Tuesday, April 24, 2007

Manyak

Iba din talaga nagagawa ng mga konting inuman at kwentuhan, mga pagpapalit ng kuro kuro at kaalaman. Napagusapan lang kasi minsan habang nagkukwentuhan kasama ang mga tunay na kaibigan na..bakit di tayo gumawa ng mga kantang may patungkol naman sa mga nangyayari sa lipunan..mga kaganapan..yung di lagn puro pag ibig at pag aalay sa bayan….kaya eto..may naisip akong isang konsepto..isinulat ng wala pang limang minuto

Sinubok ang kakayanan sa paglikha ng mga kataga. Binigyan ko ang munting tula..na sana maging kanta sa susunod na panahon...na PAMAGAT na “MANYAK”!

MANYAK

Ang tahimik ng paligid
Ang sarap ng simoy ng hangin
Walang kahit isang suliranin
Ang paligid ay kay taimtim

Ngunit ng ikaw ay dumating
Nayanig ang daigdig
Walang patumangang nanligalig
Sa mundo naming matahimik

Man..yuck! ka naman…ninakaw mo ang pera namin
Man..yuck! ka naman...puro ka praise the lord eh pandurugas naman ang lihim
Man.. yuck! ka naman…sa mga pekeng producto mo na alok sa amin
Man..yuck ka naman sa pilipit na dilang mong walang kasing sinungaling..

Man..yuck..yak..yak..yak..yak..ka naman..

Ang ganda ng iyong sasakyan
Naluman mo batmobil ni batman
Sa yaman mong angkin
Ikaw na yata ang nag iisang matinag na bituin

Man..yuck! ka naman…eh nangamit ka lang ng mga tao may kahinaan
Man..yuck! ka naman…eh may namatay para ka mag ka puhunan
Man..yuck! ka naman...sa praise the lord mo na naman na turan
Man..yuck! ka naman...itigil na kahipokrituhan

Man..yuck..yak.yak..yak..yak..ka naman.

Kamusta na ang iyong bagong libangan?
Negosyo mo bay lumalaban?

Mga taong iyong sinagasaan
Ikaw bay matuwid at makatwitran?

Man..yuck ka naman! Kawawa ang mga kabataan
Man yuck ka naman! Sinisira mo kanilang kinabukasan
Man yuck na naman!
Sa lipunan di ka magiging huwaran.
Man yuck ka naman!
Mga salita mong bulok at kahunghangan

Man..yuck..yak yak yak yak ka naman!
Man..yak..yaiks!
Man..yak..yaiks!
Man..yak..yaiks!
Man..yak..yaiks!

No comments: