Thursday, February 14, 2008

habang ang iba ay nag-de-date

Isa ito sa mga araw na maari kong sabihin PAGOD ang utak ko at PATA ang aking katawan. bukod sa gera na sinasabi ko sa huling post ko sa blog eh mag aalas dose na ng hapon at tuloy ang larga papunta sa isang client sa alabang di naman kami na trapik papunta pero lekat naman pabalik (eh kulang nalang itulak mo mga sasakyan para lang umusad sa daan o sa kalsada) ANG TRAPIK! kala ko medyo nahihilo lang ako nung panahong nakikipag miting kami sa client at nagpresent ako sa kanilang whiteboard..TALAGA PALANG HILO AT NARARAMDAMAN KO ANG GUTOM..pero .maganda yung usapan halos sarado na o maganda yung tinakbo ng presentation at mga pangyayari...pagod at gutom lang talaga.

medyo nanghihina pa ako dahil sa dami ng mga tawag, sa dami din siguro ng mga text na puro "TESTING.. kailan? kailan?" kumukonot na nga lang yung nuo ko..umiiling at nag kikibit balikat dahil sa nakakapagod palang tunay ang mag instruct ng paulit ulit...mahirap kumausap pala sa mga taong di arok ang umunawa at magbigay ng pagpapahalaga.

tulad ng aking promis sa akin sarili..imbes na mag date ngayong gabi
eh magmumuni ako sa mga kaganapan para sa mga araw na ito..magtatala ng mga natutunan at mananalangin...napagtripan ko din sanang bumili nalagn kanina ng CANVAS at mga pintura at balak kong mag pinta din..ngunit sa kasamaang palad di ko nakita yung gusto kong klaseng pintura sa nationalbookstore..kaya eto..tulad ng aking promise! ang pagsulat ng tula..matatapos na..bukas ko nalang ipopost. medyo kailangan kong pumikit at magpahinga na muna ng konti habang ang iba eh nasa kasagsagan ng kanilang mga date!!!

pero next week i mamake sure ko na MAGPIPINTA ako at ilalagay ko sa dingding ng 8layer sa aming upisina.

Wednesday, February 13, 2008

sa araw ng mga puso!

February 13,Bukas araw na ng mga puso..bagama't sa aking kapaligiran eh nangangamo'y na tila ba may magkakatuluyan o humabaol sa araw ng mga puso (naks! eh parehas kasi icon sa YM...) eh ako ay abala naman sa pag aaral at paghahanda para sa isa sa malaking gera para bukas..medyo maaga kasi iyon at eto yung unang pagkakataon na maharap ako sa ganung klaseng gera..pero naniniwala naman ako sa pamamagitan ng tamang dalangin...sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa salitang patas at pagkakapantay patay..bukas ay tiyak ang tagumpay!

Kayo? marahil may mga bulaklak na sa paligid? marahil ay may mga dumadating na mga chokolateng hugis puso! at supresang dumadating sa inyong mga mesa? malamang nakaplantsa na din ang damit na pula na susuutin para bukas?...kung ganun! IN ka o IN-LOVE--INLABABO KA!.... =) mabuhay ka!

Ako? medyo nag reready ng mga bagay bagay na dapat iturn over para sa isang client..nagreready din ng mga bagay bagay para sa presentation na gagawin sa alabang para sa isang sana'y maging client...ganito ako mag cecelebrate ng BALENTAYNS...di kasi ako mahilig at masabay sa uso at okasyon maliban sa BERTDAY KO kasabay and selebrasyon ng bertday ng tatay ko at NEW YEAR!

sa araw ng mga puso..gagawa ako ng tula..marahil tula ng pag-ibig at titiyakin ko ito..bago matapos ang araw...kahit pa bukas ng GABI eh may isang matinding usaping dapat ayusin, pagwawakas ng isang proyekto at pagsisimula ng bagong araw para sa mga 8liens. ETO yung aming DATE! isang madinting GERA at pag te-turnover ng mga natapos ng proyekto.

marahil sa ibang pahina ng BLOG ko nalang maisusulat ang mga naitala at mga natutunan ko sa mga bagong nakasalamuha, mga naging kakwentuhan at kainuman...SA ARAW ng mga puso ngayong 2008! isang pusong bato,pusong nagpapahalaga at pusong nagmamahal na nakakarami ang dapat manaig...

dalawang kutsarang oatmeal

Grabe itong nagdaang lunes namin..grabe sa bakbakan..grabe sa daming nangailangang ng aming serbisyon..grabe sa daming natutulungan...nakakatuwa lang isipin

ilang tik-atik nalang sa relo at mag mamartes na...kasabay sa bilis ng ratrat ng aming pulang kotse eh naramdaman din namin ang gutom..kaunting panghihana..gutom at uhaw.. kaya yung aming grupo..matapos mag analisa para sa mga solusyo sa mga problema sa network ng isang client eh medyo biglang preno muna sa kalsada ng ESPANYA! bakit? dahil sa kailangan na ng pagkaing katawan.SAAN? sa paresan na matatagpuan malapit sa kanto ng blumentritt.

nakakatuwa lang kasi iyon din yung perasan na lagi naming pinupuntahan ng aking mga katropa yung nasa college pa ako...walang pagbabago..masarap pa din ang pagkain...o marahil sobrang gutom lang kami..kasi yung araw na ito..tandang tanda ko pa na mula umaga hangga't maguumaga't magpapalit na ang petsa ng kalendaryo eh ang aking AGAHAN..TANGAHLIAN HAPUNAN at MIRYENDA eh "dalawang kutsarang oatmeal" lamang na pitong beses kong isinubo ng pakonti konti nung mga oras bago pa kami lumarga sa kalsada.

sayang at di ko mna picturan! kung makikita nyo lamang yung mga platito,platita,plato eh..SIMOT talaga! natatawa lang din akogn isipin na parang "EAT and RUN" ang mga pangyayari..dahil matapos ang huling subo ng pares eh dalidali naman takbo a MRT para sa isa pang project na dito ay halos inumaga na kami o mag aalas kwatro na kami natapos.

PAGDATING sa office...di ko na nadatnan ang aking tirang oatmeal..may nag ligpit na at inalis na sa mesa ko...kung sino ka man..salamat! kasi pasado ako sa 5's dahil sa bahagyang paglinis ng mesa ko.

Friday, February 08, 2008

Dating Kulit

Yung high school ako..meron akong mga mangilang ngilan na mga kaibigan..oo medyo mapili ako sa mga kaibigan yung bata bata pa ako..dapat yung mga kalibre lang sa klase ang mga nagiging kabagang ko..pero yung hindi di kalibreng grades at yung mga naghahabol ng medalya ah..yung mga TUNAY syempre..yung mga wala ng kailangan habulin ..naks!

May isang kaibigan kasi ako nung HS si darwin huling nagkita kami nito eh yugn graduation pa namin nung highschool...tapos biglang nag press release kasi sya na mamumundok daw sya. Anyway tanong milnuebesyentosnubentaitres yung taong grumandweyt kamo na kung susumahin yung mga taon eh nakaka halos labing limang taon at ngayon lang kami magkikikita ulit. Kung paano ko nakuha yung number nya at kung bakit kami na kakapagusap ngayon..eh diskarte..pagsisiyasat at masususign pagtatanong...mahabang wento..pero nakakatuwa eto't nitong nakaraang sabado nakainuman ko sya..madaming kwento..masasaya..malulungkot..nakakatakot at tulad ng dati..mga kapupulutan ng aral..isang abogado na itong kaibigan namin na ito..di lang basta abogado..matinik na abogado..kasama namin si Doc..docleng..hehehe..si doc Darius..ang aming doctor na sikat ding kumpositor at syempre yugn isang atty na friend ko si atty. Tsoka este..atty. Richard. Wow! Ang bibigat ng mga kaibigan ko..mga atty. At doctor na...ayus! Libre na advise libre pa mga prescriptions.

Sinimulan namin ang aming mga araw (February 2 nga pala ito nangyari..MAY SAKIT AKO!)sa megamall muna dun kami nagtanghalian..tapos sabay higop ng kape naman sa Starbucks..at tapos..Directso sa office nalang namin sa lungga ng mga 8liens. Syempre di tatapusin ang araw ng walang kahit konting beer..sa 70'sbistro na namin itinuloy yung kulitan tawanan at mga kwentong highschool..habang sinasaliwan ng magagandang irihinan na kanta ng PERYODIKO at MOJOFLY..speeaking of mojo fly..(ngayon ko lang sila nakitang tumugtog..maganda pala yung bokalista nun? Wala lang..at pakiusap..walang magrereact..ok? O game..I tuloy ang kwento...

sa aming mga usapan..usapin..meron isang bagay na aabangan ako ngayon..dahil dito sa kwento ni Darwin na yung -CLASS HISTORY ng section namin na halos araw araw eh sinusulat nya sa kanyang nokbuk eh buhay pa..GUSTO kong makita iyon..pero nag promise sya na ipapakita nya sa akin pag nagkita ulit kami..kasi sa laguna pa sya umuuwi sa kasalukuyan..ANG TINDI ng atty namin na ito..ayus sa mga sentimeltal na bagay..ang galing din mag preserve. Nga pala..kung akala nyo ako nalang ang natitirang makata sa mundong ibabaw na ito..ay sya! Sana makilala nyo itong kaibigang darwin namin...ANG TINDI kaya nitong tumula at mag sulat nung mga bata bata pa kami..isa ito sa mga pambato namin. Isa rin itong napasimuno ng re-borebulusyunan at pag sasakatuparan ng mga eksane EL-filibusterismo sa aming paaralan. Hehehe! Kailan kaya mauulit ito? MAKIBAKA..WAG MATAKOT!



Ano lang ang medyo korni nung araw na ito...SYEMPRE di ako nalasing...kasi medyo pigil ang paginom ko ng beer at giniginaw ginaw pa ako dahil sa aking karamdaman...na feeling ko..ADRENALIN ko nalang ang nagtatrabaho para sa araw na aming munting reunion.

Sana sasusunod na buwan may isang pangyayari ulit na ganito...at sana next time may dalang pasalubong yung kaibigang darwin namin na ito..langya..KURIPOT PA DIN! =)

Thursday, February 07, 2008

Ganito kami mag selebreyt

kung-hay-pat-soy! Tama ba? =) hehehe wala mang tikoy... walang malalakas na putukan... wala mang Dragon dance at walang mga sinusunog na perang papel...meron namang munting jamming,dalawang pirasong mangga,sawsawang asin na para bang matitibo ka,tinapay at reno,isang boteng white wine, mga tsitsirya,mesang walang upuan, isang boteng GIN at isang bagong kanta na collaborative effort ng grupo (NAKS..bagong kanta..bagong entry sa 2nd album ng dekada..anong pamagat..LEKSYON!)...ganito namin sinalubong ang Chinese new year. kaming pamilyang 8layer..mga 8liens.

Sa gitna ng pagtulo ng laway ni nilda sa kanyang malalim na panaginip..ginising sya ni jajapot (nag na dadragon dance..este dolphin dance...huh? Meron ba nito..ah..basta isipin mo nalang..parang dragon dance din..pero kay jaja..imbes na ulo ng dragon ang makikita eh ulo ng dolphin..gets?..kung hindi..bahala ka sa buhay mo)para lang sabihin “PAG DI KA NAGISING” wala kang sweldo..kahit pa si nilda ang nagpapasweldo sa lahat =). naglalagare man ng tubo si Roz at Deng sa ibaba eh dadadalian inihinto dahil umpisa na ng tugtugan at kainan ng tinapay na may Reno..nag heheadbang na nga si HENYO kahit pa Jazz and tugtugan,si chox ay namumuti na din sa pag kapa ng mga bagong nota ng bagong kanta habang isisingit paminsan minsan ang “DIS GUY in-lab wid U pare”.

SINGIT: tingala sa itaas at biglang may lalabas na ulap habang nagiisip at sa loob ng ulap may mga katagang mababasa...”Sayang wala yung ibang 8liens..malamang nag date o abala sa ibang mga bagay..bale may susunod pa naman. Ay naalala ko lang..dapat MATULOY and badminton ngayong week...”

o game balik sa kwento..
Nakita mo na bang nalasing si Roz? Matutuwa ka.. =) Gin lang pala katapat ni Roz.
Eto imaginin mo..nag sisimulang hawakan ni Choz ang casio naming organ tapos biglang maririnig mo si Roz na iiling iling na nakaupo sa hagdanan...at biglang sisingit ng “NICE..ang ganda naman nyan...sabay kanta..HOW CAN I JUST LET YOU WALK AWAY.....blah blah..blah..” nga pala..yugn pagkakasabi nya ng “NICE..ang ganda naman iyan” eh di naiiba sa mga nakikita natin sa komiks na isang mamang lasing na humihikbi...o ha!...galing!

Paano nagtapos ang munting selebrey-syon..wala na kasing inumin..
halos tapos na naman na yung BAGONG kanta....gusto nyong marinig? Eh abangan nyo nalang.

kung-hay-pat-soy!

Litratro sa tren

nandito ako ngayon sa BO's gumagawa ng mga proposal at nag sasasagot sa mga email na para client nag medyo nag nonote note using my “vi” ng mga maliliit na items para sa mga bagay bagay na pwedeng gawin pa ng aming team para sa ikauunlad ng smbayanan..naks! Usapang sambayanan na ito..

medyo lumalamig lamig na nga yung kape ko..di pa ako pa din nasisimulang higupin ang kape na halos mag tetranta minuto ko ng pinagmamasdan lang, bigla lang sumagi sa aking makulit na isipan yung mga pinaggagawa namin kagabi sa MRT..may proyekto kasi kami na medyo patapos na din..(hay sa wakas) inabot kasi kami kagabi dun ng halos mag aalas kwatro na ng umaga medyo madadami at dapawang istasyon din kasi yung aming nilagare at alasdyis na kami nag simula din. Kung ako nag bablog ngayon..kasi mula ng matuto akong sumakay ng LRT..naku college pa ako nito....ng MRT pati yung tren na bumibiyahe ng santolan to RECTO..lagi ko kasing naiisip bumaba ng riles ng tren..kung bakit? Gusto ko lang tumayo kahit panandalian sa gitna ng mga riles..tapos titingin lang palayo... Na para bang hindi makukumpleto ang aking buhay pag hindi ko nagawa ito...sa wakas..nagawa ko din! At kagabi iyon..di nga lang ako na kapagdala ng kamera..hehehe! Wala tuloy remembrance...pero kahit na..solve na ako!..

bata pa din kasi ako marami dami na din akong mga iniisip na patulong sa tren..may mga tula din ako patungkol dito., mga drawing na gamit ang uling..mga eksenang napapanaginipan ko din minsan. At madami madami pa.....nakakatuwa kasing isipin na sa tamang kumbinansyon ng riles,tren,mga stasyon..DULOT ay kaginhawaan sa mabilis na pag lalakbay..hay tsaka na nga ikukwento mga kwentong tren ko....SA NGAYON ang mahalaga..inumaga man kami halos kagabi..este kanina..masaya naman..natapos ang mga munting gawain..maytawanan..kunutan ng noo..huntahan..akyat parito sa munting hagdan at may mga laptapan... =) o ha! Bagong tagalog ko ito..laptapan..at syempre..may mga 8liens na laging nagtutulungan para sa mga magagandang layunin...kaya SOLVE! Kahit pa wala akong litratro sa tren...o sige..ngayon may dahilan na ako...hihigop na ako ng kape =)