Sunday, December 31, 2006

Trenta na si Mara

Grabe tatlumpung taon nap ala ang nakakalipas mula ng ako’y ipinanganak. Ilang oras nalang ang hinihintay ko “HAPPY BIRTHDAY NA ULIT” !!! sa labas nga ang dami ng mga nagpapaputok , kanya kanyang ingay, kanya kanyang pamamaraan ng pagsalubong ng baong taon..madami na din ang mga nag text sa akin para ako’y baliin ng happy new year at happy birthday….yung iba nga eh..puro forwarded yugn message..mga tamad gumawa ng mga sariling mensahe para sa okasyon..hehehe!..mga mahal sa buhay..mga kababata…mga klasmeyt ng elementary at klasmeyt ng high school..may ilan ding mga kaibigan at mga kasama sa trabaho ang bumati. ..pabiro ko ngang sinasabi na tumatangap ako ng “cash ” bilang regalo. SANA MAY MAGREGALO SA AKIN NG TULA =) (labis akong matutuwa)

Tatlumpung palakpak yung regalo ko sa sarili ko..tatlumpung kahilingan din na di ko na ilalathala sa blog na ito..pabulong ko ngang inisa isa at kwarto kanina matapos akong manalangin at magpasalamat sa panginoon. Pero may kopya ako sa wallet na nakasulat sa isang maliit na papel na tinupi ko ng maliiit na maliit at isiniksik sa isanag bulsa kasama na nakaipit ng mga calling card ko. ito ay para masigurado kong di ko makakalimutan yung mga kahilingan at namomonitor ko kung nangyayari o nagaganap ang mga ito.

Karamihan naman ito at hindi para sa akin..para sa ibang tao na wala akong pinangarap kung di ang kanilang pagunlad,kalusugan at kapayapaan.

Kanina medyo balisa pa ako ng konti, nahihirapan nga akong huminga ewan ko ba..pagod siguro at sa dami ng mga iniisip para makagawa pa ng mga magagandang programa para makatulong sa ibang tao. Nanakit din yun buong katawan ko na may sinat sinat pa konti..puro tubig nga yung binabanatan ko ngayon. Pero medyo dahan dahan yung mga galaw ko kasi baka di ako gumaling agad, madaming magagalit. Yung kalusugan ko yung gagawan ng malaking programa sa susunod na taon. Sana makabili agad ako ng rubber shoes ko para kahit papaano maibalik ko yung dating mga sports tapos gusto ko ring makapag jogging ng regular na.

Ang bilis talaga ng panahon..tiningnan ko nga yugn mga lumang larawan ko at ako mismo di makapanilawa na tumanda nap ala ako..ang bilis..tulad ng pagbilis ng paghaba ng buhok kong kumukulot kulot. Kugn dati pa gel gel lang ako..ngayon eh..panaling goma o mga panaling bigay yung ginagamit ko.

Tatlumpung taon…bagong edad..hahaha..trenta na si mara.
bagong buhay…bagong simula…

sa malate

Pupunta dapat yung 8layer team sa laguna para kahit papaano ay mag karoon ng salo salo bago man lang umabot Ang araw ng pasko. Nag arkila na rin kami ng “adventure” na sasakyan para iyon ang gamitin namin kaysa mamasahe pa kame. Tamang tama may bisita kaming malaysian na pumunta ditto para mag patulong sa paghahanap ng hotel na gagamitin naming para sa event sa February para sa isang seminar para sa “asterisk”

Lumubog na ang araw ang tindi ng trapik. Tamang tama nagyaya ng mag dinner o hapunan yung malysian na treat raw nya. Kay sinundo namin sya sa shangrila kung saan nandun sya nanatili para sa mga huling taong kamiting nya. Pag kasundo dinala naming sya sa metrowalk para dun mag hapunan…sa “iceberg” kami napunta..anak ng tokwa ang bagal mag serve ng mga waiters at mukhang yung may memory gap na yung mga ulul..kasi ba naman tuwing oorder kami..laging kulang yung pagkakaintindi nya..halimbawa..”3 extra rice nga” dadating isa lang..hay! tapos pag dating sa bayaran na..nak ng tokwa ulit..ang bilis kumuha ng bayad at mag sukli at kumuha ng tip..kaya nga binibigyan ko ito ng tatlong palakpak para sa kakaibang performance.


Pag katapos ng kainan..ayun pumunta kami sa malate para dun nalang sana mag inuman kwentuhan at magsaya para ecelebrate an gaming munting salo salon a kasama an gaming bisitang Malaysian. Dun kami sa malate at unang napadpad sa “HOBBIT HOUSE” medyo tahimik at kokonti ang tao, namamalayan mo nga yung mga usok ng pag yoyosi nila Eman,charm at Dan. Ang nakakatuwa naman sa lugar na ito eh..tag iisang bote lang kami ng beer grabe naming kasi yung MAHAL 95 pesos isang beer..eh paano kaming malalasing tapos may 100 pang entrance na hindi man lang consumable. Kaya ayun..matapos ang tig i-isang beer eh naka 2,400 pesos na kami..patay! mabibitin kami pag nag isang round pa. kaya lumipat nalang sa ibang bar para maiba naman yung lugar yung medyo makulit yung jamming at dapat masaling kami kahit papaano. Kaya na padpad kami a “UNPLUGGED” kung saan dalawa ang mag peperform 1. soul jive at si jimmy bondoc. Ang nakakatuwa pa dun, nakita ko yung mga dating kaibigan ko sa UNIONBANK.kaibigan pala nila yung soul jive..sila edong at Kathy. Kaya ayun lalong napasarap ang kulitan at jamingan. Pinakanta si Deng ng mga kantang matataas tulad ng loving you at.nakuha naman nya..pati atensyon ng mga tao dahil sa galing ng boses nya. Ang nakakatuwa pa ditto eh magkaibigan nap ala itong si jimmy bondoc at si deng,,kaya yung mga kantang alternative eh nailagay o naihain din sa entablado tulad ng “KANLUNGAN” ni rom na kinakanta ni at pinasikat ni Noel Cabangun at “SARANGOLA SA ULAN” ni Gary Granada na habang kinakanta ni jimmy eh sobrang na nanamnam ko yung mensahe ng kanta…
Saranggola sa Ulan

Naririnig ko pa ang tawa’t hagikhik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan, ako’y dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam

Sa aming kamusmusan
Kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa’y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig ng walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko
At sa pagmamadali nasagi ang aking puso

Eto na naman
ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian

Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi’t laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo

Eto na naman..
Heto ako, tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan

Wednesday, December 20, 2006

sa paskong darating

Mag papasko na pero sa ibang dako o sa ibang mga tao eh pasko na talaga. May mga christmas party, namimili na ng mga regalo, naghahanda ng umuwi yung mga taga ibang bansa para sa darating na pasko at may mga nagpapakasal din. Marami akong nakikitang mga tao, excited sa xmas party nag papractice nga mga sayaw at kung ano ano pa para pag dating ng party masaya. May nag babading badingan, may nag aalapokpok may mga kupido kupiduhan may mga nag bobroadway at kung ano ano pang pakulo na minsan binivideo nalang yung mga I paplay para sa party. Matatawa ka nalang lahat para sa pasko.

Minsan habang nakasakay ako ng jeep, may mga batang umakyat para punasan yung mga sapatos ng pasahero. Tapos ilalabas ang mga kalansing na tansan at magisisimlang kumanta ng awiting pamasko “kagsigla ng gabi..ang lahat ay kaysaya..nag luto ang ate ng manok na tinola..” tapos lalapitan muli ang bawat pasahero para humungi ng pamasko daw..pambili lang ng pagkain. Mangingiti ka kasi para sa pasko ng isang batang pasabit sabit sa jeep.

Tapos may araw naman na habang nagtatrabaho ako gamit ang aking laptop sa BO’s coffee sa ibaba ng robinson galleria. May lumapit sa aking isang dalaga at nagbigay ng sobre na may maliit na sulat na nakasaad na “namamasko po” pandagdaglang po sa aking ipampapaaral. Muli nadawit na naman ang pasko.

Sa mga bahay bahay naman, nagsisimula ng ikabit yung mga lumang x-mas lite, binubuo na rin yung mga x-mas tree na halos umabot na sa kisame sa taas na may malaking start sa itaas na minsan eh angel na puti naman,sasabitan ng mga palamuti at mag lalagay na ng mga regalo sa ilalim o paanan nito para sa mga kamaganak, mga inaanak at para sa mga mga mamamasko. Yung iba nga sa ilalim ng x-mas tree nag lalagay ng isang malaking bilao na puno ng maraming maraming maraming barya at mga kendi na sa araw ng pasko eh ipapadakot sa mga batang mamamasko at iyon na ang kanilang aginaldo. Mga pakulo sa araw ng pasko para masabing kakaiba ang pasko.

Ano ba talaga ang pasko? Regalo? Pakulo? Dapat kakaiba?
Dapat tuwing darating ang December 25 may celebration.
Eh paano iyon sabi diba dapat araw araw ay pasko? Biro lang.

Lahat naman ng tao eh malayang mag pahiwatig ng kanya kanyang pananaw kung ano ang pasko? Iba na ang mundo..iba ang realidad. Minsan dinadaya nalagn natin yung sarili natin..minsan pinilipit nalang natin yung sarili nating mapagbigyan ang iba sa araw ng pasko. May mga tao nga eh..walang patumanga walang sinasanto , na sa araw ng pasko nanloloko nanggagantso itong mga tsonggo, sumasamba, nagsisimba at aabuloy, nagbibigay sa mga tao ng mga regaregalo..pero sa dugas galing. Naaatim ang lahat ng mga ito sa araw ng pasko. Masabi lang na bida!

Eto ang realidad..eto ang pasko ngayon, sa mangilanngilan totoo..sa karamihan marahil ang pasko ay araw ng panggagago..sa balita sa TV palang masasaksihan mo, sa dyaryo.
Yung iba sabi mag patawad ka sa pasko, sa huwad, mamatay ka at pakyu ka sa pasko dahil patok ang bituka ko. hay! At isa pang hay! Di ko tuloy maiwasan maiyak kasi marami akong kilalang ganito.

Kaya ngayong pasko, gagawin ko yung lagi kong ginagawa. Matulog! Hehehe
Ganun eh..kasi malaman puyat na naman ako sa paggawa ng mga bagay bagay para sa pamilya. Teka, na miss ko tuloy si kwang? Nasan na kaya iyon? Aabangan ko iyon, ipinananalangin..na sana sa susunod na mga araw kasama ko na si kwang ko. para maligaya ang pasko at ma share ko sa kanya yung mga napagdaanan ko mga kwentong buhay..masaya, masalimuot pati yung mga nagdaang pasko ko. araw araw sya yung pasko ko..puso ko! kasama ng mga mahal ko sa buhay.

Friday, December 15, 2006

PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON

Dati yung bata pa ako, naranasan kong kumain lang ng kanin tapos sasabawan ng tubig at lalagyan ng konting asin. Nakikita ko kasi na ginagawa ng lolo masyang ko iyon kaya minsan pagkainan na, ganung klaseng pagkain lang yung gusto ko. di naman kasi ako maselan sa pagkain eh, pag naaalala ko pa nga minsan, yung mga pinsan ko dadayo sa bahay tapos dun kami kumakain ng mga luto ni papa at nag kukumpitisyon pa kami na dapat pag tapos kumain walang mumo na matitira sa sahig..oo sa sahig kami kumakain ng mga pinsan ko..tapos kung sino yung may mumo dapat lilinisin iyon sa pamamagitan ng dila. Pag kumakain kami eh nagkakamay lang kami so kailangan magaling kang mag kamay para manalo..madalas yung mga pinsan ko yung natatalo at hinihimod ng mga dila nila yung mga tiring kanin sa sahig.

Naalala ko lang bigla yung mga ito kasi nga tungkol sa pagkain, itong mga nakaraang araw kasi wala akong ginawa kundi kumain dito..kain duon..kain kung saan saan..

Napagtititripan ko pa yung binalot sa ibaba ng glorietta na halos araw araw eh bumibili ako para aking kainin at mawala yung aking gutom..minsan naman pag mga mga bisita ako sa office nayayaya ko naman sa mga Chinese restaurant…tapos bago matapos ang gabi..kundi mga pagkaing tsitsiria sa 7-11 sa ibaba ng office eh dumadayo pa sa kapay sa kalayaan para lang lumantak ng KAPE/TSOKOLATENG NATIVE at pandesal.

Pero may na mimiss akong pagkain, pagkaing isperitual, yugn kasama ko pa si koen naaalala ko kasama yung mommy nya na nag bi-VCF pa kami sa glorietta. Madalas eh nag aaral pa kami ng bible sa gabi. Ito yung mga madalas kong ginagawa din yung bata pa ako, kasama ang magulang ko na tuwing dadating yung alasais ng gabi at nag simula nang humalik sa sahig ang mga butiki eh pumupunta na kami at lumuluhod sa tabi ng altar..nag nonobena, hawak ang rosario at taus pusong nag dadasal. Si “nanay” nga yung lola ko eh kinakabisado ata yung bibliya dahil sa tuwing magkakaroon sya ng libreng oras iyon lagi ang hawak nya at madalas akong nagtatanong sa kanya. Yung High school naman ako, yung mga kaibigan ko naman ang nag turo sa akin ng mga awiting papuri. Na lalong nag patatag sa aking pananampalataya.

Ngayon kasi, mukhang nalamon na ako ng makinarya, marahil isa sa aking mga tanong sa buhay eh..napasama ata ako sa mga maling kaibigan na papuri ng papuri tapos mga hipokrito pala,iniuubos ang oras mo at sa huli ikaw pa ang masama sa kanila na kung minamalas malas ka pa eh pagbabantaan pa buhay mo (nangyayari pala ito akala ko sa pelikula lang). Ang hirap..aaralin mo yung mga pakikisahan..aaralin mo yung pag gamit ng oras..lahat aaralin..pero sa huli “AKO PALA O SARILI KO LANG” ang pwedeng magsabi kung paano ko gagawin o ibabalik ang dating panahon..ang aking haharapin na panahon.

Kasabay ng aking pagkain ng mga pagkaing para sa katawan,kailangan ko ng programahan ang akiong buhay. Ang bilis ng panahon..ang alon ng buhay.

Eto na ang simula! ang payak na simula. PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON. balanseng buhay!

Friday, December 08, 2006

Bulaklak

Pamagat ng Tula:Bulaklak
May Akda: Meric Mara

Sa tuwing ikay pinagmamasdan
Lahat sa paligid ay gumagaan
Sa masalimuot na hardinan
Kakaibang birhen na nilalang

Bulaklak ka ng buhay
nagsisilbing gabay
laging masayang sumasabay,
Sa dakilang pagbabaybay

ang mabango mong halimuyak
Sa akin ay nangungusap;
mahigpit na mga yakap
kadenang magsusumikap

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sabay tayong dalawang tunay na magkaliyag
simbolo ng pagibig, pag ibig na bitag

di malalanta pag ikaw ay kapanig
di mag mamaliw pag namumukadkad ang tinig
didiligan ng tubig ; tubig ng pagibig
ang bulaklak kong liyag laging bukang bibig

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sa lahat ng panahon ikaw mamumukadkad
di hahayaang pigtasin nang mga taong huwad

mahal kong bulaklak

Friday, December 01, 2006

super lolo

Yung bata ako, may taniman kami sa likod bahay.Mga kamoteng baging ,kahoy,kakaw,ube at kangkongan na tuwing madaling araw eh nag pipiko na kami tapos sa hapon naman eh bumabalik kami para magdilig gamit yung malaking lata ng biskwit na binutas butas naming ng pako sapuwitan nito.

Lolo ko yung nagturo sa akin magbungkal at magtanim.

Dun kasi kami kumukuha ng mga minimeryenda namin. Minsan pag kaani, kasama yung lola ko nag lulupak pa kami. Gamit yung bayuhang kahoy na hinihiram naming kila aling Imang..nanay ni kuya vener na kababata at kabarkada ko sa lugar namin.
Tapos, dun din ako namumulot ng mga kahoy kahoy na pinatutuyo namin at ginagawang pangatong. Kasama yugn lolo ko nag sisibak kami gamit yung bolo nya na nakuha pa nya sa visaya na lagi nyang hinahasa at gamit sa pagtipak ng kahoy ay pagtatanim.

Yung mga tinatawag ng mga taong trabahong probinsya. Sa lolo ko iyon natutunan. Sa kanya ko nakuha yung sinasabing pag may “tyaga may nilaga”. Tapos nag susuot pa nga kami ng mga damit na pangmagsasaka yung mahaba yung manggas tapos naka salakot pa kami at nakabotang abot hita. Kalabaw na nga lang kulang naming nung bata ako wala na kaming pinagkaiba sa mga nagtatanim sa mga hasyenda or mga bukirin na makikita natin sa daan pag bumibiyaheng papuntang probinsya.

Matagal na rin yung panahon.
Yung mga panahon batak sa taniman.

Nag trabaho na rin ako sa mga multinational at mga opisina sa syiudad. Di ko na nakikita yung lolo ko sa mahabang panahon. Namimiss ko..minsan nga napapanaginipan at nagbabaliktanaw. Na minsan din na ikukuwento ko pa sa mga kasama sa opis at mga kaibigan yung ekspiryens ko na iyon..bati yung pag gagawa namin ng bitag para makahuli ng bayawak na kukwento ko din. Pati yung hindi ko palang makakalimutang paghahabi ng mga bayong at mga bola gawa sa dahon ng nyog. Ang sarap.

Sa tagal ng panahon, bigla nalang tumulo yung luha ko. Gabing gabi ng nag text yung tito restie ka na taga bukalan. Nasa ospital si “tatay” yung lolo ko. Nanghihina di kinakaya yung sakit nya sa baga. Di ako mapakali, nag tawag twag ng mga kaibigan kung paano ako makakahingi ng tulong. Nag hihintay din ng mga susunod ng text galing sa mga tito at mga magulang ko na nag kokordinate sa ospital at nagpaplano ng mga tamang gawain. Namatay yung mga cellhpne nila..nawala yung kontact ko..nag hihintay ako ng tawag. Hanggang sa dumating yung alas syete ng umaga nag si si mama “WALA NA SI TATAY” nanlamig ako. Pinipilit wag tumulo yung luha. Di ko kinaya. Bumukwak yung mga luha at kabog sa damdamin. Wala na yung LOLO ko. Tapos nito ay naging busy na ako para sa pagtulong sa mga bagay bagay para magign maayos ang kanyang himlayan.

Walang tulog; mugto ang mata;mahapdi at pulang pulang, pero kailangan gumalaw sumugod sa hamon ng buhay.

Magiging makulay itong panahon na ito. Magpapasok..unang pasko na wala yung lolo ko..wala sya sa piling naming..wala sya sa nochebuena na kung saan magsasalo salong buo ang pamilya…wala na.

Sa kabilang dako, nagpapasalamat din ako sa dyos dahil sa kapiling na nya si tatay.
Natutuwa at nagpapasalamat ako dahil nakita yung tunay ng mga kaibigan. Isang tawag lang nandyan at laging handing tumulong. May pera man o wala..puso at matulunging kamay ang pilit nilang inagapay sa akin sa aming pamilya sa lolo ko.

Magsisimulang tumakbo yung panahon uli..bagong pangyayari, bagong mga kaganapan na kailangan magign matatag. Tulad ng mga tinurong Gawain at mga values ng lolo ko.
Nagging masipag,mag karoon ng malalim na dedikasyon sa mga Gawain at sa pag lusob ng buhay. Di man gamit at bulo o itak, di man nakasalakot at nakabota. Dapat laging handa..matatag..patas sa buhay at mapag mahal sa kapwa.

Para sa iyo lo…gumawa ako ng munting tula. Saan ka man na roon. Sana baunin mo yung pagmamahal naming sa iyo..pagibig na alay ko..ma mimiss kita. Pinatatag mo ako.
Para sa iyo lo.


lo
23:20
November 30, 2006

lo ko asan na ba tayo?
lo ko natatandaan ko
yung ako'y bata pa
pinapalo mo ako

lo ko asan na ba tayo?
nung ako'y nagsimulang mag aral
galing sa iyo
ang baon kong piso

sa bawat, bagsak ng piko
kayo ang idolo
sa hamon ng buhay
walang susuper sa loloko

lo ko asan na ba tayo?
matagal na panahon ang ginugol ko
di na tayo nag kikita
miss kitang totoo

mga pangaral mo, ang pag-ibig mo
hinahanap ang tulirong puso ko
ayaw paawat; ayaw tumimo
kabog ng puso sanay pakingan mo

lo asan na ba tayo?
asan na ang mahal na lolo ko?
ngayon sa harapan ko
nakahimlay na bato

lo asan na? dito sa puso ko
di pumapayag wala ka na sa mundo
mga himig ng damdamin ay alay ko
katabi man ay luha,ito'y buong iyo

mahal na lolo ko.