Saturday, July 26, 2008

nildacount and testing tools

"nildacount" yung name na ibinigay kasi ni jasper sa aming accounting system na nasa development server namin...today I'm starting to test it by putting it on my local machine.

Symfony rocks!

I'm also looking GPL tools sa aking mga tambayan that will help me/our team on testing our applications.

kahapon eto yung naresearch ko, a testing tool written in Python.

http://funkload.nuxeo.org/
*FunkLoad is a functional and load web tester.

medyo sinisilip at binabasa ko din sa ngayon itong http://www.webload.org/

habol ko lang din, yung server namin (prod at dev)is using CENTOS pero yung local ko ngayon ay naka UBUNTU (fedora kasi ako dati) having problem sa ibang mga modules at nagiging mabagal tuloy ako sa ibang mga work ko.

para dun sa mga nag hahanap kung paano imanage yung mga rc scripts sa ubuntu eto yung katumbas ng "chkconfig" na ginagamit ko ngayon..madaling madali lang syang gamitin pambata.

sysv-rc-conf

installation:
apt-get -y install sysv-rc-conf

paano gamitin?
sysv-rc-conf [ --level levels ] service on|off

Friday, July 25, 2008

What's New?

Bago na pala yung cellphone number ko mula bukas...Abangan nyo nalang ulit yung "smart advisory" mag tetext nalang sa inyo iyon.

Ano pang bago bukod sa number ko? eto check nyo...
Microsoft, Apache POI and the Open Specification Promise

ISMOL BUT TERIBOL?

Maaga akong nagising ngayon dahil nga sa isang bidding na kailangan puntahan.
pupungas pungas pa nga ako sa harap ng aming mga kameeting at parang natutulog pa ang diwa ko.
pero matapos ang ilang minuto..ayun inaward naman sa amin yugn maliit na proyekto. (di na masama)

maghapon lang kaming nasalabas ngayon dahil sa mga meeting (sa makati) at mga documents na kailangan ayusin..kasabay pa ng pag submit ng mga documents sa smart wireless center (sa robinson galleria naman) para dun sa cellfone kong nalaglagsa taxi (thanks nilds sa iyong matyagang pagtulong patungkol dito).

habang naghihintay sa Robinson (sa BO's coffee sa aming tambayan), naisip ko na din idownload na yung lumang website ng project na gagawin namin..para tuloy tuloy na naming gagawin yung project pagdating sa office...syempre ang gamit ko..yung maliit ngaunit paborito kong tool sa pagdodown/pagmimirror dito sa aking linux ang "wget"

#wget –w 2 –p --mirror--html-extension –-convert-links –P http://server
you can see "man wget" or" wget --help" -more for a detailed explanation of each option.

since, yung laptop naka battery mode ako..konti lang kasi ang saksakan sa BO's eh..para sa mga naglalaptop; bigla ko lang naisip nag maginstall ng powertop sa laptop ko. (tambay kasi ako sa lesswatts at gusto ko lang din malaman ngayon araw na ito kung paano magbehave yung mga application ko.

powertop - program to analyze power consumption on Intel-based laptops

#apt-get -y install powertop
#powertop

Top causes for wakeups:
55.6% ( inf) USB device 1-2 : USB Optical Mouse ()
44.4% ( inf) USB device 4-1 : Foxconn Bluetooth 2.0 plus EDR (Broadcom Corp)

siguro gawa nga ako ng magandang presentation din para sa mga maliliit na GNU/Linux tools..
para ilinya ko sa mga i-K-KS ko sa office.

ano kayang magandang title? ISMOL BUT TERIBOL?

Thursday, July 24, 2008

SMEtoolkit

Nandito ako ngayon sa batanggas para sa isang event yung SMEtoolkit ng Planters bank.
isa kasi ang aming company 8layer Technologies, Inc. sa naanyayahan para mag speak o magpresent re: LOTUS FOUNDATION START.

kwentuhan ang tema na kung saan, sa mga presentation na nangyari nag patungkol sa evolution ng technology. (may story pa nga about..what is internet? at mga classic na technology like betamax+VHS at kwentong rewinder=)

yung aming presentation naman (na ginawa ko lang kagabi yung slides) ay nagtukoy naman sa SME, sa kung paano yung technology trends kasabay ng kanilang ICT adoption, may isiningit din kami na study na ginawa ng UNDP at syempre yung main product yung "IBM Lotus Foundation" at syempre ulit ang aming advocacy na "IT is all about values" wheeeew! (buti naman at natapos ko). sinasabay ko din kasi kagabi yung mga application namin (ERP,POS,CMS,sitebuilder)na nasa aming development server na dapat mailagay ko sa aking laptop para maidemo din sa mga organizer at sa mga interesado individual dito sa SMEtoolkit event.

muntik ko ng makalimutan ito kagabi.
php symfony cc
php symfony fix-perms

ano ba yung mga hindi malilimutan sa araw na ito???

1. siguro yung lumagpas lang kami ng konti papuntang LIPA dahil sa bago na yung daan at umabot kami sa ibaan. (pero okay naman...at least alam na namin yung bagong daan papunta kina henyo,nilda at pangkal..aba miss ko na tuloy yung LOMI trip.)

2. yung dami ng mga tao sa SMEtoolkit event. mahigit 100 ata yung umattend, nahilo ako sa ingay ng mga tao sa likod (sana naman hindi mga organizer iyon) parang dalawa kasi yung mikropono...isa sa harap-yung mga gamit na "presentation" at isa sa likod -yung mga nagtutumpukan na tao na parang nagkakape lang sa starbucks kung makapagkwentuhan.

3. Plantersbank+GLOBE+IBM Event itong SMEtoolkit; Pero yung presentation ng Globe dun sa parteng MOBILITY BUNDLING ay "HP computers/laptops" hehehe nice one ms. jhing mojares =) (ayun buti natandaan ko yung name ng nagpresent. sana sa susunod ay Lenovo or IBM laptops na yung bundle. =) (TAPOS LINUX OS (fedora o ubuntu...solve na yung mga SME dito)+GNU Apps+visibility) PWEDE!!! tutal SME ang gagamit...START "IT" right.. sabi ng huling penguin sa huling slide ng aming presentation.

sa huli, friendly naman yung mga tao sa event yung mga taga SME.com.ph lalo na kay Sir. Ado din...ay maraming salamat din sa food-nakadalawang balik ako.. =) sarap ng pasta.

pagnakaluwag ako ng konti sa oras ko visit ko at araling maigi yung SME BIZTER that has been presented by Sir Ado.

salamat din sa IBM sa kanilang laging pagsuporta sa aming hindi sikat na company =), Ma'am Mini salamat kuha ko ba yung tono ng presentation mo? ..HINDI KASI SIKAT ANG IBM eh...=)

Wednesday, July 23, 2008

ang rsync,eagle vs juancho at ang ten 02

Kahapon, sa aming munting opisina bilang parte ng aming lingguhang aktibidades na (KS:knowledge sharing). nag share si renan patungkol sa rsync bale binigyan nya ng diin ang mga sumusunod.

SOURCE:DESTINATION
nitix: nitix
nitix: windows (using clix)
nitix: linux

kasama namin sa KS na ito ang mga kaibigan sa IBM na sina Femee at Dominique (a.k.a FEEDO) (ay salamat sa pizza pala) hehehe

pagtapos nyang mag share, medyo dinagdagan ko lang din ng konting detalye patungkol sa ibat ibang "file transfer protocols" at detalye din sa kung paano nagwowok yung rsync, konting kwento about its algorithm at mga example kung may encryption at compression, nag share na din ako ng mga examples, projects na naging sucessful because of rsync (syempre kasama ang aming Clix"

matapos ang sharing, sa harap ng napakadaming pizza at manok na galing sa shakeys (oo tuwing may KS laging may makain dito sa office =) ) nagsimula na ang botohan sa kung ano ang mmagiging pangalan ng aming bagong mascot o penguin. "si femee at si dom ang hurado" para walang samaan ng loob...aba may premyo kaya sa kung sino man ang mananalong pangalan...nauwi sa dalawang pangalan at ibinigay na sa amin ni FEEDO at huling pagpapasya..."EAGLE or JUANCHO" kung ano man ang mananalo..abangan nyo nalang sa website namin.... =)

pagtapos ng konting kulitan sa opis, nagpaalam na kami at pumunta kami sa lugar ni myra (myra ng put3ska) sa kanyang bar sa timog ang "TEN O2" at dito nagrelax kami ng konti at nakipagkulitan kay manong Noel. (si Noel Cabangon kasi ang tumugtog ng gabing ito) at inenjoy ang kanyang mga musika.

ang sumatutal...LINUX+KULIT+RELAX sa araw na ito!

Monday, July 21, 2008

N82

paano ko ba sisimulan? ilang araw palang kasi mula ng nagrequest ako ng bagong cellphone (this time under na sa company namin; dahil yung dati kong plan is still under athena e-services. na hassle para sa amin everytime may mga kailangan kaming support; kesyo hinahanap yung dating signatory na matagal nadin wala sa athena e-services...at kung ano anong mga bagay bagay na hindi namin control

anong mga natutunan ko?
hindi talaga nag aaupdate ng maayos ang database/CRM ng smart. (ayun lang naman sa aking palagay)
medyo hassle ang customer service nila pagdating sa mga ganito cases.

anyway,kakapalit palang ng aking phone (this time may bago na kasi akong N82) sana, nag patulong na din ako sa smart para ma iblast sa lahat ng contact ko yung bagong number (eto medyo okay itong service nila na ito lalo na't may halos 600+ pala akong mga number sa luma kong cellphone). pero kanina,MALAS ata! nalaglag sya sa TAXI na MGE, ilawng beses kong tinawagan using my old number at nagbabakasakaling maisauli ng kung sino man ang makakuha at makapulot nito.
pero wala, iba na ata talaga ang panahon;kasabay ng pagtaas ng bigas at pagpapahirap ng mga oil company sa ating bansa..nasabay na din ata ang pagpapahirap ng ilang individual na hindi na ata naiintindihan ang halaga ng pagintindi at pagsauli ng gamit...di ko na din sila pa bibigyan ng mahabang kwento sa blog na ito...kasalan ko din marahil...shit happens!

malas din at dati rati ay lagi kong tinatandaan yung plate number ng taxi na nasasakyan ko; ngayon kasi dahil madalang na din akong nakakapag taxi nakaligtaan ko. BYE BYE N82..tsk tsk this is the first time na hindi ko man lang nalaro na maayos yung gadget na nahawakan ko. kasi itong mga nakaraang araw sobra din kasi kaming naging busy sa mga meetings at pag mi-migrate at pag coconsolidate ng aming mga servers.

share ko nalang din; kung may mga extra time kasi ako medyo binabasa ko din itong mga sites na ito re:mobile tools and linux.

http://www.jankratochvil.net/project/mdsms/
http://stalmp3box.sourceforge.net/kylixprojects/main.html
http://wammu.eu/
http://gmobilebrowser.sourceforge.net/
http://code.google.com/p/amora/
http://maemo.org/
http://nokix.pasjagsm.pl/

Monday, July 14, 2008

usapang POSS

Kahapon, may natangap akong email patungkol sa maliit na kwento at komento sa open letter na ginawa ng 8layer patungkol sa POSS. nakakatuwa sa isang banda may natutunan ako; mga kwento at mga maliliit na kadahilan para sa pagpigil ng malayang pagiisip at makatuwirang pagpapaunlad at pagtataas ng antas ng ating lipunan. LALO tuloy akong na challenge para lalo kong paghusayan sa larangan ng Open Source at labanan ang ilang maliliit na katiwalian.

Dahil dito, sa harap ng aking laptop at sa tulong ng Google ay nag search ako patungkol sa
"SINO SINO" na ba ang ang nag co-conduct ng linux training o gumagawa pa ng mga mahuhusay na mga programa para sa POSS.

nakita at nag komento ako sa link na ito:

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/530668/Linux+Training+Schedule

ang sa akin lang, practitioner kasi ako ng open source, hanggat maaari kailangan kong maging maingat,magnamnam at magmanman bago mag e-execute ng mga programang patungkol sa Open Source/Linux (maging ito ay training na icoconduct o ang pangingiliyente...o mga proyekto); hanggat maaari sana eh lagi kong ilalagay yung POINT OF VIEW na kung hindi ko huhusayan...nakakahiya naman sa ibang company o Open Source na grupo na halos dugo at pawis ang kanilang mga pagpapakahirap sa pagpapalaganap ng tamang teknolohiya na ito...

na sa tuwing mali ko pala gagawin;

1.bumababa ang antas at pagtangap ng lipunan dito ( kesyo..nadadala ang ilan..dahil din sa maling execution ng iilan) na misan eto pa ang mga common na maririnig natin...

"AY AYAN NA NAMAN..LINUX NA NAMAN...MAHIRAP IYAN..at HINDI NAMAN TALAGA GUMANA IYAN..."

o kaya sa icoconduct mong training

"NGEK...ETO NA NAMAN..LINUX TRAINING NA NAMAN...DI BA CUT AND PASTE IYAN?"
"ANG MAHAL NAMAN"..DI BA..LIBRE LANG IYAN...eto yung URL oh..
https://savannah.nongnu.org/projects/lpi-manuals/"

2.at dahil dito, nagiging "LINISIN" na naman ito ng mga practitioner sa linux na kung minsan kung hindi na nila kakayanin eh syempre..mauuwi na naman ito sa pagkakaroon ng dahilan na "AYAWAN NA" at "MANGINGIBANG BAYAN" nalang ako...tuloy..sinong kawawa...si JUAN DELA CRUZ na naman...ang kakawang mga PINOY.

hindi naman masamang sumuporta sa kapwa nating pinoy; pero sa kabilang banda hindi di namang mabuting gagawa gawa ka ng mga hilaw na programa; "mag cut and paste" ng mga simpleng module na ang magnitude pala eh pagpapahirap sa mga taong labis na nagpahalaga at tunay na sumusuporta sa larangan ng Open Source at isa pa minsan, nagiging makasarili din tayo; at nakakalimutan nating meron pala tayong nirerepresenta.
na akala natin ay malaya tayong gumawa ng mga bagaybagay at nagiging pabaya tayo sa "salitang kabuluhan" na nagiging expense ng nagpapahalaga sa atin.maging individual o grupong nagpapahalaga(paano ko ba ipapaliwanag ito).Siguro ganito nalang... isang halimbawa:

Si "ey" ay nag wowork kay company "zi" dahil nag cut and paste si "ey" at madaming ng pumula sa kanya...hindi nya nakikita yung magnitude na dahil sa ginawa nya, naging kahiya hiya si company "zi"..GETS? =)

Para sa akin; ngayon na ang panahon para tayo ay mag contribute sa pag papaunlad o maging parte ng solusyon...hindi yung mag contribute at maging parte ng problema.

ibang kwento naman; Nitong July 12 nakuha ko sa pamamagitan ng ang RSS feed reader itong link na ito

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/infotech/view/20080711-147772/RP-college-replaces-open-source-system-with-Microsoft-OS

maedyo nairerelate ko din sa pagbabasa ng mga kumento sa isang sikat mailing list patungkol sa LINUX dito sa pinas (PLUG) nakita ko ang mga reaction;kuro kuro at mga pananaw ng aking mga kapanalig/kasama patungkol sa article na ito.

na kung ako naman ang tatanungin eto ang aking mga masasabi.

hindi naman ito issue ng technolohiya; issue ito na "TAMAD SILA at MADAMI SILANG PERA".
pero sana mabigyan ako at ang aking team makausap kung sino man ang pasimuno ng proyekto na ito ( syempre yung St. Paul College Pasig (SPCP) at First Datacorp (FDC). upang kahit papaano eh magkaroon man lang ng balense at malawak na pangunawa sa tinatawag na teknolohiya. at marahil lubos na ko na ding maunawaan ang kanilang ibig sabihin sa

"students and the faculty were looking for programs and applications that were not available in Linux"


eto lang muna sa ngayon!

medyo mag mumuni muni muna muli ako...

Thursday, July 10, 2008

we need marketing enthusiasts @8layer

We hope you can help us and help someone land a job that he/she might love.

Our team, 8layer Technologies, Inc. is in need of Marketing Ambassadors.

8layer is a relatively YOUNG, ALL FILIPINO, LEAN, SMALL YET TERRIBLY MEAN TEAM (Open Source Architects) who seeks:

* Articulate
* Aggressive
* Self- Motivated and Results- Oriented Talents

The Marketing Ambassadors will propagate 8layer's advocacy on IT Awareness, on imbibing the right IT Values, and on how IT with the utility of robust and reliable Open Source Technologies can bring forth the needed productivity and efficiency for one's organization.

And if you are quite willing to be a part of the 8layer Team, you must be:

* a fresh graduate or a tech novice starving for tangible and
applicable learning/training and wanting to make a difference not
only to your own self but to others;
* an experienced Marketing guy or gal in the field of IT, who is
hungry for what's right and challenging, and again, spell a whole
lot difference; or,
* an individual with high regard to doing things right and easy, and
in these times that spells a great deal of difference.

Send us your resume at info@8layertech.com or call us for an appointment at 706.0501

Thursday, July 03, 2008

We did it! Firefox 3 is now in the Guinness Book of World Records

from Firefox Download Day
reply-to Firefox Download Day
to mbmara@gmail.com
date Thu, Jul 3, 2008 at 9:08 AM
subject We did it!
mailed-by mcsv22.net

Download Day 2008
We did it!

We set a Guinness World Record for the most software downloads in 24 hours. With your help we reached 8,002,530 downloads.

You are now part of a World Record and the proud owner of the best version of Firefox yet!


AYUS! eto agad yung email na bumungad sa akin kanina pag login ko sa aking GMAIL Account,kakadownload ko din ang aking CERTIFICATE. magnada ding basahin ang istorya patungkol dito sa BBCnews



http://news.bbc.co.uk/2/hi/technology/7486668.stm
http://www.linux.com/feature/140732

also, medyo nabasa ko din itong interesting article na ito sa BBC on which Stallman Attacks Gates, Microsoft, & Charity Foundation

"It's not the Gates, it's the bars"
http://news.bbc.co.uk/2/hi/technology/7487060.stm


Ipagpatuloy ang pagsupporta sa FIREFOX at sa isa bang mga Open Source Project.