Mas madalas ang karamihan sa atin ay nagpapakapagod,nagpapagal at ika-nga, lumalaban sa buhay para magkaroon ng better future kuno. Kayod dito at kayod doon, utang dito at utang duon para mapagwagian ang hamon ng buhay at sa huli, ganun padin...ang kagustuhan na magkaroon ng magandang future.
Natatandaan ko noong kabataan ko mga edad 16-30 siguro ako nun.Pag binabalik balikan ko ang mga nangyari sa aking buhay. Parang ang saya-saya: Una,nag-aaral para kako sa mga magulang ko kasi nga hindi naman kami mayaman at sana mapaghandaan ko sila para kung dumating man ang panahon magkasakit sila eh at least may maitulong man lang ako.
Pangalawa,Hawak ang gitara,ballpen at papel madalas tutula lang at magsusulat ng mga kanta. Iniimagine ko lang parang wala ako sa tunay na mundo at malayang nag-iisip para sa istorya na magagawa ko para sa aking ninanais na akdang mga tula at kanta. Daig ko ang mga super hero pag nasusulat ako, pag naiisip ng malaya,1ang saya ng pakiramdam.
Minsan aakyat ng bundok para tulungan ang mga kababayan nating nasa bundok. Paborito ko talaga ito.Madalas nagbabasa lang din ng mga aklat dun at nagpapalaro.Actually kahit hindi sa bundok, kahit sa mga paaralan dito sa syudad basta ba maimbitahan mag bahagi,aba sige, at aarya lang tayo. Naiisip ko din kasi na sana mag maiambag ako sa mga kaalaman ng mga kabataan para sana sa future nila.
Pag may kaunting kita eh mag tatravel sa iba't ibang parte ng mundo.Pagmamasdan ang ganda ng mundo ang ganda ng iba't ibang kultura. Nakakagaan din sa pakiramdam. At sa dulo ng mga araw noon,kasama ang ilang mga kaibigan nandyan din yung mga tinatawag na inumang walang humpay. Grabe pag binabalikan ko hindi ko alam kung magsisi ako o matutuwa at parang ang dami kong oras sa lahat. Pero, wala namang pag-sisisi maging makulay ang lahat madaming mga pag-katuto.
Madami pa akong mga gustong ikwento..pero hindi ko naman maisusulat na itong lahat. Magandang mga alala-ala.
Pero kung titinangnan natin, ang pinakamahalaga talaga eh ang magenjoy ka sa lahat ng mga gagawin mo. Kasi sa mga araw na pinagkakaloob sa atin nandun ang kwento, nanduon ang esensya ng buhay..wala sa future at wala namang future.
Darating ang panahon mamamatay ang magulang mo---walang future
Darating ang panahon mamamatay ang mga mahal mo sa buhay--walang future
Darating ang panahon hindi na din ako makakaakyat ng bundok--walang future
Darating ang panahon hindi na din ako makakapagsulat--walang future
pasasaan at hindi na din ako makakatravel--walang future
lahat ng pinaghirapan mo at inaalayan mo ay mawawala eh sila nga dapat ang future di ba?
Kaya kung kaya nyong alagaan ang inyong mga sarili mas magandang bagay.
Mas madalas kasi mas inuuna kong alagaan ang ibang mga tao, isusubo ko nalang eh binibigay ko pa sa kanila. Naku ang dami na kayang mag utang sa akin, milyon milyon na din (nagtatago na sa akin) Masaya naman akong ginagamit din ng karamihan..alam ko namang wala sila eh kaya nga mas madalas eh gagamitin ka lang. kaya kung kaya nyo, unahin lang muna ang sarili dahil sa panahon ngayon mas gamitan ang nananaig para sa mga interest kaysa ang tunay na pagtutulungan..('wag nyo akong gayahin..matututo kayogn tumanggi). Hindi ko nga mapinta ang future sa patuloy na daloy ng ganitong sistema sa lipunan.
Kaya yung mga mahal nyo sa buhay, Lalo't yung asawa nyo...alagaan nyong maigi.iEnjoy ang bawat minutong kasama sila. 'wag nyong bibigyan ng sama ng loob hanggat maari. 'wag nyong ibuild ang future, sabay nyong pagsikapan na mabantayan at maalagaan ang isa't isa...sabay nyong tuklasin ang mga ganda ng buhay.
Laging magpasalamat sa dyos,
Laging sumuporta sa inyong Pamilya,
Kumain ng tama sa oras at ng mga masarap ng pag-kain,
Umawit ng papuri at mga nakakagaan sa damdamin,
Maglakbay,
Umiwas sa mga taong Toxic.