Monday, November 24, 2008

my uclinux

madami dami din akong hindi naisulat nitong mga nagdaan araw.
alam ko yung iba nagtatanong, wala bang bagong post si r3d3ye?

pasensya ang daming tinutukan at inasikaso.

yung blog ko patungkol sa reunion ng patatag,ang aking hindi pagkadalo sa coregroup meeting ng HCAbatch93, ang mga huling inuman kasama sila anakalak at mga bagong katoto,ang kwento sa likod ng tunay na "artista" na si willy at mga technical posting ay susubukan kong mailathalat o mailagay sa blog na ito sa susunod na mga araw.

sa ngayon marahil ang masasabi ko lang ay nagbunga din ang pagpapagod at pagpupuyat; eto yung kumain ng maraming araw ko nitong nakaraan at ang kadahilanan na kahit naglalakad ako sa kalye ay patuloy na nagpoprogram yung utak ko sa daan at di mapakali.gawa na rin yung aking customized version na uclinux,wala pang pangalan itong distro ko na ito sa ngayon,tapos na ang kernel hacking sa wakas(marahil sa tulong ng kapangyarihan ng tinapay na gardenia at may palaman na reno at partner nitong isang tasang kape...at isa pang tasang kape);nakakatuwa din na dalawang (2)MB lang ang laki nito OS na ito, dito din mababanaag na nakashoot na yung libg729ab.so, distro ko ito para sa asterisk project ko. GUI na at documentation ang laruan at isasama ko nalang ang mga ito sa aking aklat na asterisk na ginagawa.

maraming salamat sa nagbigay ng inspirasyon para sa proyektong ito...

Sunday, November 09, 2008

dobleng "S" (sumbrero at starbucks) dobleng swerte

kakabili ko ng bagong sumbrero sa bench sa SM west, ang dahilan ko lang ng pagbili ay dahil may numero "8" sya na nakatahi sa harapan nito. =) maniwala ka't hindi na sa halagang tatlong daang piso...sa wakas nagkaroon din ako ng bagong sumbrero. matagal na din kasi kung kailan ako nagkaroon nito. sa aking pagbabaliktanaw ang huli na kung hindi ako nag kakamali ay yung "redhat" pa iyon na galing sa amerika na nawala sa pangasinan noong panahong bumibisita kami sa isang client para sa SLA.

matapos bumili sa sumbrero sa bench ay nag sturbucks coffee muna ako sandali, dito ay bumili naman ako ng aking ng isang malamig na kape; swak na swak sa pag-abot ng resibo ang pagbiskas ng isang teenager na crew ang "sir alam nyo na po yung www.mystarbucksvisit-ph.com ng starbucks...etc...survey" sabi ko nalang "OO", pag basa ko sa resibo may "complimentary beverage ako" ayus! panalo.

may bonus pa akong "promo card" at may isang sticker na ako...eto't simula na naman pala ang tatakan ng sticker sa kapihang ito para sa "Limited Edition na Starbucks COffee 2009 planner" dating gawi na namang muli tamang tambay tamang tatak tamang planner...
aba naalala ko lang yung 2008 na planner ko na galing din sa starbucks last year ay hindi ko masyadong nagamit, kasi yung calendar at notes ng thunderbird ang nagtratrabaho para sa aking mga asignatura at mga miting.

sa aking compimentary na kape...suwerte lang!
sa aking bagong sumbrero na may otso...hatid ay swerte..

Saturday, November 08, 2008

ang mga batang gulod matapos ang labing limang taon

kanina matapos kong magawa ang ilang mga online support para dun aming mga kliyente.
nag check ako ng yahoo mail/HCAbatch93 ko at nakita ko yung email ni doc patungkol sa aming nagdaang meeting sa the "BLOCK" upang mapagusapan ang napipintong "hca batch 93" reunion.

eto yung mga subject ng email ni doc; ang [HCAbatch93] Reunion Update: A Call For Volunteers
at ang Hello core group! :-)

nakakatuwa lang isipin kahit 10 ang inaasaahang dadalo sa miting ay may 7 namang dumating na kung saan ramdam mo ang presensya at parang reunion na din, banaag ang mga kwentuhang high school...mga sigawaw at malalakas na boses nag nagbibigay diin sa mga pag miss at kasabikang makapag update sa isa't isa at makipagkamustahan . mga alaala at tawanan,kainan ng pasta at beer sa mesa...lahat ng ito ay nag-pasulit ng gabi na tila kami na lang ata ang nag sara ng SM ng panahong iyon. Baka maging istorya sa kulit at kung idagdag mo pa ang kwentong bagong bakal sa ngipin,kwentuhang sexy at kapayatan,kurbata at magandang bikas ni atorney,ang pagtuturo ng values educ sa holychild,bahaginang istoryang canada,mga usaping anong section na hinaluan ng mga tanong na "sinong teacher mo?" at mga kwentong "laruan"..jen (ni-quote ko yung text mo sa akin after ng miting"-LARUAN =),syempre di magtatapos ang gabi ng walang "OUTPUT" patungkol sa pag-paplano (doc at arturo saludo ako sa inyo..ituloy ang sipag!!!)..walang katapusan...pilit na hinahatak ng oras ang panahon at kailangan ng maguwian muna at magpahinga . sayang nga lang at hindi nakapunta sila (Joven,Noreen at Aura)

Kung ano ang mangyayari at ang mga susunod na kabanata, hindi ko pa masabi.
ng malinaw palang sa akin ay may mga inisyatibo nang ginagawa ang mga naitalagang "core group". matapos ang labing limang taon eto't mag-kakakulay muli o nabibigyang kulay ang mga dating samahan at kulit ng mga batang holy child...ang mga batang gulod.



mga dumalo na nagdaang miting para sa initial na usaping reunion.

1. Kristine Pablo
2. Jennifer B. Ecleo
3. Jeanette C. Cuenca
4. Meric Mara
5. Atty. Richard Pascual
6. Arturo Tansioco III
7. Darius del Rosario

araw ng miting: November 6, 2008 (Thursday), 7pm to 10pm.
PS: doc darius...salamat sa mainit na kape..pam-pahimasmas tsaka kristine salamat sa pagbaon ng camera mo na galing pa ng china

Sunday, November 02, 2008

Sa araw ng mga patay

sa panonood ng telebisyon kitang kita na madami pa din ang mga taong hindi papaawat sa pagbisita sa sementeryo ng kani-kanilang mga namaalam sa buhay mapamayaman man o mahirap. simpleng kandila ang dala o pangmarangya man. ngunit sa pag-gugunita at panalingin ay kitang kita at dama ang pag-iisang diwa.

marahil ang iba ay tapos na sa selebrasyon? nariyan kasing madami pa din ang mga ayaw papaawat, ang ibang mga tao ay nagwawaldas na at nagpapalamig sa mga malls yung iba sa sa kanya kanyang paboritong pook pasyalan tulad ng eastwood at metrowalk marahil nag bi-beer at masayang nag kukwentuhan na samantalang yung iba at sabay sabay nag aabaginoong maria at marahan ang pagsisindi ng mga kandila sa harapan ng mga puntod. kanya kanyang buhay...sa araw ng mga patay.

kung ako ang mag kukwento patungkol sa akin.
sobrang payak ng aking pagseselebra, konting dasal at pag-gunita ng mga taong nakasalamuha ko nung panahong buhay sila na na ngayon at wala na..namayapa na...masasayang alala.

tulad ng mga pag-gugupit ng buhok ko noong ako ay bata pa ng aking lolo pasto na talagang makikita mo ang pagtatampo nya pag di sya ang mag-gugupit ng buhok ko.

tulad ng lolo eduardo ko na syang nagturo sa aking magsaka at magtanim; di ko din nakakalimutan ang buntot ng page at mga usapang "mag lolo at mag apo" namin.

tulad ng pag ti-trip namin ng ice candy ang tita cyntia ko sa umaga at bago matulog di ko din malilimutan ang mga pasalubong nyang hamburger tuwing uuwi sya galing sa opisina

at marami pang iba...mga kaibigan..kamag-anak..inaanak..at iba pang mga mahal sa buhay.

pag-gunita...pag-alaala...pag-luha at pag ngiti.
aking mga simpleng gawi sa araw ng undas...