Saturday, April 12, 2008

Project Tigas

matapos ang dalawang araw na selebrasyon ng birthday ng 8layer at dalawang araw na selebrasyon din ng bertday ni japot. (japot salamat sa libre mo sa kapay pala! matagal tagal na ding hindi na ako nakakapunta sa dating tambayang iyon)

eto medyo busy na ako ngayon sa tinatwag kong PROJECT TIGAS
personal project ko ito na balak kong i KS sa 8liens
lalo sa mga programmer at sa mga sysop namin.

isa itong project na nagbibigay halaga kung paano mag install ng tamang server i optimize ito at isecure (Hardening Linux for 8layer Server deployment) may mga maliliit akong scripts na pinagsamasama at na test ko na din sa aking laruang PC.

nasa stage na ako ngayon ng tinatawag ng penetration testing.
etong mga URL na ito ang medyo nakakatulong ko ngayon.

http://www.remote-exploit.org/backtrack.html
http://www.frozentech.com/content/livecd.php
http://www.networksecuritytoolkit.org/nst/index.html


pahabol,Hay! grabe init.

Saturday, April 05, 2008

tatlong linya

april 1 yung anibersaryo ng aming 8layer,at para ito'y mapagsalusaluhan saluhan ng aming maliit at masayang pamilya nagkaroon kami ng munting inuman kantahan at tawanan. sa opisina lang namin ginawa, gamit ang casio na keyboard,gitara sa opis at guitara ni kuya addie plus dagdagan pa na kajon..ayun! masarap na jamming na.

nakakatuwang isipin kasi nag karoon pa ng palabunutan (oo na pakulo ni ate jaja). mga numero. mga numero kung pang ilan ka na kakanta. number "7" ang nakuha ko kaya medyo okay pa at relax dahil nadami pang mauuna.

kaya nga lang! yung ako na yung kumanta. aba 3 linya nga lang ata na kanta ko. hindi ko alam kung bakit...hindi ko nga din namalayan eh...ang natatandaan ko lang eh madami akong kasabay maraming sumagip..mala sabayang bigkas. heheheh! madaming "narda".

yung panahong ito,wala si jasper at kuya rey.
kaya may part tu!

sa part tu (april 4), medyo iba ang naging tema..(pero kantahan at jamming pa din pero sa pagkakataong ito..wala ng bunutan..meron lang hatakan na ang taya eh yung mga wala nung part wan...unang hatak si kuya jasper). si kuya jasper na tila hindi ata ready...(hindi daw ready eh mag nakaprint pang lyrics) =) BAKITA LABIS KITANG MAHAL...ayus nga eh! tapos si kuya Rey naman na parang Concert (sya ang gimugitara din habang kumakanta)na umawit pa ng isang kanta na para sa mga "UMIBIG AT NASAWI" =) ang beer na to o ang pagibig mo.

lahat kanya kanyang kanta ulit! this time. kumanta ulit ako, pero hindi na 3 linya (promis!) tatlong estanza na..hehehe! nag mala bokalista ako ng true faith hawak ang isang boteng beer habang kumakanta ng "HUWAG NA LANG KAYA"

masasaya at mahuhusay ang lahat, siguro sa part tu na ito isa sa mga hindi ko makakalimutan yung mala broadway na tinig ni HENYO! ang kulit at nakakatawa.

siguro bago ako matulog ulit, oo kasi nagising lang ako dahil sa sahig ako nakatulog sa harap ng computer ko. na bago ako matulog ulit..gusto ko lang sumagot ng isa sa mga tanong na isinulat ni kuya jasper sa whiteboard bago mag simula yung kulitan kagabi. patungkol sa achivement.

para sa akin ang pinaka malaking achivement na narating ni 8layer siguro eh yung mag karoon sya ng mga "8LIENS" mga totoong kasama (ang hirap kayang mapagsama sama yung mga ganitong mga personalidad)mga taong nagaalaga sa kanya,mga taong sama sama sa hirap at ginhawa na, di mababayaran ng kahit ano pa, yung alam yung ibig sabihin ng resposibilidad sa trabaho at sa mga kasama, nagpapahalaga at di nag iiwan basta basta na parang okay lang. kaya 8 milyong bagsak para sa mga 8liens. happy beerday! sya tulog ulit!