Saturday, January 20, 2007

Bakit ganun?

Sa tagal ng panahon, kahit pilit pilitin natin, balibaliktarin ang katotohanan “HINDI KA PALA TALAGA NABUBUHAY SA MUNDO NG TAMA AT DAPAT” sabi nga ni dong abay sa isang kanta nya..ano ba epekto kung mayroon kang depekto eh wala namang perpektong tao..wala..wala..wala...”

ganun na talaga isinabay ng agos at panahon ang mga pangyayari, kultura at kasanayan sa bawat isang pamayanan..at bawat tao..

sa trabaho nga namin, maraming tao ang mga magagaling...mga bata, mga matatanda at mga nag ke-claim na professionsional daw sila. yugn iba matagal na nga sa trabaho....magagaling base sa kanilang mga standard...base sa kanilang sinasabing panuntunan. May mga taong kung mag salita eh ang taas ng pagpapahalaga sa kanila gawa....pero kung susumahin or pag tinanong mong..IKAW BA GUMAWA NITO? SINONG GUMAWA NITO..walang lakas ng loob ipagyabang ang sariling gawa. Nakakalungkot kasi..sabi nila magaling sila pero walang respeto sa sariling gawa. ni hindi PROUD kasi nga..mababa ang standard..pero gusto nila..malalaking sweldo..matataas na posisyon..karangalan...pagiging bida. Hay! Buhay nga naman..panahon nga naman....matatawa ka nalang.

Bakit ganun? Ewan ko ba...ang isa pang obserbasyon ko sa mga tao ngayon..SANAY na SANAY sa mga dahilan..SANAY NA SANAY MAG KOMIT SAM MGA ORAS AT PANAHON..pero di kayang panindigan. Walang respesto sa sarling salita..walang patumanga ang pag kahunghang. Ang pinakamasakit sa katotohanan na marahin manhid na sila..at maraming mga sangasanga ang mga nasasagasaan sa kanilang mga pangako at angas..

Una. Syempre sarili. Kasi sya mismo ang nag violate sa kanyang mga saliata at kakayahan

Pangalawa: sa mga kasama sa trabaho, kasi dahil may tinatawag na dependensi at malaking epekto sa kabuuan ng isang proyekto

Pangatlo: sa kliyente kasi ipinagkatiwala ng kliyente ang kanyang mga pangangailangan sa tinatawag na eksperto pero..wala sa tamang panahon at mga dahilan ang laging natatangap nito

Pang apat : sa identity ng pinagtatrabahuang kumpany at sa identity sa sarili..wala na..BASANG PAPEL na..marahil ibubukang bibig pa na ang mga tao sa kumpanya na iyan eh mga walang dedikasyon..magagaling lang mag salita..

Ganun talaga!

ang sarap sana no, na sa kabilang o katotohanang na hindi ka nabubuhay sa mundo ng tama at dapat..pero magkaroon ng maliit na mundo kung saan magkakasama sama ang mga nakakaalam ng mga tama at mali, mga tanong nagpapahalaga sa sarili at sa kapwa tao...mga taong matataas ang dedikasyon..

marahil...baka pwede nating kaingitan yung ganun..isang grupo na nag tuturingan na magkakapamilya..mga grupo o indibidual na kayang mag malaki sa sariling gawa..
marahil may tatawaging “MODELO”..tutuong MODELO”...BAKIT GANUN? Ganun talaga..kasi magsisimula ang lahat sa sarili..pagpapahalaga sa mga inatas na trabaho at pagpapahalaga sa iyong potensyal at mga kaya mong gawin..WALANG ATRASAN..laban lang!....ang mga masasarap kasama..yung mga taong kayang harapin ang sariling pagkukulang….tapos sasarap pa ang laban..kapag may mga kainuman..na parehas magi sip at lumaban at magpahalaga…WALANG SABI SABI…may OUTPUT na…hindi iyong wala na nga output..ANG DAMI PANG DAHILAN! At maghahalungkat ka ng mga idadahilan..walang katapusang dahilan.

Thursday, January 11, 2007

ANG LAMAT

Maikling synopsis ukol sa tula:

Ang paglikha ng tulang ito ay udyok ng isang pagnanais na mabuhay ang mga talatang di naririnig sa araw araw na paglalayag. Isa sa mga awitin ng datinggrupong Patatag (pamagat:”Supling” ni Jonas Baes) ay isa sa mga naging inspirasyon sa pagsasakatuparan. Ito ay para sa FORM

Sa parte naman ng CONTENT, ang tahasang nagbigay ng buhay sa tulang ito ay base sa tunay na karanasan ng may akda… Sinubok na isakatauhan ang mga taong nakasalamuha at nagbigay ng isang realisasyon at pagtutuwid sa namulatan konsepto gaya ng “pagkakaibigan” at higit sa lahat at nagpaigting bagkus na gumawa ng mas masisig at makabuluhang pagtatala sa buhay ng may akda… sa larangan negosyo, pakikisalamuha at pagtatakda.

Sa isang banda,Mapupuna rin na ang mga kataga ay maaaring maisahalintulad sa mga pulitiko na walang patumanggang ginaganap ang pagiging salot sa lipunan.

Kahilingan:
Sana’y malapatan ng musika/ melodia sa paghabi ng isang awit.

Pamagat:ANG LAMAT
May Akda: Meric B. Mara

Bitak-bitak na ang bungo, warak na bumbunan
Manhid na sa tunay na karamdaman
Sariling kagustuhan at madayang pangangatwiran
Huwad na katotohanan ang kabuhayan

Ang palasak na bukang bibig ay kagandahan
Na taliwas sa paninindigan at pagsambang kinamulatan
May Lamat na ang kaluluwa tahasan pang binibida
Pag sisisi ay sa salamin at barag na di na umuubra

Ang pagkupit ay tinakda na tila matatag na batas
Sa pusong walang patid ang iyak tila panis na gatas
walang patumangang pagpipigtas sa kayamanang di likas
Binu buyangyang ang pagkataong walang bakas

Tinatagpi ng salapi at karangayaan ang retasong katauhan
Sa piling ng pagkabantog na kanlungang nilumot na batuhan
Bingi sa sariling mga salita na sakdal sa rehas ng katotohanan
Duwag sa hamon ng tagumpay at lamat na puso ang sukatan

gumuguhit ang mga kuko habang mga likod ay hinahagod
unti unting pinapaslang katinuan ng walang muwang sa pagkayod
nalansi at kapos sa karunungan ng buhay na malugod
mala kalyong lamat na puhunan ay pikit mata nilang sinasahod.

Ayus ang GMA NEWS TV

Dahil wala na akong pambili ng dyaryo, sa internet nalang ako nagbabasa mga mga balitakung anon a ba ang mga nangyayari sa sa kapaligiran sa politika at showbiz..yaiks!

ang nakakatuwa di ko alam kung anong pakulo meron itong website ng GMA NEWS TV. Eh kasi naman may mga bold akong nakikita sa bandang kanan…patawa nga eh!

Eto share ko =) sino kaya gumawa nito..saludo ako.