Wednesday, December 31, 2025

Mas Malinaw na Kamalayan, Mas Makabuluhang Landas

 Sa aking ika-49 na kaarawan at sa pagpasok ng taong 2026, nais kong mamuhay nang may mas malinaw na kamalayan at mas matibay na dahilan. Dumaan kami sa isang mabigat na yugto kung saan tatlo sa aming mga kasama sa Club ang pumanaw—mula sa kanilang 40s, 50s, hanggang 70s. Nadagdagan pa ito ng pagpanaw ng dati naming boss, na siyang una kong mentor sa larangan ng teknolohiya—isang tahimik ngunit malinaw na paalala na life is short and time is borrowed.

Dahil dito, mas pinipili ko ngayon ang katahimikan kaysa ingay, ang gawa kaysa salita, at ang pangangalaga sa sarili bilang paggalang sa buhay na ipinagkaloob. Mas ilalaan ko ang oras sa inobasyon na may malinaw na direksiyon, upang makalikha ng mga solusyong may saysay at makatulong sa mas marami. At kahit kaunti lamang ang mayroon, magpapatuloy pa rin akong magbahagi—para sa mga karapat-dapat nating kababayan at sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

From this year forward, I commit to building things that serve others, investing time where it multiplies value, and honoring the trust given by mentors, friends, and family who believed in and stood by our creations. Maraming salamat po sa mga biyayang dumating at sa mga aral ng nagdaang taon. Sa aking kaarawan, I choose to live and lead in a way that leaves people, systems, and communities better than I found them.

Happy Birthday to me.

Thursday, December 04, 2025

Pag-ibig sa Bayan, pero Huwag Kalimutan ang Sarili

 

Sa mga sandaling tahimik—doon tayo tinatapik ng buhay.
Nitóng mga nakaraan, tatlo sa ating mga kasama ang namaalam. May ilan pang dumaan o kasalukuyang dumadaan sa ospital. Mapapaisip ka: Ano nga ba talaga ang mahalaga?

Sa gitna ng pagod, gastos ng oras, lakas, at utak—lalo na sa panahon ng mabilis na pagbabago at teknolohiya—madalas kulang ang pahinga. Madalas nauna ang trabaho kaysa kalusugan. Madalas inuuna ang bayan kaysa sarili. Pero kung susuriin mo nang mas malalim, nakikita mo rin na ang mga dapat sumuporta sa lokal, ay mas inuuna ang banyaga. At ang mga proyektong para sa publiko, kadalasan pakinabang ng iilan lang.

Kung i-aayos mo ito sa isang diretsong aral:

Pagmamahal sa bayan ay mahalaga—pero kung mauuna ito sa pagmamahal sa sariling kalusugan, isip at katahimikan, nagiging pag-abuso sa sarili.
May pagmamahal diyan, oo—pero may kamalian din kung hindi ka marunong maglagay ng hangganan.

 
Mag-preno bago mapagod.
Magpahinga bago mapilay.
Pakinggan ang katawan bago pa ito sumigaw.
At mahalin ang sarili—hindi bilang pagtalikod sa bayan, kundi bilang pundasyon ng tunay na paglilingkod.

Sapagkat paano ka magbibigay, kung ubos ka na?
At paano ka mag-aangat ng iba, kung ikaw mismo ay bagsak na?

Ang pag-ibig sa bayan ay nagsisimula sa pag-aalaga sa sarili.
Ang tunay na serbisyo ay hindi sakripisyong nauuwi sa kapahamakan—kundi kusang-loob na tulong na bukal sa isang taong maayos ang katawan, malinaw ang isip, at payapa ang loob.