sobrang busy sa trabaho, di pa tapos ang isa at eto may dumadating na naman na bago.
pero masaya, masarap din kasi pag araw araw eh may ginagawa ka at alam mong natatapos yung ginagawa mo. nakikita at nararamdaman yung tinatawag na "output" o "result".
kasi marami rami rin yung ma nakikilala kong mga tao at naririnig ko sa paligid na sobrang busy sila..pero wala namang natatapos..iba kasi iyon eh....yung ganitong konsepto kasi eh para lang sa mga taong laging umaasa at walang personal goal sa sarili...sabit at sawsaw suka. na minsan matatawa ka..kasi "feeling" nila magagaling sila..yung bang.."OKAY LANG" ang lahat...and laging "I DON'T CARE YUNG MARIRINIG MO" pero wala palang binatbat o bokya naman pala.
eto nga sa sobrang busy ko eh, nakakapunta pa ako ng quiapo tulad kahapon..naglibot nag masid sa sa simbahan ng quiapo..ewan ko ba..sabi ng iba nasikip..magulo, madumi ang lugar na iyon..pero ako iba yung nararamdaman ko eh..iba ang napipicture ko sa lugar na iyon..malalim na istorya..iryoryang buhay..madaming pwedeng bida..yung magkakandila..yung mga nagbebenta ng mga santo at pamparegla..yung mga nagbabaraha..mga batang naglalaro na may hawak na sampagita...iba..ang saya. makulay na pelikula. pelikula ng totoong buhay.
kung may time ka ngang maglakad lakad pa eh..mamamalas mo dun sa hidalgo o dun sa echague yung mga nagmumurahang DVD..yung mga lang..pirata.
kahapon yung pumunta ako ng quiapo at nagutom ako. umupo at kumain sa greenwich.
yung meal "C" nila. yung may spaghetti,pizza,chocholate, manok ..sobrang malamig na COKE..ang sarap. tapos habang kumakain eh naisip isip ko na...pag nasa ortigas ako..may mga malls, mga nagoopisinang mga tao, mga taxi at naggagandahang mga sasakyan..na ihahalintulad ko yung mga eksena. nakakatuwa. buti nalang kahit saang antas eh pwede ako. pag naaalala ko lalo akong naeengganyong magsulat...balak ko tuloy mag ipon ng kaunti para bumili ng isang magandang "camera" para na dodocument ko pa kung ano yung mga natitira at mga pwedeng ipamana sa mga susunod na henerasyon...balak kong gumawa ng isang "ALBUM"..album ng buhay..album ng maghahalintulad ng mga antas at magsasabi na lahat ay mapalad..
pero ngayon..tiis muna..dun muna ako sa kung ano yung kayang arukin ng aking kakayanan.
mga mahahalagang KAIBIGAN..MUSIKA at MGA MASASARAP NG EKPERYENSA.
kaya dito muna..sa ALBUM na pwedeng ibenta at mag bigay ng konting kulay sa industriya ng musika...kasi medyo namamatay na eh..
oo,gagawa kami ng album (si dengskie,si boyet ,Ey-ar at ako..kung may gusto pang sumama..bahala na..pwede naman eh..email nyo lang ako meric_m@yahoo.com)..wala pang pamagat pero nagsimula na kaming magrecord..
ganito palang yung naiisip naming tema ng album. abangan nyo nalang.
No comments:
Post a Comment