Sunday, November 19, 2006

LABAN NI PACMAN laban ng bayan?

Mag aalasdos ng madaling araw na. di ako makatulog, medyo nagbabasa basa ako ng libro para antukin. Nagbukas ako ng TV..grabe..parang di natutulog ang sambayanan..ang laman ng balita?...mga patalastas? Laban ni pacquiao..THE PACMAN. Nakakatuwa ang pinoy talaga laging may mga paraan para aliwin ang sarili at sa panahon na ito..boxing naman. Ang saya..bukas ..este mamaya na kasing alas otso ng umaga mag sisimula yung laban. “Kita” at tatabo na naman ng salapi ang channel 2..pati mga sinehan..(may live telecast kasi sa mga sinehan na dun pwedeng mag sisigaw ang mga manonood ng.SIGE..BIRA..BIRA DONG….PATAYIN MO..SA TIYAN..SA MUKHA..ALA>.SIGE BIRA..) mamaya maya..eh nag simula ng tugtugin ang lupang hinirang sa TV. Kailangan na nilang mag pahinga. Kaya pinatay ko na yung TV uli..nag patugtug nalagn ako ng Mp3..pinatugtug ko yung paborito kong kanta ngayon “HELE” na ako din yugn nag compose..oopps.. (secret kop ala iyon…hehehe) ang sarap eh..nahehele yugn utak ko. tapos ayun nag muni muni…naisip ko lang na nais kong magtanong sa sambayanan bago mag simula ang pustahan kung DEHADO O LLAMADO ang mga manok nila.

Kung ikaw si PACMAN,Ano ang pwede mong gawing tulong sa sambayanang Pilipino?
Kung ikaw si PACMAN at di ka tanyag na boksingero? Para pa rin bas a banyan ang laban?
Kung ikaw si PACMAN, pupunta ka ba lagi sa malacanyang tuwing mananalo ka sa larangan ng boxing?
Kung ikaw si PACMAN, tatangapin mo ba yung MCDO/ALAXAN/etc.. na commercial?
Para sa Bayan?

Madami akong tanong? Na ako din di ko masagot minsan...kasi marami sa paligid natin BIRA ng BIRA..marami sa lipunan gusto lagi sa camera..marami din gusto kasikatan...kung ano man..bahala na sila.

Bukas masarap magmasid...may beer man o wala..tuloy na yung laban..nakakatulilig na dahil sa ingay na ginagawa ng media..pero nakakapanabik dahil may PACMAN na kahit papaano kamao at puso ang puhunan sa buhay.

NO FEAR =)

1 comment:

dr.blogoy said...

Pareng Meric,


Kilala mo ako. Malamang alam mo na ang sagot ko sa mga tanong mo.

Gusto ko lang iparating sa yo ang aking binabalak kung sakaling ako ay maimbitahan ni Gloria sa Palasyo.

Hindi ako pupunta, magpapatawag ako ng presscon para ipaalam sa sambayanan ang dahilan kung bakit hindi ako pupunta, hahamunin ko siya na sumailalim sa isang trial.

Ganon lang... ang hirap dito kila Pacquiao puro sarili lang ang iniisip eh.. o di kaya, hindi nila iniisip na ginagamit lang sila ni Gloria para magpabango...

O sige pre.. baka makasapak pa ako ng tao... hehe....