Grabe..sobrang trabaho..puspusan… patayan... Puyatan. Pati nga pasko eh pumapasok pa ako..wag lang hindi masilbihan yung mga client at yung mga boss ko at makapagshare ng munting kaalaman sa mga kasama sa trabaho.
Nakakataba ng puso eh…basta ako tuloy tuloy sa agos ng buhay..tuloy tuloy lang sa pagtuturo ng munting kaalaman. Natutunan ko lang naman pag ganitong usapan..wag tuturuan ang mga taong ayaw magpaturo..or wag tutulungan yung mga taong ayaw ng tulong..sayang lang yung panahon..yaan lang muna na ma ekspiryensya nila yung mga pagkakamali..tapos..tsaka makipagugnayan…isang daang porsyento.
Naalala ko lang kasi tumatanda na kasi ako. Di pala bumabata ang tao..madaming nadadaanan sa buhay..madaming nagbibigay ng kulay…sa tunay na buhay…gintong tunay…makulay na tulay. 1998 yung grumadweyt ako ng college at ngayon 29 years old na ako. Hay! Pero nagging matatag sa hamon ng buhay. Pero sa totoo lang, sa bawat hakbang na ginagawa ko at ginagawa ng bawat tao..malaking factor na magbibigay ng istorya ng bawat buhay yung mga taong nasasalubong mo. Nakakasama sa buhay sa work at kung saan saang bagay. Tulad kanila…yung isang nag OJT sa amin na taga mapua..nakachat ko. mahusay na bata..magaling yung time na nag wowork sya sa amin yung time na nag O-OJT sya. Natutuwa ako kasi malayo yung mararating ng bata…pag nakikita ko nga..magiging isang magaling na leader..ganun kataas yung tingin ko..bata pa nga lang..iba pa yung persepsyon nya sa kanyang kagalingan….magiging magaling syang isang JAVA PROGRAMMER…ako ang tingin ko sa kanya magiging ISA SYA MAGALING NA LEADER sa lalong madaling panahon. Masarap kausap yung bata..madaming alam at inaaral yung buhay nya. Isa sa mga henyo sa makabagong panahon. Yung nga lang sa canon na sya papasok ngayon..sa eastwood. Sabi ko nga sa kanya pag kailangan nya ng kahit anong tulong eh nandito lang yung company namin. Kung kailangan nya ng kainuman, kung gusto nyang pumasok sa company na walang oras at walang uniporme..dito lang kami. ..kanya kanya talagang kagustuhan iyan. Ako eto yung pinili kong landas..8layer kung saan madami dami na rin akong natutulungan sa buhay..clients…tuloy tuloy lang..walang atrasan…mas masarap kung nandito kayo sa posisyon ko ngayon..kasi lahat ng kasama ko sa opisina saludo ako..mga tunay na henyo sa bagong panahon. Mga taong nagpapahalaga sa ibig sabihin ng trabaho..ng buhay at ng pakikipagkapwa tao. PROMISE! =)
1 comment:
Post a Comment