Sunday, February 25, 2018

Hindi ako nangangamba

Hindi ako nangangamba
May Akda: Meric B. Mara

Hindi ako nangangamba
Sa mga banta at dalawang bala
Na sinasambit ng mga putang ina
Mga manloloko ng mga mahihina

Hindi ko kayo aatrasan
Sa kahit anong gusto nyong laban
Kaliwa man o kanan ang suntukan
Kahit buhay ko'y ilalaan

Dyan lang kayo magagaling
Mga asta naman ay di magiting
Sa pera ng bayan nahuhumaling
Gusgosing utak na walang lambing

Hindi ako nangangamba
Sa mga banta at dalawang bala
Walang salita at gawin nyo na
Unahan nalang tayo sa pagtumba

Mga magnanakaw ng pera ng bayan
Putang ina nyong mga hunghang
Mga banta nyo at walang laban
Sa impyerno kayo manuluyan

Hindi ako nangangamba.

Saturday, February 24, 2018

Project Kalasag

Two things 1. Anti-DDOS and 2.  DDOS Monitoring

Our Team is happy to share our new gift for our beloved country. We dreamed of a secure nation and public service which is well executed using technology.

This is the main reason why we created Project Kalasag.  Kudos Al Francis! =) 




Hello FB




Salamat Angel Ctulhu sa picture




Monday, February 19, 2018

Paalala sa kaarawan ni Matt


Paalala sa kaarawan ni Matt
May Akda: Meric B. Mara

Gabay ng dyos ay bitbitin
Hindi hindi ka mabibitin
Sa mga pagpapalang daldalhin
Makakamit at iyong sulitin

At Sa iyong paglaki
Nawa'y sa bayan ay magkasilbi
Sa lipunan at usaping komunidad
Ay maging mulat palagi

Maging magalang sa magulang
'yan ang iyong laging tangan
Lahat ng panahon na ibibilang
Hinding hindi ka iiwan

Ang pagiging halimbawa sa kapatid
Yan ay 'wag mapapatid
Sasamahan ka nyan ng matuwid
Sa paglalakbay ay ganda ang matatawid.

Paalala sa kaarawan. 

BitcoinSpark:Kampo Mara- Pililla, Rizal





Inuman na ng Beer

Inuman na ng Beer
May Akda: Meric B. Mara

Ang ganda ng umaga
Babangon at magtatrabaho na
Wala munang lakwatsa
Seryoso sa opisina

Mga reklamo at mga dakdak
Nakakapagod na sangkatutak
Itatakbo lang ang mga oras
At ibabawi sa laklak

At pagdating ng gabi
Ang paboritong eksana
Sa sarili ay may pabuya
Mga tropa ang kasama

Iunman na ng beer
Tagay-tagay lang at cheers
Hanggang madaling araw ito dear
Toma-toma ang kinakareer..

Pulutan ang mga tanga
Ang mga kasamang nakakaduda
Sila sa mesa ang ibibida
Pagtatawanan ng mga puta..

Iunman na ng beer
Tagay-tagay lang at cheers
Hanggang madaling araw ito dear
Toma-toma ang kinakareer..

Iunman na ng beer
Tagay-tagay lang at cheers
Hanggang madaling araw ito dear
Toma-toma ang kinakareer..

Iunman na ng Beer.

Monday, February 12, 2018

Ang Pamana

Pag nagtutulungan at magkakasama
Sa iisang adhikain ay magmamarka
Ang Kaunlaran at Bansang Masagana
Sa susunod na Sibol ang ipapamana

-Meric Mara

Sunday, February 11, 2018

Hay bitin! Nambibitin...

Nambibitin
Akda: Meric Mara

Hay bitin! Nambibitin...

Nagpifeeling lang na magaling
Sa trabaho naman ay dokling
Wala namang kayang gawin
Kundi ang bunganga ang unahin

May drama paiyan na paiyak-iyak
Ang mga kaalaman ay di Tiyak
Sa sarili’y walang tulak
sa Facebook lang mabubulaklak

Madaling mastress ang mahina
Mga tangang pasok sa banga
Nagmamagaling lang na kusa
Sa Gyera naman ay bale wala

Feeling forever lang ang damdamin
sa paggawa ay hindi masinsin
Tumutulo ang uhog ng iyakin
Nitong mga taong sa gawa ay nambibitin

Hay bitin! Nambibitin...



BitcoinSpark: Millenial tree, Aurora (Ang puno ng Balete)




Wednesday, February 07, 2018

Saturday, February 03, 2018

Luna

Luna
May Akda: Meric Mara

Sa iyo Luna ay dama ang pag-ibig
Liwanag na tila pumipintig
Sa kalawakan ika'y mapapatitig
Titibok ang pusong maligalig

Kinikiliting mga mata
Ang paghanga ay damang-dama
Kapayapan ay nagbubunga
Sa gabing malamig at maligaya

Sumigigaw na liwanag sa dilim
Ang balot sa taimtim na panalangin
Sa karikitan ang tunay na lambing
O Luna, kami ay mahihimbing

Tumatanglaw ang pag-asa
Likas na inspirasyon ang dala
Aginaldo sa atin ng Bathala
Ikaw! ,O Luna na maganda


Luna.