Sunday, December 31, 2006

Trenta na si Mara

Grabe tatlumpung taon nap ala ang nakakalipas mula ng ako’y ipinanganak. Ilang oras nalang ang hinihintay ko “HAPPY BIRTHDAY NA ULIT” !!! sa labas nga ang dami ng mga nagpapaputok , kanya kanyang ingay, kanya kanyang pamamaraan ng pagsalubong ng baong taon..madami na din ang mga nag text sa akin para ako’y baliin ng happy new year at happy birthday….yung iba nga eh..puro forwarded yugn message..mga tamad gumawa ng mga sariling mensahe para sa okasyon..hehehe!..mga mahal sa buhay..mga kababata…mga klasmeyt ng elementary at klasmeyt ng high school..may ilan ding mga kaibigan at mga kasama sa trabaho ang bumati. ..pabiro ko ngang sinasabi na tumatangap ako ng “cash ” bilang regalo. SANA MAY MAGREGALO SA AKIN NG TULA =) (labis akong matutuwa)

Tatlumpung palakpak yung regalo ko sa sarili ko..tatlumpung kahilingan din na di ko na ilalathala sa blog na ito..pabulong ko ngang inisa isa at kwarto kanina matapos akong manalangin at magpasalamat sa panginoon. Pero may kopya ako sa wallet na nakasulat sa isang maliit na papel na tinupi ko ng maliiit na maliit at isiniksik sa isanag bulsa kasama na nakaipit ng mga calling card ko. ito ay para masigurado kong di ko makakalimutan yung mga kahilingan at namomonitor ko kung nangyayari o nagaganap ang mga ito.

Karamihan naman ito at hindi para sa akin..para sa ibang tao na wala akong pinangarap kung di ang kanilang pagunlad,kalusugan at kapayapaan.

Kanina medyo balisa pa ako ng konti, nahihirapan nga akong huminga ewan ko ba..pagod siguro at sa dami ng mga iniisip para makagawa pa ng mga magagandang programa para makatulong sa ibang tao. Nanakit din yun buong katawan ko na may sinat sinat pa konti..puro tubig nga yung binabanatan ko ngayon. Pero medyo dahan dahan yung mga galaw ko kasi baka di ako gumaling agad, madaming magagalit. Yung kalusugan ko yung gagawan ng malaking programa sa susunod na taon. Sana makabili agad ako ng rubber shoes ko para kahit papaano maibalik ko yung dating mga sports tapos gusto ko ring makapag jogging ng regular na.

Ang bilis talaga ng panahon..tiningnan ko nga yugn mga lumang larawan ko at ako mismo di makapanilawa na tumanda nap ala ako..ang bilis..tulad ng pagbilis ng paghaba ng buhok kong kumukulot kulot. Kugn dati pa gel gel lang ako..ngayon eh..panaling goma o mga panaling bigay yung ginagamit ko.

Tatlumpung taon…bagong edad..hahaha..trenta na si mara.
bagong buhay…bagong simula…

sa malate

Pupunta dapat yung 8layer team sa laguna para kahit papaano ay mag karoon ng salo salo bago man lang umabot Ang araw ng pasko. Nag arkila na rin kami ng “adventure” na sasakyan para iyon ang gamitin namin kaysa mamasahe pa kame. Tamang tama may bisita kaming malaysian na pumunta ditto para mag patulong sa paghahanap ng hotel na gagamitin naming para sa event sa February para sa isang seminar para sa “asterisk”

Lumubog na ang araw ang tindi ng trapik. Tamang tama nagyaya ng mag dinner o hapunan yung malysian na treat raw nya. Kay sinundo namin sya sa shangrila kung saan nandun sya nanatili para sa mga huling taong kamiting nya. Pag kasundo dinala naming sya sa metrowalk para dun mag hapunan…sa “iceberg” kami napunta..anak ng tokwa ang bagal mag serve ng mga waiters at mukhang yung may memory gap na yung mga ulul..kasi ba naman tuwing oorder kami..laging kulang yung pagkakaintindi nya..halimbawa..”3 extra rice nga” dadating isa lang..hay! tapos pag dating sa bayaran na..nak ng tokwa ulit..ang bilis kumuha ng bayad at mag sukli at kumuha ng tip..kaya nga binibigyan ko ito ng tatlong palakpak para sa kakaibang performance.


Pag katapos ng kainan..ayun pumunta kami sa malate para dun nalang sana mag inuman kwentuhan at magsaya para ecelebrate an gaming munting salo salon a kasama an gaming bisitang Malaysian. Dun kami sa malate at unang napadpad sa “HOBBIT HOUSE” medyo tahimik at kokonti ang tao, namamalayan mo nga yung mga usok ng pag yoyosi nila Eman,charm at Dan. Ang nakakatuwa naman sa lugar na ito eh..tag iisang bote lang kami ng beer grabe naming kasi yung MAHAL 95 pesos isang beer..eh paano kaming malalasing tapos may 100 pang entrance na hindi man lang consumable. Kaya ayun..matapos ang tig i-isang beer eh naka 2,400 pesos na kami..patay! mabibitin kami pag nag isang round pa. kaya lumipat nalang sa ibang bar para maiba naman yung lugar yung medyo makulit yung jamming at dapat masaling kami kahit papaano. Kaya na padpad kami a “UNPLUGGED” kung saan dalawa ang mag peperform 1. soul jive at si jimmy bondoc. Ang nakakatuwa pa dun, nakita ko yung mga dating kaibigan ko sa UNIONBANK.kaibigan pala nila yung soul jive..sila edong at Kathy. Kaya ayun lalong napasarap ang kulitan at jamingan. Pinakanta si Deng ng mga kantang matataas tulad ng loving you at.nakuha naman nya..pati atensyon ng mga tao dahil sa galing ng boses nya. Ang nakakatuwa pa ditto eh magkaibigan nap ala itong si jimmy bondoc at si deng,,kaya yung mga kantang alternative eh nailagay o naihain din sa entablado tulad ng “KANLUNGAN” ni rom na kinakanta ni at pinasikat ni Noel Cabangun at “SARANGOLA SA ULAN” ni Gary Granada na habang kinakanta ni jimmy eh sobrang na nanamnam ko yung mensahe ng kanta…
Saranggola sa Ulan

Naririnig ko pa ang tawa’t hagikhik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan, ako’y dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam

Sa aming kamusmusan
Kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa’y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig ng walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko
At sa pagmamadali nasagi ang aking puso

Eto na naman
ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian

Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi’t laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo

Eto na naman..
Heto ako, tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan

Wednesday, December 20, 2006

sa paskong darating

Mag papasko na pero sa ibang dako o sa ibang mga tao eh pasko na talaga. May mga christmas party, namimili na ng mga regalo, naghahanda ng umuwi yung mga taga ibang bansa para sa darating na pasko at may mga nagpapakasal din. Marami akong nakikitang mga tao, excited sa xmas party nag papractice nga mga sayaw at kung ano ano pa para pag dating ng party masaya. May nag babading badingan, may nag aalapokpok may mga kupido kupiduhan may mga nag bobroadway at kung ano ano pang pakulo na minsan binivideo nalang yung mga I paplay para sa party. Matatawa ka nalang lahat para sa pasko.

Minsan habang nakasakay ako ng jeep, may mga batang umakyat para punasan yung mga sapatos ng pasahero. Tapos ilalabas ang mga kalansing na tansan at magisisimlang kumanta ng awiting pamasko “kagsigla ng gabi..ang lahat ay kaysaya..nag luto ang ate ng manok na tinola..” tapos lalapitan muli ang bawat pasahero para humungi ng pamasko daw..pambili lang ng pagkain. Mangingiti ka kasi para sa pasko ng isang batang pasabit sabit sa jeep.

Tapos may araw naman na habang nagtatrabaho ako gamit ang aking laptop sa BO’s coffee sa ibaba ng robinson galleria. May lumapit sa aking isang dalaga at nagbigay ng sobre na may maliit na sulat na nakasaad na “namamasko po” pandagdaglang po sa aking ipampapaaral. Muli nadawit na naman ang pasko.

Sa mga bahay bahay naman, nagsisimula ng ikabit yung mga lumang x-mas lite, binubuo na rin yung mga x-mas tree na halos umabot na sa kisame sa taas na may malaking start sa itaas na minsan eh angel na puti naman,sasabitan ng mga palamuti at mag lalagay na ng mga regalo sa ilalim o paanan nito para sa mga kamaganak, mga inaanak at para sa mga mga mamamasko. Yung iba nga sa ilalim ng x-mas tree nag lalagay ng isang malaking bilao na puno ng maraming maraming maraming barya at mga kendi na sa araw ng pasko eh ipapadakot sa mga batang mamamasko at iyon na ang kanilang aginaldo. Mga pakulo sa araw ng pasko para masabing kakaiba ang pasko.

Ano ba talaga ang pasko? Regalo? Pakulo? Dapat kakaiba?
Dapat tuwing darating ang December 25 may celebration.
Eh paano iyon sabi diba dapat araw araw ay pasko? Biro lang.

Lahat naman ng tao eh malayang mag pahiwatig ng kanya kanyang pananaw kung ano ang pasko? Iba na ang mundo..iba ang realidad. Minsan dinadaya nalagn natin yung sarili natin..minsan pinilipit nalang natin yung sarili nating mapagbigyan ang iba sa araw ng pasko. May mga tao nga eh..walang patumanga walang sinasanto , na sa araw ng pasko nanloloko nanggagantso itong mga tsonggo, sumasamba, nagsisimba at aabuloy, nagbibigay sa mga tao ng mga regaregalo..pero sa dugas galing. Naaatim ang lahat ng mga ito sa araw ng pasko. Masabi lang na bida!

Eto ang realidad..eto ang pasko ngayon, sa mangilanngilan totoo..sa karamihan marahil ang pasko ay araw ng panggagago..sa balita sa TV palang masasaksihan mo, sa dyaryo.
Yung iba sabi mag patawad ka sa pasko, sa huwad, mamatay ka at pakyu ka sa pasko dahil patok ang bituka ko. hay! At isa pang hay! Di ko tuloy maiwasan maiyak kasi marami akong kilalang ganito.

Kaya ngayong pasko, gagawin ko yung lagi kong ginagawa. Matulog! Hehehe
Ganun eh..kasi malaman puyat na naman ako sa paggawa ng mga bagay bagay para sa pamilya. Teka, na miss ko tuloy si kwang? Nasan na kaya iyon? Aabangan ko iyon, ipinananalangin..na sana sa susunod na mga araw kasama ko na si kwang ko. para maligaya ang pasko at ma share ko sa kanya yung mga napagdaanan ko mga kwentong buhay..masaya, masalimuot pati yung mga nagdaang pasko ko. araw araw sya yung pasko ko..puso ko! kasama ng mga mahal ko sa buhay.

Friday, December 15, 2006

PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON

Dati yung bata pa ako, naranasan kong kumain lang ng kanin tapos sasabawan ng tubig at lalagyan ng konting asin. Nakikita ko kasi na ginagawa ng lolo masyang ko iyon kaya minsan pagkainan na, ganung klaseng pagkain lang yung gusto ko. di naman kasi ako maselan sa pagkain eh, pag naaalala ko pa nga minsan, yung mga pinsan ko dadayo sa bahay tapos dun kami kumakain ng mga luto ni papa at nag kukumpitisyon pa kami na dapat pag tapos kumain walang mumo na matitira sa sahig..oo sa sahig kami kumakain ng mga pinsan ko..tapos kung sino yung may mumo dapat lilinisin iyon sa pamamagitan ng dila. Pag kumakain kami eh nagkakamay lang kami so kailangan magaling kang mag kamay para manalo..madalas yung mga pinsan ko yung natatalo at hinihimod ng mga dila nila yung mga tiring kanin sa sahig.

Naalala ko lang bigla yung mga ito kasi nga tungkol sa pagkain, itong mga nakaraang araw kasi wala akong ginawa kundi kumain dito..kain duon..kain kung saan saan..

Napagtititripan ko pa yung binalot sa ibaba ng glorietta na halos araw araw eh bumibili ako para aking kainin at mawala yung aking gutom..minsan naman pag mga mga bisita ako sa office nayayaya ko naman sa mga Chinese restaurant…tapos bago matapos ang gabi..kundi mga pagkaing tsitsiria sa 7-11 sa ibaba ng office eh dumadayo pa sa kapay sa kalayaan para lang lumantak ng KAPE/TSOKOLATENG NATIVE at pandesal.

Pero may na mimiss akong pagkain, pagkaing isperitual, yugn kasama ko pa si koen naaalala ko kasama yung mommy nya na nag bi-VCF pa kami sa glorietta. Madalas eh nag aaral pa kami ng bible sa gabi. Ito yung mga madalas kong ginagawa din yung bata pa ako, kasama ang magulang ko na tuwing dadating yung alasais ng gabi at nag simula nang humalik sa sahig ang mga butiki eh pumupunta na kami at lumuluhod sa tabi ng altar..nag nonobena, hawak ang rosario at taus pusong nag dadasal. Si “nanay” nga yung lola ko eh kinakabisado ata yung bibliya dahil sa tuwing magkakaroon sya ng libreng oras iyon lagi ang hawak nya at madalas akong nagtatanong sa kanya. Yung High school naman ako, yung mga kaibigan ko naman ang nag turo sa akin ng mga awiting papuri. Na lalong nag patatag sa aking pananampalataya.

Ngayon kasi, mukhang nalamon na ako ng makinarya, marahil isa sa aking mga tanong sa buhay eh..napasama ata ako sa mga maling kaibigan na papuri ng papuri tapos mga hipokrito pala,iniuubos ang oras mo at sa huli ikaw pa ang masama sa kanila na kung minamalas malas ka pa eh pagbabantaan pa buhay mo (nangyayari pala ito akala ko sa pelikula lang). Ang hirap..aaralin mo yung mga pakikisahan..aaralin mo yung pag gamit ng oras..lahat aaralin..pero sa huli “AKO PALA O SARILI KO LANG” ang pwedeng magsabi kung paano ko gagawin o ibabalik ang dating panahon..ang aking haharapin na panahon.

Kasabay ng aking pagkain ng mga pagkaing para sa katawan,kailangan ko ng programahan ang akiong buhay. Ang bilis ng panahon..ang alon ng buhay.

Eto na ang simula! ang payak na simula. PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON. balanseng buhay!

Friday, December 08, 2006

Bulaklak

Pamagat ng Tula:Bulaklak
May Akda: Meric Mara

Sa tuwing ikay pinagmamasdan
Lahat sa paligid ay gumagaan
Sa masalimuot na hardinan
Kakaibang birhen na nilalang

Bulaklak ka ng buhay
nagsisilbing gabay
laging masayang sumasabay,
Sa dakilang pagbabaybay

ang mabango mong halimuyak
Sa akin ay nangungusap;
mahigpit na mga yakap
kadenang magsusumikap

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sabay tayong dalawang tunay na magkaliyag
simbolo ng pagibig, pag ibig na bitag

di malalanta pag ikaw ay kapanig
di mag mamaliw pag namumukadkad ang tinig
didiligan ng tubig ; tubig ng pagibig
ang bulaklak kong liyag laging bukang bibig

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sa lahat ng panahon ikaw mamumukadkad
di hahayaang pigtasin nang mga taong huwad

mahal kong bulaklak

Friday, December 01, 2006

super lolo

Yung bata ako, may taniman kami sa likod bahay.Mga kamoteng baging ,kahoy,kakaw,ube at kangkongan na tuwing madaling araw eh nag pipiko na kami tapos sa hapon naman eh bumabalik kami para magdilig gamit yung malaking lata ng biskwit na binutas butas naming ng pako sapuwitan nito.

Lolo ko yung nagturo sa akin magbungkal at magtanim.

Dun kasi kami kumukuha ng mga minimeryenda namin. Minsan pag kaani, kasama yung lola ko nag lulupak pa kami. Gamit yung bayuhang kahoy na hinihiram naming kila aling Imang..nanay ni kuya vener na kababata at kabarkada ko sa lugar namin.
Tapos, dun din ako namumulot ng mga kahoy kahoy na pinatutuyo namin at ginagawang pangatong. Kasama yugn lolo ko nag sisibak kami gamit yung bolo nya na nakuha pa nya sa visaya na lagi nyang hinahasa at gamit sa pagtipak ng kahoy ay pagtatanim.

Yung mga tinatawag ng mga taong trabahong probinsya. Sa lolo ko iyon natutunan. Sa kanya ko nakuha yung sinasabing pag may “tyaga may nilaga”. Tapos nag susuot pa nga kami ng mga damit na pangmagsasaka yung mahaba yung manggas tapos naka salakot pa kami at nakabotang abot hita. Kalabaw na nga lang kulang naming nung bata ako wala na kaming pinagkaiba sa mga nagtatanim sa mga hasyenda or mga bukirin na makikita natin sa daan pag bumibiyaheng papuntang probinsya.

Matagal na rin yung panahon.
Yung mga panahon batak sa taniman.

Nag trabaho na rin ako sa mga multinational at mga opisina sa syiudad. Di ko na nakikita yung lolo ko sa mahabang panahon. Namimiss ko..minsan nga napapanaginipan at nagbabaliktanaw. Na minsan din na ikukuwento ko pa sa mga kasama sa opis at mga kaibigan yung ekspiryens ko na iyon..bati yung pag gagawa namin ng bitag para makahuli ng bayawak na kukwento ko din. Pati yung hindi ko palang makakalimutang paghahabi ng mga bayong at mga bola gawa sa dahon ng nyog. Ang sarap.

Sa tagal ng panahon, bigla nalang tumulo yung luha ko. Gabing gabi ng nag text yung tito restie ka na taga bukalan. Nasa ospital si “tatay” yung lolo ko. Nanghihina di kinakaya yung sakit nya sa baga. Di ako mapakali, nag tawag twag ng mga kaibigan kung paano ako makakahingi ng tulong. Nag hihintay din ng mga susunod ng text galing sa mga tito at mga magulang ko na nag kokordinate sa ospital at nagpaplano ng mga tamang gawain. Namatay yung mga cellhpne nila..nawala yung kontact ko..nag hihintay ako ng tawag. Hanggang sa dumating yung alas syete ng umaga nag si si mama “WALA NA SI TATAY” nanlamig ako. Pinipilit wag tumulo yung luha. Di ko kinaya. Bumukwak yung mga luha at kabog sa damdamin. Wala na yung LOLO ko. Tapos nito ay naging busy na ako para sa pagtulong sa mga bagay bagay para magign maayos ang kanyang himlayan.

Walang tulog; mugto ang mata;mahapdi at pulang pulang, pero kailangan gumalaw sumugod sa hamon ng buhay.

Magiging makulay itong panahon na ito. Magpapasok..unang pasko na wala yung lolo ko..wala sya sa piling naming..wala sya sa nochebuena na kung saan magsasalo salong buo ang pamilya…wala na.

Sa kabilang dako, nagpapasalamat din ako sa dyos dahil sa kapiling na nya si tatay.
Natutuwa at nagpapasalamat ako dahil nakita yung tunay ng mga kaibigan. Isang tawag lang nandyan at laging handing tumulong. May pera man o wala..puso at matulunging kamay ang pilit nilang inagapay sa akin sa aming pamilya sa lolo ko.

Magsisimulang tumakbo yung panahon uli..bagong pangyayari, bagong mga kaganapan na kailangan magign matatag. Tulad ng mga tinurong Gawain at mga values ng lolo ko.
Nagging masipag,mag karoon ng malalim na dedikasyon sa mga Gawain at sa pag lusob ng buhay. Di man gamit at bulo o itak, di man nakasalakot at nakabota. Dapat laging handa..matatag..patas sa buhay at mapag mahal sa kapwa.

Para sa iyo lo…gumawa ako ng munting tula. Saan ka man na roon. Sana baunin mo yung pagmamahal naming sa iyo..pagibig na alay ko..ma mimiss kita. Pinatatag mo ako.
Para sa iyo lo.


lo
23:20
November 30, 2006

lo ko asan na ba tayo?
lo ko natatandaan ko
yung ako'y bata pa
pinapalo mo ako

lo ko asan na ba tayo?
nung ako'y nagsimulang mag aral
galing sa iyo
ang baon kong piso

sa bawat, bagsak ng piko
kayo ang idolo
sa hamon ng buhay
walang susuper sa loloko

lo ko asan na ba tayo?
matagal na panahon ang ginugol ko
di na tayo nag kikita
miss kitang totoo

mga pangaral mo, ang pag-ibig mo
hinahanap ang tulirong puso ko
ayaw paawat; ayaw tumimo
kabog ng puso sanay pakingan mo

lo asan na ba tayo?
asan na ang mahal na lolo ko?
ngayon sa harapan ko
nakahimlay na bato

lo asan na? dito sa puso ko
di pumapayag wala ka na sa mundo
mga himig ng damdamin ay alay ko
katabi man ay luha,ito'y buong iyo

mahal na lolo ko.

Sunday, November 19, 2006

LABAN NI PACMAN laban ng bayan?

Mag aalasdos ng madaling araw na. di ako makatulog, medyo nagbabasa basa ako ng libro para antukin. Nagbukas ako ng TV..grabe..parang di natutulog ang sambayanan..ang laman ng balita?...mga patalastas? Laban ni pacquiao..THE PACMAN. Nakakatuwa ang pinoy talaga laging may mga paraan para aliwin ang sarili at sa panahon na ito..boxing naman. Ang saya..bukas ..este mamaya na kasing alas otso ng umaga mag sisimula yung laban. “Kita” at tatabo na naman ng salapi ang channel 2..pati mga sinehan..(may live telecast kasi sa mga sinehan na dun pwedeng mag sisigaw ang mga manonood ng.SIGE..BIRA..BIRA DONG….PATAYIN MO..SA TIYAN..SA MUKHA..ALA>.SIGE BIRA..) mamaya maya..eh nag simula ng tugtugin ang lupang hinirang sa TV. Kailangan na nilang mag pahinga. Kaya pinatay ko na yung TV uli..nag patugtug nalagn ako ng Mp3..pinatugtug ko yung paborito kong kanta ngayon “HELE” na ako din yugn nag compose..oopps.. (secret kop ala iyon…hehehe) ang sarap eh..nahehele yugn utak ko. tapos ayun nag muni muni…naisip ko lang na nais kong magtanong sa sambayanan bago mag simula ang pustahan kung DEHADO O LLAMADO ang mga manok nila.

Kung ikaw si PACMAN,Ano ang pwede mong gawing tulong sa sambayanang Pilipino?
Kung ikaw si PACMAN at di ka tanyag na boksingero? Para pa rin bas a banyan ang laban?
Kung ikaw si PACMAN, pupunta ka ba lagi sa malacanyang tuwing mananalo ka sa larangan ng boxing?
Kung ikaw si PACMAN, tatangapin mo ba yung MCDO/ALAXAN/etc.. na commercial?
Para sa Bayan?

Madami akong tanong? Na ako din di ko masagot minsan...kasi marami sa paligid natin BIRA ng BIRA..marami sa lipunan gusto lagi sa camera..marami din gusto kasikatan...kung ano man..bahala na sila.

Bukas masarap magmasid...may beer man o wala..tuloy na yung laban..nakakatulilig na dahil sa ingay na ginagawa ng media..pero nakakapanabik dahil may PACMAN na kahit papaano kamao at puso ang puhunan sa buhay.

NO FEAR =)

Tuesday, November 14, 2006

Henyo sa makabagong panahon

Yung unang nagwork ko, nakita ko kung paano ko ubusin yung oras ko.

Grabe..sobrang trabaho..puspusan… patayan... Puyatan. Pati nga pasko eh pumapasok pa ako..wag lang hindi masilbihan yung mga client at yung mga boss ko at makapagshare ng munting kaalaman sa mga kasama sa trabaho.

Madami daming tula din akong nagawa non..tulad ng “memo kuno” na ginawa kong tula sa manager ko dahil sa hindi ko nagustuhan o walang basehang memo..iyong yung una’t huling memo na nakuha ko sa tanambuhay (hanggang sa araw na ito) ko sa pagtratrabaho. Ang sarap lang ng feeling kasi yung mga na bigyan ko ng mga munting kaalaman eh..kusang tumatawag at nagpapasalamat dahil nakatulong daw yung mga itinuro ko sa kanila…eh binobola ko lang naman sila..hehehe..oooopppsss…sana nga.

Nakakataba ng puso eh…basta ako tuloy tuloy sa agos ng buhay..tuloy tuloy lang sa pagtuturo ng munting kaalaman. Natutunan ko lang naman pag ganitong usapan..wag tuturuan ang mga taong ayaw magpaturo..or wag tutulungan yung mga taong ayaw ng tulong..sayang lang yung panahon..yaan lang muna na ma ekspiryensya nila yung mga pagkakamali..tapos..tsaka makipagugnayan…isang daang porsyento.

Naalala ko lang kasi tumatanda na kasi ako. Di pala bumabata ang tao..madaming nadadaanan sa buhay..madaming nagbibigay ng kulay…sa tunay na buhay…gintong tunay…makulay na tulay. 1998 yung grumadweyt ako ng college at ngayon 29 years old na ako. Hay! Pero nagging matatag sa hamon ng buhay. Pero sa totoo lang, sa bawat hakbang na ginagawa ko at ginagawa ng bawat tao..malaking factor na magbibigay ng istorya ng bawat buhay yung mga taong nasasalubong mo. Nakakasama sa buhay sa work at kung saan saang bagay. Tulad kanila…yung isang nag OJT sa amin na taga mapua..nakachat ko. mahusay na bata..magaling yung time na nag wowork sya sa amin yung time na nag O-OJT sya. Natutuwa ako kasi malayo yung mararating ng bata…pag nakikita ko nga..magiging isang magaling na leader..ganun kataas yung tingin ko..bata pa nga lang..iba pa yung persepsyon nya sa kanyang kagalingan….magiging magaling syang isang JAVA PROGRAMMER…ako ang tingin ko sa kanya magiging ISA SYA MAGALING NA LEADER sa lalong madaling panahon. Masarap kausap yung bata..madaming alam at inaaral yung buhay nya. Isa sa mga henyo sa makabagong panahon. Yung nga lang sa canon na sya papasok ngayon..sa eastwood. Sabi ko nga sa kanya pag kailangan nya ng kahit anong tulong eh nandito lang yung company namin. Kung kailangan nya ng kainuman, kung gusto nyang pumasok sa company na walang oras at walang uniporme..dito lang kami. ..kanya kanya talagang kagustuhan iyan. Ako eto yung pinili kong landas..8layer kung saan madami dami na rin akong natutulungan sa buhay..clients…tuloy tuloy lang..walang atrasan…mas masarap kung nandito kayo sa posisyon ko ngayon..kasi lahat ng kasama ko sa opisina saludo ako..mga tunay na henyo sa bagong panahon. Mga taong nagpapahalaga sa ibig sabihin ng trabaho..ng buhay at ng pakikipagkapwa tao. PROMISE! =)

Tuesday, November 07, 2006

kantahan na

Grabe nakakaamin na kanta na kaming nakarecord, ang sarap ng ekspiryens ang gaan ng mga kanta walang tapon ika nga. Swabe at pasok sa lahat ng antas ng makikinig. Ang sarap tumambay sa bahay ni boyet. Bukod sa kumpleto na yung mga instrumento para sa pagrerecord eh, lalabas lang kami para bumili ng beer (san mig light) at oishi at mga kropek na pulutan.

Salamat sa mga sumusunod
Boyet: sa pagpapamalas ng kanyang pagkamaligno (di kasi tao ito sa galling sa pag gitara)
Deng : sa kanyang mala ibon na gitara at paglalapat ng mga lyrics sa ibang mga kanta.
Tawako ko dyan eh i SUPER DENG
Ey Ar: pag lalapat at pag awit sa ibang mga kanta. SYA din si SUPER EY Ar..galing galing eh

Note: ako lang naman eh sawsaw ditto sa album na ito..taga sulat lang ng lyrics yun lang naman.

Kay BUGARD..sa kanya pag sama sa inuman..naging para sa kanya tuloy lahat ng kanta..hehehe

Para sa mga magbabasa:
Kung close sana kita eh..di sana naririnig mo na yung mga kanta. Belat! =)

Eto na yung summary ng mga nagagawang kanta.

Wala Na:
Eto yung kantang ginawa naming na tungkol sa isang babae na nag dedescribe kung ano yung mga karakter at mga bagay bagay na gusto nya sa isang lalaki at nagpapahayag na masaya na sya feeling nito at wala ng hahanapin pang iba.


Sabi Nila:
Eto naman yung kantang nag dedescribe naman sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa dawalang taong nag iibigan. Na compose itong kantang ito yung hishschool pa ako (Meric) na inareglo yung gabing inirecord naming yung kanta.
Wala eh..anong magagawa ko..magagaling yung mga kasama kong musikero..mga maligno..di kasi tao yung mga iyon.

Kapay:
Di ko alam kung kilala nyo si Rom..yung gumawa ng kantang “KANLUNGAN” ng buklod. Kasi minsan yung unang punta naming sa kapehan nya sa kalayaan na ang pangalan eh “KAPAY” na inspire ata itong si deng gumawa ng kantang pinamagatan nyang KAPAY..ipinangalan sa kapihan nila Rom. Tungkol naman sa nagmamahal o nagiibigang mga tao na ang bawat magkaparehas ay parang “KAPE AT TINAPAY” sa kanilang pag babaybay sa buhay at dapat di nagkakawalay.

Hele:
Ito naman yung kinompose ko nung 2002 pa. para kay koen. Na after nun jam naming at nagiinuman at kwentuhan na eh pinakita ko sa mga batikang musekero. Ayun balik JAM..pinaganda nila yung areglo at nagging kantang hele ng pagibig. Tungkol sa pagpapatulog mo ng iyong minamahal kasabay ng malamig na simoy ng hangin,mapayapang gabi at mahinahong musika. ang sarap at ang gang ng feeling pag pinakikinggan ko yung kanta.

Kumplikado:
Kumplikado ang mundo pag di mo kasama ang mahal mo. Ang ganda ng kantang ito
Sa bawat tipa ng gitara ni Boyet eh talagang mapapaindayog ka lalo na kung paano kinanta ni Deng…sarap! Di sya kumplikadong pakinggan.

LQ:
Eto naman yung kanta para kay “BUGARD” hehehe. Tungkol sa mga nagmamahalan at dumadaan sa madalas na pag aaway o di pag kakaunawaan o tinatawag na “LQ”.
Sinasabi lang ng kanta na di dapat binibigyan ng malaking panahon ang pag L-LQ dumadaan lang at ayos lang. pero dapat manhandle lang ng tama para mawala.

Kung oobeserbahan yung mga lyrics at stanza..ipinasok naming lahat ng mga kanta dito.
Yugn wala na, yung sabi nila, yung kumplikado at iba pa.

Sa susunod yung iba.

Sunday, November 05, 2006

album

sobrang busy sa trabaho, di pa tapos ang isa at eto may dumadating na naman na bago.
pero masaya, masarap din kasi pag araw araw eh may ginagawa ka at alam mong natatapos yung ginagawa mo. nakikita at nararamdaman yung tinatawag na "output" o "result".

kasi marami rami rin yung ma nakikilala kong mga tao at naririnig ko sa paligid na sobrang busy sila..pero wala namang natatapos..iba kasi iyon eh....yung ganitong konsepto kasi eh para lang sa mga taong laging umaasa at walang personal goal sa sarili...sabit at sawsaw suka. na minsan matatawa ka..kasi "feeling" nila magagaling sila..yung bang.."OKAY LANG" ang lahat...and laging "I DON'T CARE YUNG MARIRINIG MO" pero wala palang binatbat o bokya naman pala.

eto nga sa sobrang busy ko eh, nakakapunta pa ako ng quiapo tulad kahapon..naglibot nag masid sa sa simbahan ng quiapo..ewan ko ba..sabi ng iba nasikip..magulo, madumi ang lugar na iyon..pero ako iba yung nararamdaman ko eh..iba ang napipicture ko sa lugar na iyon..malalim na istorya..iryoryang buhay..madaming pwedeng bida..yung magkakandila..yung mga nagbebenta ng mga santo at pamparegla..yung mga nagbabaraha..mga batang naglalaro na may hawak na sampagita...iba..ang saya. makulay na pelikula. pelikula ng totoong buhay.

kung may time ka ngang maglakad lakad pa eh..mamamalas mo dun sa hidalgo o dun sa echague yung mga nagmumurahang DVD..yung mga lang..pirata.

kahapon yung pumunta ako ng quiapo at nagutom ako. umupo at kumain sa greenwich.
yung meal "C" nila. yung may spaghetti,pizza,chocholate, manok ..sobrang malamig na COKE..ang sarap. tapos habang kumakain eh naisip isip ko na...pag nasa ortigas ako..may mga malls, mga nagoopisinang mga tao, mga taxi at naggagandahang mga sasakyan..na ihahalintulad ko yung mga eksena. nakakatuwa. buti nalang kahit saang antas eh pwede ako. pag naaalala ko lalo akong naeengganyong magsulat...balak ko tuloy mag ipon ng kaunti para bumili ng isang magandang "camera" para na dodocument ko pa kung ano yung mga natitira at mga pwedeng ipamana sa mga susunod na henerasyon...balak kong gumawa ng isang "ALBUM"..album ng buhay..album ng maghahalintulad ng mga antas at magsasabi na lahat ay mapalad..

pero ngayon..tiis muna..dun muna ako sa kung ano yung kayang arukin ng aking kakayanan.
mga mahahalagang KAIBIGAN..MUSIKA at MGA MASASARAP NG EKPERYENSA.
kaya dito muna..sa ALBUM na pwedeng ibenta at mag bigay ng konting kulay sa industriya ng musika...kasi medyo namamatay na eh..

oo,gagawa kami ng album (si dengskie,si boyet ,Ey-ar at ako..kung may gusto pang sumama..bahala na..pwede naman eh..email nyo lang ako meric_m@yahoo.com)..wala pang pamagat pero nagsimula na kaming magrecord..

ganito palang yung naiisip naming tema ng album. abangan nyo nalang.

Wednesday, November 01, 2006

Pangangaluluwa

Naniniwala ka ba sa aswang? Sa multo? Sa white lady? Sa mga kapre at maligno?

Ako hanggang ngayon hindi pa rin eh kahit mula nung bata ako eh madami na akong naririning na mga istorya. Binibigkas nila ng may mga takot at pangamba..mga totoong istorya base sa mga karanasan ng mga matatanda sa amin.

Kahit mga tito at mga tita ko eh magpapatotoo na meron talagang mga aswang o mga nilalang na kauri ng mga ito.

Di ako natatakot di ako na nababahala…naalala ko sa tanang buhay ko eh isang beses lang ako natakot..ito ay nung highshool ako na nahilig ako sa mga “ROCK n ROLL” na kantahan.mga death Metal..yung pag kinakanta mo sya eh halos walang pinagkaiba ang tunog sa mga alululong ng aso..rooooooooccccccckkkkkk…

Kasi yung time na iyon, nasubukan ko mag PLAY at MAG STOP ng cassette namin sa pamamagitan lamang ng isip o pagtitig sa mga pindutang controller ng mumunting radio namin…tititigan ko lang ng mga isa o dalawang minuto.tapos biglang pipitik na yung gusto kong managyari…mahiwaga..matalinhaga..nakakabulagta sa takot..at nakaka tindig ng mga balahibo.

…kaya mula nun..BROADWAY nalang pinagbalingan kong klase ng musiko at mga klasikal na tugtugan.

Ikaw? Kayo? Ano yung mga istoryang kinakatakutan o kinatakutan na ninyo? Multo? White lady? O mga pangyayari sa buhay ng tao na pag hindi nasulbahan eh magsisilbing mga bangungot.

Ngayun undas na naman.,,yung nga lang undas sa tinatawag na bago o modernong panahon…ASAN na nga ba ang pangangaluluwa? (NARINIG NYO BA ITO? NARANASAN?..ako..OO) Sana sa probinsya meron pa.ngayon kasi tila namamatay na ang tradisyon…nakukumpara ko lang kasi pag pumunta ka ng mga MALLs..mga subdivisions..TRICK OT TREAT NA YUNG USO...mga bata na yung mga bida at nagbabahay bahay para sa mga kendi..masaya..magastos at moderno na talaga. Kasi yung bata ako, mga binata’t dalaga yung mga nakikita kong nasa kalye..NANGANGALULUWA..mag lalagay ng konting uling sa mukha..na kung may kaya eh..hinahaluan nila ng pulbos at magtatalukbong ng mga puting kumot na minsan pa nga eh mga katsang nahingi nila sa bekery. May mga dalang gitara..mamamamahay mahay at umaawit na malumanay na kanta..kantang pangangaluluwa.

Imbes na kendi..mga ITLOG..konting barya naman ang mga inaamot nila..na minsan pag di napagbigyan eh..pupunta sa likod bahay at mangunguha ng mga MANOK at BIIK..oo kasama sa tradisyon ang akto na ito.


May mga istorya din akong naririnig na yung mga binata eh kinukuha din ang pagkakataong ito para mangaswang ng mga dalaga..nanliligaw...nambobola..…oooopppss..malamang totoo malamang hindi…pero posible.

Mamaya maglalakad lakad ako sa kalye matapos kong gawin yung mga ibang back-log sa trabaho. Mag obserba mangangalap ng butil butil na alaala maghahambing na kung anon a nga ba..ano na nga ba? Sino na nga ba ang mapapalad pa na taong may mga ganitong istorya…konti? Di ko alam..sana madami pa…nakakaalam ng munting kaalaman tulad ng PANGANGALULUWA..kasi sa modernong panahon..NAWALALA NA ANG KULAY NG BUHAY..UNTI UNTI..dahil sa mga TAONG WALANG KALULUWA.

Sunday, October 29, 2006

Kaarawan ni Mama

Yung huling tula na binigay ko kay mama (sa mga magulang ko) eh yung grumadweyt ako ng college. Ang title ng tula eh “EDUKASYON”

“Edukasyon”
Ni: Meric B. Mara
Note: ito ang tulang iniregalo k okay mama yung grumadweyt ako ng college.

Tandang -tanda ko pa ABAKADA ni ama at ina
na siyang unang nagbukas ng isip sa letra
edukasyon ko noon ay sa kanlungan pa nila
may piso akong baon at kendi sa twina

lumipas ang ilang taon ako ay kanilang itinuon
sa paaralan, may pormal na edukasyon
at may guro nasa akin ay gagabay doon
at ang piso kong baon , dalawang piso na ngayon

Sa eskwela hinubog ang isipan kong tulog
tinuruan mag isip ng tama at angkop
dito ko rin naranasan ang hirap na lugod
nasa kinabukasan ko ay siyang papalaot

kagandahang asal dito rin naturuan
ng mga propesor na tunay na huwaran
sa araw ng pag-susulit kahit na nahihirapan
pagnaipasa naman ibang klaseng pakiramdam

Kay sayang alalahanin lahat ng nagdaang tambing
ukol sa edukasyon na nagbibigay giliw
mula elementarya hanggang sa ngayon aliw
dahil ilang panahon nalang ay iba na ang darating

Kaya sa napipinto kong pagtatapos alay ko po na lugod
ang aking natutunan sa paaralan kong tibobos
lubos-lubos na pasasalamat aking ipinaaabot
sa aking mga magulang, guro, at sa ating Diyos!!!


Oks ba? Kayo ba may regalo kayo sa mga magulang nyo? Yung kakaiba ah..hindi material o nabibili sa tabi tabi. Na miss ko nga eh.kasi 1998 (graduation nga) yung huling regalo ko..kaya ngayong birthday nya ginawan ko ulit sya ng isang tula. Sana magustuhan nya. Kasi ngayon marami rami na akong mga imbetasyon sa kanya na lumabas, magsalo salo kami kasama sila papa,kaka at kong..mag mall, kumain sa labas,mamasyal. Maraming beses din na di na sya umaayon para magsalo-salo ng konti. Laging dinadahilan yung kanyang sumasakit na paa at rayuma. Nagsisimula na nga akong mag worry ng kaunti dahil sa kanyang karamdaman. Bilang isang anak medyo nakakalungkot kasi nga pag ang iyong magulang at nagkakaeded na at din a umaayon ang kalusugan sa bagong panahon. Minsan iniisip ko nga rin kung ako mismo eh nagging mabuting anak ba ako kay mama? Nabigyan ko ba sya ng sama ng loob? Meron ba syang hindi nasasabi sa akin? Ayaw ko lang isipin ang mahalaga sa akin eh kung anong meron na ibinigay sa aming pamilya (pagsubok,pag tutulungan, pagsasalo salo at pag-aalagaan ng bawat isa) lahat mahalaga lahat nagpatatag sa amin at lahat ay di magigiba.


Sa Iyong Kaarawan
(para sa aking mahal na ina sa kanyang kaarawan)
Para sa kanyang ikaw limampu at dalawang taong kaarawan.
October 28, 2006

Siyam na buwan ako sa loob ng iyong sinapupunan
Tunay na bayani sa pagaaruga at pagmamahal
Makulay at wagas na damdamin iyong pinaglaban
Sa hirap ng buhay;proteksyong namin at huwaran

Sa aming paglaki ikaw laging nariyan
Mula sa paglalaro sa bukid hanggang sa sa kung saang lansangan
Ibinigay ang laya na may pangaral na kakambal
Kaya nagging matatag ang isip at puso saan mang gerahan

Ngayon ako’y hustong edad na, bumabalik ang gunita
Mga palo’t pag ibig sa akin ay bumubulagta
Marangal na pag aaruga at sa aming mga maling iyong itinatama
Hinding hindi malilimutan;sa gitna na panganib ito ang aking sandata

Sa iyong ika-limampu’t dalawang kaarawan
Sanay iyong magustuhan,itong munting alay na aking nakayanan
Pagpapahayag ng damdamin at pagmamahal ang dumuduyan
Pagdiriwang, Ligaya at tuwa. Pinapamalas para sa iyong kaarawan

Maraming taon pa tayo’y pagsasama samahin
Di iiwan . di hahayaan ng panginoon natin na laging samsambitin
Ikaw ako si papa,si kaka at kong kong din
Walang iwanan...tunay na bigkisan...Hirap...ginhawa.. lahat ay tatahakin.


I love you mama! Happy birthday po!
Meric

Saturday, October 28, 2006

70’s Bistro

Mga alasonse ng gabi ng magkayayaan para icelebrate yung birthday ni eman.
Sino si eman?

Si eman the suman yung taong paboritong mag katay ng pagong
Si eman superman yung taong kung umebs eh burik..
Si eman the batman yung taong hindi tao
Si eman the pacman yung taong kumakain ng python
Si eman palaman yung taong katabing matulog yung linux na slackware
Si eman the aquaman ang taong umiinom ng redhorse ng 7 secs
Si eman the wonderwoman hehehe ay isa sa RHCE ng 8layer- RedHorse Certified Engineer
Si eman the wolfman yung ASTMASTER
Si Eman the pepperman yung taong di marunong magpagupit pero nangugupit na pag nagupitan naman eh mukhang babae
Si eman yung isa sa malaking dagang nangunguha ng pagkain na nagpapaalam lang pag nakuha na o habang ngumunguya na…hahaha

O tama na, di naman blog ni eman ito…blog ko ito.

Nagkita kita na yung tropa sa conspiracy (dito kasi kami gigimik) akala kasi naming si Joey Ayala yung tutugtog di pala kaya sa bistro kami nag punta. THE JERKS…ayus

May dala si Eman ng 6 na bote wine (3)red/ (3)white wine at sinamahan ko pa ng order ng dalawang bucket ng san mig light.

Tawanan kulitan ayun nagkalasingan..sarap mag bistro lalo na pag libre yung entrance mo (kung paano SECRET..mga tulad lang naming elitista nakakagawa nito ..BELAT)

Ang sarap ng gimik lalo na pag may masarap na kwentuhan tapos samahan pa kayo ng six-time ng World Champion sa gimikan na si Mr. Rodel the OPLOKS PULPULAAN HIPOLITO da Mr. Michale V DEMesa, yung isa sa RHCE din ng 8layer (RHCE-Rodel Hipolito Certified Engineer)

(6) six-times kasi pang anim na beses na nyang sumama sa gimikan..yung ngalang yung 5 virtual yung pagsama nya.

Eto pa lalong sumarap ang inuman kasi may mga pahabol pa na taga ibang planeta
“THE PLANET” Ooh Ma LOwRD”

Kaya sa mga taong babasa nito, maginvest kayo ng time sa bistro; iba bang mukha. iba ibang musikero, iba ibang klaseng tunog.. Sarap malasing dito lalo na pag may kasama kayong birthday boy at mga gells..

Friday, October 27, 2006

Ang Aplaya,two hundred fifty pesos at Saliw ng Gitara

Huling gabi na namin sa davao,biglaan..nagkayaan matapos ang palitan ng mga text messages upang mapagkasunduan yung lugar kung saan magkikita kita upang magsalosalo mag beer..huling treat bago bumalik ng manila.

Di Dan si Deng Ako at si Eric Gancio (ng Yano)

Saan kami na padpad: SA FELIS RESORT sa matina Aplaya.

Maaga pa yung gabi ng nakarating kami dun, dinig mo yung mga hapas ng tubig sa pilapil, pati yung pag agos nito sa prinsa tapos sinasabayan pa ng dahang dahang ikot ng windmill at ng nakapalamig na hangin na dumuduyan sa mahinang abon na lalong nagpa kumpleto ng timpla ng mood. Nasa gitna kami ng isang malaking palaisdaan. Malayo sa mga bahay bahay...talagang kakaiba.

Gitara nalang yung kulang, wala pa si eric. Habang naghihintay nagbukas muna kami ng laptop para mag check ng email at konting meeting. Nakakagulat lang ng yung isang aleng serbidorang masungit eh biglang lumapit para sabihin na pag gumamit daw kami ng saksakan o kuryente para sa mga laptops naming eh kailangan magbayad kami ng Php 250.00 sa bawat oras na paggamit. Nakakagulat..nakakatawa..nakakaawang patulan pero sige na nga. Bayad ko nalang sa ekpiryens.

Umorder nalang ako ng beer, sinamahan ko na din ng mga pulutan pusit sashimi at sisig.

Maya maya pa eh dumating na si eric sukbit ang gitara sa kanyang likuran. Nag yosi at umupo na sa aming harapan..eto simula na ang Jam, sinabayan na rin ni deng ng kanyang mag ultraelectromagnetic champion na boses. Ang ganda ng musika..panalo.

Kumpleto nga kasi si dan bumabakground pa at ako naman ang taga palakpak nila.

Di ko akalain na yung isinerve na ang pulutan sa amin..maglalaway ka palang talaga. Sa unang pagkutsara sa pulutan..inienganyo o inaakit ka na sa mga sarsa at usok na simisigaw ng pangaakit para kainin sila.

Eto pa, ang sarap ng sashimi..langya lang itong si deng yung tinimpla nyan sawsawayan wasabi eh wasabeng may toyo..hindi toyong may wasabi…gumuguhit ang anghang..ang sarap..nakakamatay..talagang mapapamumog ka ng napakalamig na san miguel beer.

Parang ayaw matapos yung gabi, iniisa isang kantahin yung mga kantang yano, walang electric..purong acousting gitar..litaw ang mga tunay na talento..iba ang sarap sa tenga. Ihehele ka, maluluha luha ka sa mga senting kanta. Lalo na yung ji-nam pa yung mga kantang PATATAG. (awit ng mortal yugn awit tungkol sa kwento ni TANO..at marami pang iba)..grabe ang saya.


Eto nga yung mga nagging take home ko…mga 3gp format ng ilang mga kinanta.kasi nirecord ko sa aking Sony Ericsson na cellphone.

At mga makukulay na karanasan.

Ang Aplaya: Isa sa hindi ko makakalimutang lugar na nagbabalik gunita sa mga palaisdaan nung ako’y bata at nagbabakasyon sa bulacan sa mga tito ko at tita.

Ang Two Hunderd Fifty na bayad sa bawat oras na pag gamit ng kuryente para lamang makapag charge ng laptop at mga cell phone..paano ko ito makakalimutan eh mas mahal pa kaysa mga inorder naming masasarap na pulutan.

Ang Saliw ng gitara na di malilimutan at bawat tipa,bawat nota humihele nagpapaindak at nagbibigay kulay sa gabi ng huling gimik nung panahon ng aking unang bisita sa davao.


Thursday, October 26, 2006

Building an IT-Enabled Nation?

“If everyone in our Country uses one specific Technology (eg. Microsoft), are we Building an IT-Enabled Nation?

But if Everyone knows that you are free to choose (you have options), free to think …

Then that’s a start.

You enable yourself…

And if each one is enabled… we build a NATION of enabled INDIVIDUALS”

8layer Technologies, Inc.
(October 24,2006)

Sa Davao

Ilang lugar na ba ang napuntahan ko? yung magagandang lugar? Sa pilipinas? Sa ibang bansa? Di ko na alam. Kailangan balikan ko yung passport ko ngayon at yung lumang passport para malaman yung tamang sagot. Sa pinas..natapon ko na yung mga kopya ng boarding pass ko. Di naman mahalaga..at ang istorya ko ngayon eh tungkol naman sa pag punta sa davao..sa unang punta ko ng davao.

Wala pa akong tulog. Kagabi (October 22, 2006) kasi nasa office lang ako niready yung mga gamit nadadalhin sa davao..pupunta kasi kami dun para mag present ng bagong teknolohiya sa opensource para sa NCITE06-national conference on information Technology Education.

Mga gamit tulad ng server,PC mga software na iprepresent tulad ng NITIX,SCALIX at ASTERISK. Mga flyers at brochures. (ganun talaga pag ikaw yung alila ng isang opisina..ikaw talaga tatapos ng mga bagay bagay lalo na sa mga ganitong klaseng event)

Visit: http://www.psite.org.ph

Alas kwatro ng madaling araw; alasinko yung flight schedule namin. Nasa airport na kami. Late..tulad ng mga dating lipad..nakakakaba..boarding na kasi. Baka di kami umabot..nakiusap sa mga mamang gwarya na sana ay di na kami dumaan sa mahabang pila. Ayun pumayag naman sila..lusot..pero sa bandang kapkapan na..pinahuhubad na pala yung mga sapatos..nakakatawa kasi lahat gumagawa..sumusunod sa polisiya..pero sa aking pananaw walang saysay..nagpapabagal lamang ng sistema..walang halaga..walang kwenta.

Sa eroplano,Eksakto ang dating..umupo..sumandal dahang dahang nag lagay ng seatbelt. Sabay pikit ng mata at naidlip.

Lampas alasais na nung lumapag yung areplano sa davao.

Naging busy na…

Yung ikatlong araw ko sa davao, matapos kong mag conduct ng training ng linux sa Ateneo de Davao. Medyo bumawi ako ng tulog dahil sa sobrang puyat at hapdi ng mata. Kaya pagsapit ng hating gabi..eto’t bawi rin sa pag larga….may lugar sa davao na tinatawag nilang “jack’s ridge”. “mala antipolong lugar sa davao na kung saang kita mo buong davao city.”ang ganda ng tanawin”…natutuwa ako at naiinlove sa mga ingay ng kuliglig habang binabaybay ang daan..may mga alitaptap pa akong nasisilayan na ang naaalala ko eh elementaray pa ata nung huling makalita ako nun. Sabayan pa ng mala bisayang tono ng nangungulit na mamang taxi driver…na walang ginawa kung hindi ibida ang lugar at masarap daw kung pupunta doon ng may “pir ba” (pair). Nakakangiting isipin. Kasi ba naman yung nasa isip ng mamang tsuper eh mage enjoy kalang dun kung may partner ka. Kasmi kasi grupo ng pumunta…nakisaya..nakigulo naki jam saliw ang magandang tunong ng gitara, may mga picturan kasabay ng pagnanamnam ng ganda ng gabi.

Ang bilis na panahon..bukas byernes na..uuwi na kami papuntang manila. Sa iba marahil ang pasalubong nila eh mga biniling mga gamit,pagkain o kung ano mang mga materyales na bagay. Pero para sa akin, may kakaiba akong pasalubong. Bukod sa SUHA ng Davao at DANGIT na binili ko. Kung hindi yung kasaysayan sa puso ko na maibabahagi ang ganda ng lugar ng davao..pati yung kasarapan ng feeling na natapos mo yung trabaho mo na masusukat na magandang yung nagging ”output”nakapagmamagi ng iyong kaalaman at nakagawa ako ng isang tula na parte ng aking mga koleksyon..dito sa DAVAO.

Sa Davao
Thursday 3:30am
Casa Leticia- DAVAO
Rm 503

Sa Davao ang sarap , and sarap manligaw
Magagandang mga dilag iyong matatanaw
Sa bawat sulok sa mga lansangan; ang hihinhin ng galaw
Tiyak na mamimiss mo kung sa lugar na ito kung ikaw ay papanaw.

Sa Davao ang sarap mamasyal at mag beach
Sa pagkat mga tao, wagas at wala sa ulo’y sakit
Sa kanilang pag asista ,buong puso at di pilit
Maeenjoy mo ang mga tanawin, pamasahe ay sulit.

Sa Davao ang sarap kumain o kaya mag food trip
Sa kantinang mumurahin pantahon ay magsisikip
Dahil sa sarap ng mga pagkain, bundat kang hihibik
Tiyak na babalikan dahil sa mura at mapapa “yummy” ka sa sulit.

Sa Davao ang sarap pag muni at magpalamig
Kung ikaw nainip o may mga problemang numiiig
Kung ang Pusot bugnutin kung dati’y tumitigidig
Mahinahon at ma sosolve ,bagong anyo ang iyong daigdig.

Sa iyong pagbisita sa davao, tiyak ikaw ang bida
Lalo na kung minaster mo ang tunay na pakikisama
Kahit sa saang sulok ng davao ikaw ay maligaw o mapunta
Patok at “ENJOY” na pagkapanalo ang iuuwi sa tuwina.


Maraming Salamat sa mga sumusunod

  • Sa Intel Phils lalo na kay femee na nakikipagsabayan ng puyatan sa amin =)
  • Sa PSITE (lalo na kay sir alex at kay sir boyet)
  • Sa Ateneo De Davao
  • Sa mga Organizer ng Event at mga dumalo ng event
  • Kay Kaibigang Rocky sa paglibot at maluwag na pagtangap
  • Kay Eric Gancio ng “Yano” sa pagpapaunlak sa munting gimik
  • Sa mamang taxi Driver na naghatid sa amin sa Jack's Ridge

Sunday, October 22, 2006

Bakit r3d3ye?

Marami rami narin kasing nagtatanong maging sa email,YM ,sa google talk, sa cellphone at sa numero na dinadial sa office na dumadaan sa asterisk server namin kung bakit r3d3ye yung napiling codename ko.

Nung college kasi ako..usong uso yung kopyahan…(o yung mga classmate kong makakabasa nito…mabuhay ang PUKE (partidong umuunawa sa kapwa estudyante)..hahaha! j/k) di ko makakalimutan si Michael M. (First Year College ako). Di kasi ako marunong mangopya nun at di rin ako nagpapakopya. Ang motto ko pa nun..mamatay kayo! =) ewan ko ba..kasi yung high school ako di ako nangongoya eh..kung bagsak di bagsak ..nadala ko ata yung unang taon ko sa kolehiyo....anong magagawa ko…di tinadhanang..bumagsak ako sa mga subjects ko.. Si Michael M. kasi yung katabi ko sa upuan; kasi ba naman perehas letter “M” yung apelyido namin.

Naalala ko kasi, isang beses exam naming sa salvation history nun…di ako nakapagaral. PATAY!

E syempre..first time kong babagsak nun…si Michael M. tinitingnan yung papel ko lagi..ayun nakita nya na wala akong sagot..kaya kinuha nga yung papel ko..tapos..pinalit sa papel nya..tapos..sya sumagot ng exam ko…langhiya..halos mamatay matay ako sa kaba nun. BUTIL BUTIL na pawis ata ..at tuloy tuloy na kabog ng dibdib yung kasama at kaagapay ko nung panahong iyon..tapos syempre…. pass your paper na…tapos sabay alis yung teacher namin.…at sabay ingay yung buong klase na parang walang exam na nangyari...nagulat ako yung kinabukasan..ibinalik yung exam..aba naka siyento ako....di ko alam kung paano napeperfect nitong si Michael yung exam nya at yung exam ko. Di ko na rin inusisa..pero kaya ko ito sinasabi at sinasanaysay..kasi..dito nagsimula na ako naman yung nagpapakopya..aral ako ng aral..walang araw at gabi na di pwedeng tumutok sa pagaaral..laging puyat..laging pula ang mata...

After ng graduation, work na..syempre kailangang kumita....isa ata ako sa pinakamasipag na empleyado nun sa unang trabaho ko..bukod sa dami kong natuturuang mga bagong pasok..ang bilis ng pagaaral ko dahil sa pagtutuk sa pagbabasa at pagpupuyat na matutunan yung mga bago sa teknolohiya..muli..puyat..aral..trabaho..pula ang mata..

Dumating yung punto na sobrang naadik na ako sa internet, mga virus, mga kung anonong mga code na yung nilalantakan ko..di na natutulog..di na makatulog..kakaprogram..kakaaral..minsan babad sa laruan na kalaban ko yung alam ng president eng kumpanya namin…kakalaro ng stracraft at red alert..ayun..puyat…babad sa net..laro..pula ang mata

Kahit ngayong iba na..may sariling kumpanya…nagse set ng direction..minimoritor ang mga financial..inaaral ang mga problemang kumpany..mga bagong programa..tuloy tuloy lang..madalas puyat..mulit..pula ang mata…pero masaya.

Kaya ngayon.sa mga nagtatanong lagi lang akong puyat..pero tsongong puyat na mag saysay may nahihita..tumutulong sa kapwa…sumusubsob..nagmamahal sa trabaho.

Puyat…nagpapahalaga..r3d3ye..pula mata.

Nakatikim ka na ba ng isaw sa kalye? May kilala kang tikyo? Talo kita.

Tangahaling tapat kasi ng simula akong mag hanap ng isaw, naalala ko lang kasi yung inihaw na tengang kinain naming ng isang araw sa kalayaan nakakatakot..ang lalaki ng tenga. Sa takot at sa pagdadalawang isip naitanong ko tuloy sa tindero...anong tenga iyan? Sabay sabi na tenga ng baboy…natawa ako..sabi ko nga..letsas na tenga iyan..parang tenga ng Dambuhalang baka…sabay sabay ngang lahat nagtawanan.

Kanina ko pa hinahatak yung araw at oras para lang magdapit hapon na ; upang magsimula lang maglatag yung mamang mangari ng ihawan sa tabi ng traysikelan sa kanto. tik..tak..tik..tak..umandar bahagya ang orasan at eto na..nagsisimula ng magbaga at umuusok usok na uling ni mang tikyo (di totoong pangalan). Yung mambabarbe-q sa kanto..yung tinanong ko kasi sya sabi ko..susulat ako isang kwento tungkol sa masarap nyang barbe-Q aba..nag inarte… ayaw nyang mashowbiz kaya..binigyan ko nalang alyas na TIKYO.

Kaya sa bwenamano…isang tenga at isang isaw ang aking order...ako yung nauna sa pila kaya may libreng isang inihaw na “DUGO” (yung tatlong pirasong na kwadradong itsura na mala spongebob ang dating at namumutawi ang kulay pinagsamang itim at brown. Ayan na..Pinapaypayan na….sa ibabaw ng mainit at nagbabagang uling ito’t pinapahiran na ng mantika na may toyo toyo na hindi ko alam yung tawag..pero ang bangong at nakakatakam nitong isaw na ito at talagang mukhang malinam nam.

Sa unang kagat..lasap ang sarap..anong sinabi ng jolibee at mcdo dito?.sa halagang sampung piso..solve ako…di nga lang ako tinatanong ni mang tikyo kung “TO GO” or FOR HERE”.

Wala lang naman..i shinare ko lang yung feeling at sarap ng pagkain ng isaw. Matagal na rin kasi yung panahon na huling kumain at nakipag kwentuhan sa mambabar-bi-Q. nakakatuwa kasi..bagong karanasan..makulay na karanasan. Kaya si mang tikyo..nakakuha na ng suki. Mahusay pagpaypay eh mahusay sa customer service. Marunong magbigay ng bonus!..trabahong kamay….masipag..tyiaga…baga...ihaw..sa huli…marasarap na nilaga.

(thug..thug..thug.)3 points!

Ano bang outlet nyo ngayon? Anong mga bagay bagay ang pinagkakaabalahan ninyo matapos ang panahon ang sobrang pag-aabala ninyo sa eskwela,trabaho at mga problemang personal? Aba kayo sumagot nyan..di ko alam yung sa inyo..pero gusto kong ibahagi yung sa akin..ano iyon? Yung tribol..tribol..shoot..shoot..shoot.. tribol..bol..bol..shoot..shoot..shoot..

Eto linawin ko..isang beses kasi sa ibaba ng galleria robinson. Dun sa BO’s yung masarap na kapihan na araw araw akong bumibili ng kape ko pero di pa rin ako kilala ng mga tindero at tindera..(di ata naturuan ng manager nila na mangilala ng mga suki)//eh kasi naman eh..iba ibang pangalan ginagamit ko kahit na tinatanong nila lagi yung “name” ko pag kabayad at isunusulat nila sa papel na baso..wala lang nakakatawa lang..kasi nga araw araw iba iba sinasabi ko..di nila napupuna..ang mahalaga naman eh..natatangal ng kape nila ang antok ko na nakakawork tuloy ako ng maayos.

AYUN nga..ibalik ko lang...sa ibaba ng galleria..habang nagkakape nakita ko sa harapan ng GLOBE CENTER na may laruan na pala dun..tapos may basketbolan..tatlong hilera na kung saan pwede kang mag SHOOT..5 pesos lang yung token.

Naalala ko kasi yung bata pa ako (ampayatot ko pa nun), ang hilig ko na sa basketball. Naglalaro nga kame sa putikang kort at yung ring na walang board yung aming praktisan. Minsan pag naglalaro ng shooting sa kabutihang palad..nananalo ako ng Php500.00 pesos (oo Php500.00 pesos.malaki na iyon yung highschool ako) dahil sa pagshoshoot..o sa tinatawag na pustahang “SHOOTING” mga dayo sa lugar nga kalaban ko nun eh. Ibaba iba ang set-up minsan bente bente ang taya minsan sampu sampu na pag nagkakainitan “Php100.00” isang tira.

Tapos ayun, naalala ko yung isang game (sportsfest) sa UNIONBANK nung nagwowork pa ako dun..isang laro namin eh kalahati ng score ako ata gumawa..naks..pero talo naman kami sa game nun…yung sa unang unang liga sa Athena-ecommsite naalala ko din 4 lang kami sa court vs 5 na malalaking tao na hirap hingal ang mga komang. Natalo kami pero sobrang nataranta at kinabahan sila sa mga 3 points ko..hahaha..ang yabang! Pero tapos na iyong mga pangyayari na iyon..di na mahalaga na kukwento lang.

Ang mahalaga ngayon, lagi akong may limang piso. Kasi nakakapag shoot shoot ako sa ibaba ng robinson. Yung unang laro ko nga di ako makapaniwala; kasi yung pulso ko nakikisama pa kahit walang practice..naka 348 points ako. O ha! Tapos yung sabado kung saan isinama ko si Deng,Benjie at Ray matapos kaming kumain ng halohalo sa Razon kung saan dalawa lang yung binili namin at hinati sa apat para masaya ang kainan..aba..naka 467 points. Kala ko walang himala meron pala. Tsambahero pala ako.

Sa ngayon eto muna yung gagawin kong outlet, sa dami ng trabaho ,sa dami ng iniisip, sa dami ng pinahahalagahan. Dadaanin ko nalang sa puntos..puntos na magiging gabay puntos na aagapay..puntos na di magpapahiwalay...puntos para sa gintong tulay..3 points ng buhay.

Kinalimutang “HairGel”

Kailangan nga ba ang huling panahon na nag “HairGel” ako? Hmmm..di ko na matandaan.Ang alam ko lang isang araw naisip ko na wala na akong pambili ng GEL kaya itinigil ko sya. Naisip ko kasing lulalaki na pala at madami ng kinita yung bench na stronghold yung “FIX” (TCG1075C) sa akin. Wala naman akong napala ni di man lang ako naka discount sa tanang buhay ko eh mula college pa ako yun na yung binibili ko..kainis wala man lang loyalty program.

Ngayon..eto long kulot hair na ako..nakakatuwa lang..di ko lang alam kung madungis o hindi ;pero ang mahalaga matipid at hairband lang ang investment ko..hairband na binili ko pa sa quaipo yung huling nagsimba ako at tumambay sa tabi ng bumbay sa bilihan ng mga pekeng DVD..di ako nakabili ng mga paboritong DVD nun kasi pamasahe at pang greenwhich na pizza lang yung dala kong pera..syempre na factor-in ko na yung pambili ko ng sago na milalamig na binibili ko dun sa harap ng tindahan..yung sa harap ng mercury drug ng quiapo kung saan nagtutumpukan yung madlang tao twuing may magtatapos na telenovela sa TV….di ko alam kung bakit? Ganun talaga yung pinoy..adik eh..saan? sa mga korning palabas..hahaha..patawad sa mga ibang manunulat..nagbibiro lang…wala lang akong hilig sa mga telenovela talaga

Ilang tulog nalang?...ilang ligo?....suklay? at pag shashampoo?…mawawala na rin tulad ng HAIRGEL ko yung hairband..kasi nagsisimula ko na sya itali ng paneling violet na bigay sa akin ni denggay. Na feeling ko tig wa-wanfifty na nabili lang din sa kung saang saang gilid gilid o kung di man sa napulot din sa isang sulok sa UP (unibersidad ng pila)

Sa nakalimutang HAIRGEL. Eto lang ang mga hindi ko malilimutan

Una: di nagugusot hair ko nun kahit may rally nasa edsa at makati

Pangalawa: natatakot humawak yung mga friend ko sa buhok ko..kasi papatayin ko sila

Ikatlo: nagging fan ako ng BENCH na ngayon ay kinakasuklaman ko na…ay..hindi pala..kasi lahat ng BRIEFS ko BENCH pala. may orange nga ako na (BENCH HIPSTER BRIEF) yung BUB1005.

Ikaapat: Di ako “IN” pag nagsisimba ako sa QUIAPO at tumatambay ako sa DVdihan. Kala kasi nila mayaman ako..pero di naman ako bumibili.

Kawawang Gel…nawala..sinadyang iwanan..niyurakan….inalipusta...ayoko na HairGel..watta hell!? =)