Sunday, November 19, 2006

LABAN NI PACMAN laban ng bayan?

Mag aalasdos ng madaling araw na. di ako makatulog, medyo nagbabasa basa ako ng libro para antukin. Nagbukas ako ng TV..grabe..parang di natutulog ang sambayanan..ang laman ng balita?...mga patalastas? Laban ni pacquiao..THE PACMAN. Nakakatuwa ang pinoy talaga laging may mga paraan para aliwin ang sarili at sa panahon na ito..boxing naman. Ang saya..bukas ..este mamaya na kasing alas otso ng umaga mag sisimula yung laban. “Kita” at tatabo na naman ng salapi ang channel 2..pati mga sinehan..(may live telecast kasi sa mga sinehan na dun pwedeng mag sisigaw ang mga manonood ng.SIGE..BIRA..BIRA DONG….PATAYIN MO..SA TIYAN..SA MUKHA..ALA>.SIGE BIRA..) mamaya maya..eh nag simula ng tugtugin ang lupang hinirang sa TV. Kailangan na nilang mag pahinga. Kaya pinatay ko na yung TV uli..nag patugtug nalagn ako ng Mp3..pinatugtug ko yung paborito kong kanta ngayon “HELE” na ako din yugn nag compose..oopps.. (secret kop ala iyon…hehehe) ang sarap eh..nahehele yugn utak ko. tapos ayun nag muni muni…naisip ko lang na nais kong magtanong sa sambayanan bago mag simula ang pustahan kung DEHADO O LLAMADO ang mga manok nila.

Kung ikaw si PACMAN,Ano ang pwede mong gawing tulong sa sambayanang Pilipino?
Kung ikaw si PACMAN at di ka tanyag na boksingero? Para pa rin bas a banyan ang laban?
Kung ikaw si PACMAN, pupunta ka ba lagi sa malacanyang tuwing mananalo ka sa larangan ng boxing?
Kung ikaw si PACMAN, tatangapin mo ba yung MCDO/ALAXAN/etc.. na commercial?
Para sa Bayan?

Madami akong tanong? Na ako din di ko masagot minsan...kasi marami sa paligid natin BIRA ng BIRA..marami sa lipunan gusto lagi sa camera..marami din gusto kasikatan...kung ano man..bahala na sila.

Bukas masarap magmasid...may beer man o wala..tuloy na yung laban..nakakatulilig na dahil sa ingay na ginagawa ng media..pero nakakapanabik dahil may PACMAN na kahit papaano kamao at puso ang puhunan sa buhay.

NO FEAR =)

Tuesday, November 14, 2006

Henyo sa makabagong panahon

Yung unang nagwork ko, nakita ko kung paano ko ubusin yung oras ko.

Grabe..sobrang trabaho..puspusan… patayan... Puyatan. Pati nga pasko eh pumapasok pa ako..wag lang hindi masilbihan yung mga client at yung mga boss ko at makapagshare ng munting kaalaman sa mga kasama sa trabaho.

Madami daming tula din akong nagawa non..tulad ng “memo kuno” na ginawa kong tula sa manager ko dahil sa hindi ko nagustuhan o walang basehang memo..iyong yung una’t huling memo na nakuha ko sa tanambuhay (hanggang sa araw na ito) ko sa pagtratrabaho. Ang sarap lang ng feeling kasi yung mga na bigyan ko ng mga munting kaalaman eh..kusang tumatawag at nagpapasalamat dahil nakatulong daw yung mga itinuro ko sa kanila…eh binobola ko lang naman sila..hehehe..oooopppsss…sana nga.

Nakakataba ng puso eh…basta ako tuloy tuloy sa agos ng buhay..tuloy tuloy lang sa pagtuturo ng munting kaalaman. Natutunan ko lang naman pag ganitong usapan..wag tuturuan ang mga taong ayaw magpaturo..or wag tutulungan yung mga taong ayaw ng tulong..sayang lang yung panahon..yaan lang muna na ma ekspiryensya nila yung mga pagkakamali..tapos..tsaka makipagugnayan…isang daang porsyento.

Naalala ko lang kasi tumatanda na kasi ako. Di pala bumabata ang tao..madaming nadadaanan sa buhay..madaming nagbibigay ng kulay…sa tunay na buhay…gintong tunay…makulay na tulay. 1998 yung grumadweyt ako ng college at ngayon 29 years old na ako. Hay! Pero nagging matatag sa hamon ng buhay. Pero sa totoo lang, sa bawat hakbang na ginagawa ko at ginagawa ng bawat tao..malaking factor na magbibigay ng istorya ng bawat buhay yung mga taong nasasalubong mo. Nakakasama sa buhay sa work at kung saan saang bagay. Tulad kanila…yung isang nag OJT sa amin na taga mapua..nakachat ko. mahusay na bata..magaling yung time na nag wowork sya sa amin yung time na nag O-OJT sya. Natutuwa ako kasi malayo yung mararating ng bata…pag nakikita ko nga..magiging isang magaling na leader..ganun kataas yung tingin ko..bata pa nga lang..iba pa yung persepsyon nya sa kanyang kagalingan….magiging magaling syang isang JAVA PROGRAMMER…ako ang tingin ko sa kanya magiging ISA SYA MAGALING NA LEADER sa lalong madaling panahon. Masarap kausap yung bata..madaming alam at inaaral yung buhay nya. Isa sa mga henyo sa makabagong panahon. Yung nga lang sa canon na sya papasok ngayon..sa eastwood. Sabi ko nga sa kanya pag kailangan nya ng kahit anong tulong eh nandito lang yung company namin. Kung kailangan nya ng kainuman, kung gusto nyang pumasok sa company na walang oras at walang uniporme..dito lang kami. ..kanya kanya talagang kagustuhan iyan. Ako eto yung pinili kong landas..8layer kung saan madami dami na rin akong natutulungan sa buhay..clients…tuloy tuloy lang..walang atrasan…mas masarap kung nandito kayo sa posisyon ko ngayon..kasi lahat ng kasama ko sa opisina saludo ako..mga tunay na henyo sa bagong panahon. Mga taong nagpapahalaga sa ibig sabihin ng trabaho..ng buhay at ng pakikipagkapwa tao. PROMISE! =)

Tuesday, November 07, 2006

kantahan na

Grabe nakakaamin na kanta na kaming nakarecord, ang sarap ng ekspiryens ang gaan ng mga kanta walang tapon ika nga. Swabe at pasok sa lahat ng antas ng makikinig. Ang sarap tumambay sa bahay ni boyet. Bukod sa kumpleto na yung mga instrumento para sa pagrerecord eh, lalabas lang kami para bumili ng beer (san mig light) at oishi at mga kropek na pulutan.

Salamat sa mga sumusunod
Boyet: sa pagpapamalas ng kanyang pagkamaligno (di kasi tao ito sa galling sa pag gitara)
Deng : sa kanyang mala ibon na gitara at paglalapat ng mga lyrics sa ibang mga kanta.
Tawako ko dyan eh i SUPER DENG
Ey Ar: pag lalapat at pag awit sa ibang mga kanta. SYA din si SUPER EY Ar..galing galing eh

Note: ako lang naman eh sawsaw ditto sa album na ito..taga sulat lang ng lyrics yun lang naman.

Kay BUGARD..sa kanya pag sama sa inuman..naging para sa kanya tuloy lahat ng kanta..hehehe

Para sa mga magbabasa:
Kung close sana kita eh..di sana naririnig mo na yung mga kanta. Belat! =)

Eto na yung summary ng mga nagagawang kanta.

Wala Na:
Eto yung kantang ginawa naming na tungkol sa isang babae na nag dedescribe kung ano yung mga karakter at mga bagay bagay na gusto nya sa isang lalaki at nagpapahayag na masaya na sya feeling nito at wala ng hahanapin pang iba.


Sabi Nila:
Eto naman yung kantang nag dedescribe naman sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa dawalang taong nag iibigan. Na compose itong kantang ito yung hishschool pa ako (Meric) na inareglo yung gabing inirecord naming yung kanta.
Wala eh..anong magagawa ko..magagaling yung mga kasama kong musikero..mga maligno..di kasi tao yung mga iyon.

Kapay:
Di ko alam kung kilala nyo si Rom..yung gumawa ng kantang “KANLUNGAN” ng buklod. Kasi minsan yung unang punta naming sa kapehan nya sa kalayaan na ang pangalan eh “KAPAY” na inspire ata itong si deng gumawa ng kantang pinamagatan nyang KAPAY..ipinangalan sa kapihan nila Rom. Tungkol naman sa nagmamahal o nagiibigang mga tao na ang bawat magkaparehas ay parang “KAPE AT TINAPAY” sa kanilang pag babaybay sa buhay at dapat di nagkakawalay.

Hele:
Ito naman yung kinompose ko nung 2002 pa. para kay koen. Na after nun jam naming at nagiinuman at kwentuhan na eh pinakita ko sa mga batikang musekero. Ayun balik JAM..pinaganda nila yung areglo at nagging kantang hele ng pagibig. Tungkol sa pagpapatulog mo ng iyong minamahal kasabay ng malamig na simoy ng hangin,mapayapang gabi at mahinahong musika. ang sarap at ang gang ng feeling pag pinakikinggan ko yung kanta.

Kumplikado:
Kumplikado ang mundo pag di mo kasama ang mahal mo. Ang ganda ng kantang ito
Sa bawat tipa ng gitara ni Boyet eh talagang mapapaindayog ka lalo na kung paano kinanta ni Deng…sarap! Di sya kumplikadong pakinggan.

LQ:
Eto naman yung kanta para kay “BUGARD” hehehe. Tungkol sa mga nagmamahalan at dumadaan sa madalas na pag aaway o di pag kakaunawaan o tinatawag na “LQ”.
Sinasabi lang ng kanta na di dapat binibigyan ng malaking panahon ang pag L-LQ dumadaan lang at ayos lang. pero dapat manhandle lang ng tama para mawala.

Kung oobeserbahan yung mga lyrics at stanza..ipinasok naming lahat ng mga kanta dito.
Yugn wala na, yung sabi nila, yung kumplikado at iba pa.

Sa susunod yung iba.

Sunday, November 05, 2006

album

sobrang busy sa trabaho, di pa tapos ang isa at eto may dumadating na naman na bago.
pero masaya, masarap din kasi pag araw araw eh may ginagawa ka at alam mong natatapos yung ginagawa mo. nakikita at nararamdaman yung tinatawag na "output" o "result".

kasi marami rami rin yung ma nakikilala kong mga tao at naririnig ko sa paligid na sobrang busy sila..pero wala namang natatapos..iba kasi iyon eh....yung ganitong konsepto kasi eh para lang sa mga taong laging umaasa at walang personal goal sa sarili...sabit at sawsaw suka. na minsan matatawa ka..kasi "feeling" nila magagaling sila..yung bang.."OKAY LANG" ang lahat...and laging "I DON'T CARE YUNG MARIRINIG MO" pero wala palang binatbat o bokya naman pala.

eto nga sa sobrang busy ko eh, nakakapunta pa ako ng quiapo tulad kahapon..naglibot nag masid sa sa simbahan ng quiapo..ewan ko ba..sabi ng iba nasikip..magulo, madumi ang lugar na iyon..pero ako iba yung nararamdaman ko eh..iba ang napipicture ko sa lugar na iyon..malalim na istorya..iryoryang buhay..madaming pwedeng bida..yung magkakandila..yung mga nagbebenta ng mga santo at pamparegla..yung mga nagbabaraha..mga batang naglalaro na may hawak na sampagita...iba..ang saya. makulay na pelikula. pelikula ng totoong buhay.

kung may time ka ngang maglakad lakad pa eh..mamamalas mo dun sa hidalgo o dun sa echague yung mga nagmumurahang DVD..yung mga lang..pirata.

kahapon yung pumunta ako ng quiapo at nagutom ako. umupo at kumain sa greenwich.
yung meal "C" nila. yung may spaghetti,pizza,chocholate, manok ..sobrang malamig na COKE..ang sarap. tapos habang kumakain eh naisip isip ko na...pag nasa ortigas ako..may mga malls, mga nagoopisinang mga tao, mga taxi at naggagandahang mga sasakyan..na ihahalintulad ko yung mga eksena. nakakatuwa. buti nalang kahit saang antas eh pwede ako. pag naaalala ko lalo akong naeengganyong magsulat...balak ko tuloy mag ipon ng kaunti para bumili ng isang magandang "camera" para na dodocument ko pa kung ano yung mga natitira at mga pwedeng ipamana sa mga susunod na henerasyon...balak kong gumawa ng isang "ALBUM"..album ng buhay..album ng maghahalintulad ng mga antas at magsasabi na lahat ay mapalad..

pero ngayon..tiis muna..dun muna ako sa kung ano yung kayang arukin ng aking kakayanan.
mga mahahalagang KAIBIGAN..MUSIKA at MGA MASASARAP NG EKPERYENSA.
kaya dito muna..sa ALBUM na pwedeng ibenta at mag bigay ng konting kulay sa industriya ng musika...kasi medyo namamatay na eh..

oo,gagawa kami ng album (si dengskie,si boyet ,Ey-ar at ako..kung may gusto pang sumama..bahala na..pwede naman eh..email nyo lang ako meric_m@yahoo.com)..wala pang pamagat pero nagsimula na kaming magrecord..

ganito palang yung naiisip naming tema ng album. abangan nyo nalang.

Wednesday, November 01, 2006

Pangangaluluwa

Naniniwala ka ba sa aswang? Sa multo? Sa white lady? Sa mga kapre at maligno?

Ako hanggang ngayon hindi pa rin eh kahit mula nung bata ako eh madami na akong naririning na mga istorya. Binibigkas nila ng may mga takot at pangamba..mga totoong istorya base sa mga karanasan ng mga matatanda sa amin.

Kahit mga tito at mga tita ko eh magpapatotoo na meron talagang mga aswang o mga nilalang na kauri ng mga ito.

Di ako natatakot di ako na nababahala…naalala ko sa tanang buhay ko eh isang beses lang ako natakot..ito ay nung highshool ako na nahilig ako sa mga “ROCK n ROLL” na kantahan.mga death Metal..yung pag kinakanta mo sya eh halos walang pinagkaiba ang tunog sa mga alululong ng aso..rooooooooccccccckkkkkk…

Kasi yung time na iyon, nasubukan ko mag PLAY at MAG STOP ng cassette namin sa pamamagitan lamang ng isip o pagtitig sa mga pindutang controller ng mumunting radio namin…tititigan ko lang ng mga isa o dalawang minuto.tapos biglang pipitik na yung gusto kong managyari…mahiwaga..matalinhaga..nakakabulagta sa takot..at nakaka tindig ng mga balahibo.

…kaya mula nun..BROADWAY nalang pinagbalingan kong klase ng musiko at mga klasikal na tugtugan.

Ikaw? Kayo? Ano yung mga istoryang kinakatakutan o kinatakutan na ninyo? Multo? White lady? O mga pangyayari sa buhay ng tao na pag hindi nasulbahan eh magsisilbing mga bangungot.

Ngayun undas na naman.,,yung nga lang undas sa tinatawag na bago o modernong panahon…ASAN na nga ba ang pangangaluluwa? (NARINIG NYO BA ITO? NARANASAN?..ako..OO) Sana sa probinsya meron pa.ngayon kasi tila namamatay na ang tradisyon…nakukumpara ko lang kasi pag pumunta ka ng mga MALLs..mga subdivisions..TRICK OT TREAT NA YUNG USO...mga bata na yung mga bida at nagbabahay bahay para sa mga kendi..masaya..magastos at moderno na talaga. Kasi yung bata ako, mga binata’t dalaga yung mga nakikita kong nasa kalye..NANGANGALULUWA..mag lalagay ng konting uling sa mukha..na kung may kaya eh..hinahaluan nila ng pulbos at magtatalukbong ng mga puting kumot na minsan pa nga eh mga katsang nahingi nila sa bekery. May mga dalang gitara..mamamamahay mahay at umaawit na malumanay na kanta..kantang pangangaluluwa.

Imbes na kendi..mga ITLOG..konting barya naman ang mga inaamot nila..na minsan pag di napagbigyan eh..pupunta sa likod bahay at mangunguha ng mga MANOK at BIIK..oo kasama sa tradisyon ang akto na ito.


May mga istorya din akong naririnig na yung mga binata eh kinukuha din ang pagkakataong ito para mangaswang ng mga dalaga..nanliligaw...nambobola..…oooopppss..malamang totoo malamang hindi…pero posible.

Mamaya maglalakad lakad ako sa kalye matapos kong gawin yung mga ibang back-log sa trabaho. Mag obserba mangangalap ng butil butil na alaala maghahambing na kung anon a nga ba..ano na nga ba? Sino na nga ba ang mapapalad pa na taong may mga ganitong istorya…konti? Di ko alam..sana madami pa…nakakaalam ng munting kaalaman tulad ng PANGANGALULUWA..kasi sa modernong panahon..NAWALALA NA ANG KULAY NG BUHAY..UNTI UNTI..dahil sa mga TAONG WALANG KALULUWA.