Ang hindi paggamit ng tamang oras at mga resources sa isang kumpanya ay maaaring ituring na pagnanakaw.
Sa Oryentasyon
Ilang oryentasyon na aking ginawa sa mga bagong pumapasok sa aming kumpanya. (mapaempleyado,partners o OJT). kung hindi mainam na nakikinig ang aking mga kausap malamang lamang sa kulitan natutuloy ang masayang oryentasyon.
subalit isa sa mga binibigyan ko ng diin sa bawat ganitong pangyayari ay ang paggamit ng tama ng mga resources; maging oras man ang tinutukoy nito o mga gawaing hindi naman naaayon sa mga alituntunin ng isang kumpanya.
-ang pagdodownload ng kung ano ano sa internet ay malinaw o tahakang pagnanakaw
-ang pag pasok ng hapon at walang pasubali ay pag nanakaw ng oras
-ang pagtutulog sa opisina sa oras ng trabaho
-ang pumasok para tumambay lamang ay isang pagnanakaw.
-ang paggamit ng mga office supplies sa walang kapararakang bagay ay pagnanakaw
Natutunan mo na dapat
Ang mga "basic" na itinuturo sa bahay at sa eskwelahan ay dapat natutunan na.
Kung ang mga nakalista sa itaas ay mga gawaing dapat pang ipaalala sa iyo na hindi maganda at hindi nakakatulong sa pag unlad bagkos nagiging sanhi pa ng masamang halimbawa. malamang lamang talagang balasubas ka na.
Kaya nga lagi kong pinapaalala sa bawat isa sa amin
-Gumawa ng mga kakaiba at espesyal na bagay na dapat ang mga gawain ito ay mananatiling buhay maging milya milyang dekada man ang dumating.
-Dapat ang mga bagay na ito ay pagsasalusaluhan ng lahat
-Isaalang-alang ang pagrespeto at pag-galang sa mga oras ng iyong mga kasama (wow basic = ) ).
-Sa pag gawa ng mga magagandang bagay na ito dapat alalahahin ang tamang pag gamit ng resources at hindi lalagpas sa budget.
Ikaw na
At pinakamasakit pa dito pag hindi ka pa nagdeliver ng mga inaasahan sa iyo. ika nga ni Kuya Boy, IKAW NA!