "LEAN" album ang aking nakita kaya't dali dali kong pinagtugtug ang isa kantang na ang pamagat ay "May Tibak at May Tibak".
"May Tibak at May Tibak"
Tagpuan ng mga kabataang aktibista.
EDWARD
Alam ba natin kung ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin
BOBBY
Bakit pa ba natin papansinin
Kung ano ang tingin nila sa atin
EDWARD
Para sa akin, mahalaga rin
Mahalaga ring ating alamin
Kung ano ang tingin, ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin
CHINO
Ano?!
MR. TIM (as Press)
Anong klaseng demo yun, wala man lang nabugbog
Ang mga tibak ngayon walang lakas ng loob
JOJO
Hmp! Ni wala man lang naghagis ng mga molotov
Walang mailalathala, walang mapapanood
LEAN
Di tayo mga gunggong na hanap lang ay away
Sa halip ng gulong ay magsunog ng kilay
Dahil di ang mga bagay ang dapat na basagin
Kundi isip at malay na naaalipin
ACTIVISTS
May tibak at may tibak
CHINO
May nagtitibak-tibakan
ACTIVISTS
May tibak at may tibak
CHINO
Depende sa tibak
ACTIVISTS
May tibak at may tibak
CHINO
Ang gusto kong tibak
LEAN
Alam sukatin ang layo ng mga bituin
At ang pagkakaiba ng isda at ng pating
Alam suriin, pulitikal na sitwasyon
Ang diperensya ng vodka, whisky at siok tong
MR. TIM (as UP exec)
Kilusan ng kabataan ay hindi tumatagal
Yan ay pansamantala habang nag-aaral
Ni wala kayong masabing pundasyong teoretikal
Nakikisakay lang sa labanang pulitikal
LEAN
Ang inaning tagumpay pinaghirapan ng husto
Ang talino at gabay ay interes ng tao
EDWARD
Huwag nyo sa amin isisi ang di nyo natamo
Kung kayo’y walang silbi nuong kabataan ninyo
ALL
May tibak at may tibak
BOBBY
May nagtitibak-tibakan
ALL
May tibak at may tibak
BOBBY
Depende sa tibak
ALL
May tibak at may tibak
BOBBY
Ang gusto kong tibak
LEAN
Nakakaunawa ng E=mc2
EDWARD
Nakakasira pero marunong mag repair
Nag-aalaga ng bata, baboy at manok
BOBBY
At pag may miting, hindi laging inaantok
MR. TIM (as priest)
Sa aking pananaliksik ay aking natuklasan
Mga kahindikhindik na katotohanan
Ang Marxismo-Leninismo idolohiyang hungkag
Sosyalismo, Komunismo, sa Diyos ay labag
EDWARD
Ang kanyang mga sinabing pagkahabahaba
Huwag niya nang pahahabain at lalong halata
NOLI
Si Padreng dalubhasa patawarin nyo Ama
At di nya nabasa ang kanyang pinupuna
ALL
May tibak at may tibak
CHINO
May nagtitibak-tibakan
ALL
May tibak at may tibak
CHINO Depende sa tibak
ALL
May tibak at may tibak
CHINO
Ang gusto kong tibak
LEAN
Marunong magbasa ng Marx, Mabini
BOBBY
Mao Tse Tung
LIDY
Marunong maglaba, magsaing nang walang tutong
EDWARD
Kunwari cool na cool pag kaharap ang military
CHINO
Nakaka scrabble kahit walang dictionary
Ad lib
Kukuha ng gitara si Lean at tutugtugin habang kumakanta na medyo sintunado ang boses.
LEAN
Mahilig kumanta at mahilig maggitara
At nakakahalata pag naririndi sila
Titignan ng masama si Lean ng mga kapwa aktibista kaya mahihiya ng konti at ibababa ang gitara sa tabi.
LEAN
Ngunit higit sa lahat walang pinagtatakpan
Marunong humarap sa sariling pagkukulang
MR. TIM
May tibak at may tibak
JOJO
May nagtitibak-tibakan
MR.TIM
May tibak at may tibak
JOJO
Depende sa tibak
MR. TIM
May tibak at may tibak
JOJO
Ang gusto kong tibak
MR. TIM
Ang tipo kong tibak
JOJO
Ang idol kong tibak
Ang perfect na tibak
MR. TIM
Patay na tibak!

Monday, January 19, 2009
pagod lang marahil.
Nais ko lang SUMIGAW..WAAAAHHHHH!
Magkukwento nalang marahil ako. Nagdaan naman ang sabado at linggo (araw ng pahinga at pagmumuni-muni) ewan ko ba't eto't matatapos at pipikit na ang araw ng lunes ay tila ayaw pang magpahinga ang aking balisa at mapupungay na mga mata;sa totoo lang ang sakit na ng ulo ko, ramdam ko ang kirot, ang hapdi na din ng aking mga mata na tila baga sa aking pagkindat eh tsamba na maidilat ko sya ng buo pa...sigurado akong ngayon ay mahigit kwarenta i-otso na akong gising...at malakas kong masasabing ako'y nasa ilalalim ng tinatawag na DIWANG gising.
Sa bawat sandali nga na ako'y maihipan ng hangin ay napupuna ko din ang pagiging "sandal tulog" ko sa mga panahong bumubiyahe ako patungo sa aking mga pang araw araw na destinasyon...mga kliyente at kapihang pahingahan.
sa aking pakiwari, marahil ay maliksi pa ang aking utak upang mag isip at magsaliksik para sa mga posibleng solusyon sa pagkakasunod sunod na mga technical puzzle para sa aking sysop team (naks technical puzzle? para namang positibo?) at patuloy na pagsisiyasat para sa linux solusyon na pwedeng maibigay sa client na patuloy naman ang pagdami. marahil ang nahahatak din ako ng ilang isipin patungkol sa mga sumusunod
1. ang labis na pag-iisip
2. sa usaping pag-gawa at
3. ang usaping pag-iisip at pag-gawa.
*marahil malinaw ito mga numero na ito sa iilang mga taong nakakasalimuha ko
pilit din umuukilkil ang mga leksyon patuloy kong binibigay sa iilang mga mahalagang tao na tila baga walang epekto. na sa panahon naman ng inuman at seryosohan na usapan ay malinaw at nabibigyan ko ng halimbawa ang ilang bagay na syang nagiging kadahilanan ng aking paninikip ng dibdib. ewan ko ba???makailangan beses ko na din natanong ang aking sarili. ilang beses ko na din napagalitan ang aking sarili..at ang aking sarili ulit at paulit ulit ng paulit ulit..ULIT..na aking sarili. wag lang sana akong mapagod.
mahirap din palang matangap ang katotohanan na ang i-ilang mga asignatura na nai-aatang mo ay ikaw din ang gagawa. tapos pag nagbasa ng nasusulat at sa mundo ng nasusukat na bagay tila bagang walang takot ang paninindigan na tila baga walang kamalian (marahil nasa mundo ako ng panaginip, iyong nga lang gusto ko na talagang magising at malaman ang tunay na mukha ng katotohanan (existential question, na alam kong namang, di ko rin malalaman at uubos ng aking lakas at oras kung ito lang ang patutuunan ko buong buhay ko), pero sa isang banda eh pwedeng ayaw ko na ding malaman ang bagay na alam ko na..na masaklap man isipin at sana'y huwag namang magtunog self-serving... minsan pakiwari ako talaga, akoy isang ALIPIN at utusan at tagasolba para sa kapakanan ng matitigas na iilan..muli, ISA AKONG ALIPIN,,,saklolo naman). ewan! di ko maisip, at parang ayaw ko nang magisip at nanaisin ko nalang umiyak sa aking masaklap na pagkabigo. napapaubo ako,ubo ng pagkagulat at pagkamangha, lalo't sasabayan ito ng ilang pag-ubo pa na dulot marahil sa alanganing pagdampi sa aking katawan ng alanganing panahon, na maari din dahilan ng sandalian pagtigil sa paghimas ng katawan ni san miguel. ewan ko, pasasaan at tulad ng dati masusumpungan ko din ang kalakasan. na kung ibabalik ko nga ang usaping pag gawa..ang masasabi ko lang..marahil ako na nga lang ang gumawa..ng gumawa...ng gumawa..ng walang akong aasahan? sana ganun lang ang mundo ng "tama at dapat" no? Pero pasalamat na rin ako at ganito ang ibinigay sa aking pagsubok; ibinigay sa aking "kaalaman"... na tanggaping marami akong di nalalaman at kailangang alamin... upang makapaglingkod... yun nga minsan bilang tao, nakakapagod. lubhang nakakapagod na.
ISANG MALAKAS NA SIGAW na "HIIIINNNDIIIII" (may echo echo pa..INDIIII...DIII...IIII) Hinding hindi titigil.., walang hintuan! SAbi ko nga - Pagsubok, manalig at magtiwalan may mangyayarit magaganap. Ang ibigay ko pa rin ang sa aking inaakala'y kaya ko pa, basta't sana, ako'y di magkulang.
LABAN lang lalo na at maraming nariyan,ang mga taong aking pinili na maging sandigan at kalakasan (sandigan ng buhay) tulad ng mga ilang tao na pinili kong maging kabagang at tunay na nandyan para magbigayng dingas sa aking paglalakbay sa buhay. SOLVE LAHAT IYAN!
Buti nalang at eto't kasabayan ko ngayon ang ilang OPM (Banshee Music Player) na paborito kong mga awitin, pilit at tumutulong sa pag hele ng aking malarong isip. katulong ang pag sulyap sa iilang eebooks, ang wvdial dial at aking P990i upang patuloy akong makapagsaliksik sa mundo ng aking larangan. ang internet.kahit nasang lupalop pa ako ng daigdig laging nariyan.
Sana bago nga tuluyang iiwan ng araw ng lunes at nalalabing na tiktak sa relo at ibang araw na muli. sana ay makatulog na muna ako. di na din muna ako tutula at magiging madamdamin lang ako. malinaw sa akin,isang "HELE.mp3" lang ay tulog na din ako,marahil pagod lang ito, makina nga bumibigay, ako pa kaya, tao lang. mamaya balik na naman ako sa pagharap sa mundo. Ironic!!! ANG MASARAP at MAPAIT NA MUNDO MAPAIT? narurungisan kasi ng mga bagay na "hindi tama at dapat" (mahabang talastasin ito, na di ko na muna papangahasing isipi at isulat pa).... at ano ang magagawa ko, bilang isang humaharap sa ganitong klase ng mundo? haraping lumalaban, may pag asa sa mundo at sa mga naririto pa.
ayan napahikab na ako... =)

Thursday, January 15, 2009
samutsari
BALIK EHERSISYO.kanina nag fitness first na naman ako at ramdam na ramdam ko ang hapo,marahil kailangan kong talagang gawin ng regular itong pag e-exercise, medyo limalaki na din kasi ang tyan ko at kailangan ibalik ang hangin..paano nalang pag nagbadminton at nag basketball na nman ang 8liens. baka matalo na ako? =)
CRM SA APPS SERVER. kanina ay nagkaroon ako ng ilang minuto upang maharap ang sugar CRM na nainstall ko sa aming apps server, ito na muna ang gagamitin namin ngayon para sa pag track ng aming customer medyo kailangan na kasi ienhance ang aming lumang estilo sa pagtrack ng mga clients. siguro ang kailangan lang abangan dito ay ang aming bagong policy sa paggamit at syempre iintegrate ito sa aming pinagmamalaking asterisk product. ang 8ix.
EMAIL TRAINING SA STARBUCKS.naubos na ang isang case ng beer na binili ni roz last week pa,ngunit ang dahilan kung bakit sya bumili ay para masayang nagiinuman habang nag papalitan ng kaalaman patungkol sa email server. ilang araw na din mula ng ma-i-assign kay roz na magbahagi ng mga information about email server.nadelay na...pero ito laban at tuloy na,sayang wala si ate jaja (Ja,Pahingang maigi ah) namin ngayon para makisali at makukulit pero sabi nga.."harangin man ng sibat" wala ng atrasan..todo na ito..ang sharing na ito o maaring tawaging "mini training" para sa sysop ay naganap din ngayong madaling araw sa metrowalk, kasama si chox,deng,renan at syempre si roz a.k.a "pakyaw" na sa pag kakataong ito HOT CHOCOLATE na ang aming mga nilalantakan. (bye bye muna kay san miguel).
paala lang mga sysop next week WEB at FTP tayo.
SI CHOX BOW. oo nasabi ko na kasama namin si chox sa mini training na ito ng email sa starbucks. kasi ito din ang madaling araw na kinausap namin si chox patungkol sa kanyang pagbabalik bilang isang technical engineer sa 8layer. (CHOX, mas mahirap at mas mataas ang mga panuntunan ngayon. goodluck at galingan mo =) back to zero tayo)

Tuesday, January 06, 2009
Friday, January 02, 2009
Thursday, January 01, 2009
tatlumput dalawa na si mara
maginaw ang paligid na tila tira pa ito ng mga bugsong ulan kagabi sa pagsalubong ng bagong taon,mahina pa ang boses ko, mararamdaman ang pagkapaos pa nito at tila walang lakas upang sumigaw ng madaming pasasalamat sa mga taong bumati para sa aking ikatatlumput dalawang taong kaarawan ngayong bagong taon. mga pag bati musa sa mga text messages,email,mailing list at iba pa mula sa mga taong hindi pa din nakakalimot sa kabila ng mga pagkakaabala para sa kanilang mga personal na buhay at paghahandang pampamilya.
maraming pasasalamat din sa mga taong laging nariyan upang sumuporta. Mga kaagapay, nagmamahal,mga dating kaklase,ka-opisina, kainuman,mga dating kalaro at mga tunay na kaibigan sa inyong walang kupas na pagpapahalaga, muli maraming salamat.
Happy Birthday para sa ating lahat!
tuloy tuloy ang laban...

Subscribe to:
Posts (Atom)