Grabe nakakaamin na kanta na kaming nakarecord, ang sarap ng ekspiryens ang gaan ng mga kanta walang tapon ika nga. Swabe at pasok sa lahat ng antas ng makikinig. Ang sarap tumambay sa bahay ni boyet. Bukod sa kumpleto na yung mga instrumento para sa pagrerecord eh, lalabas lang kami para bumili ng beer (san mig light) at oishi at mga kropek na pulutan.
Salamat sa mga sumusunod
Boyet: sa pagpapamalas ng kanyang pagkamaligno (di kasi tao ito sa galling sa pag gitara)
Deng : sa kanyang mala ibon na gitara at paglalapat ng mga lyrics sa ibang mga kanta.
Tawako ko dyan eh i SUPER DENG
Ey Ar: pag lalapat at pag awit sa ibang mga kanta. SYA din si SUPER EY Ar..galing galing eh
Note: ako lang naman eh sawsaw ditto sa album na ito..taga sulat lang ng lyrics yun lang naman.
Kay BUGARD..sa kanya pag sama sa inuman..naging para sa kanya tuloy lahat ng kanta..hehehe
Para sa mga magbabasa:
Kung close sana kita eh..di sana naririnig mo na yung mga kanta. Belat! =)
Eto na yung summary ng mga nagagawang kanta.
Wala Na:
Eto yung kantang ginawa naming na tungkol sa isang babae na nag dedescribe kung ano yung mga karakter at mga bagay bagay na gusto nya sa isang lalaki at nagpapahayag na masaya na sya feeling nito at wala ng hahanapin pang iba.
Sabi Nila:
Eto naman yung kantang nag dedescribe naman sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa dawalang taong nag iibigan. Na compose itong kantang ito yung hishschool pa ako (Meric) na inareglo yung gabing inirecord naming yung kanta.
Wala eh..anong magagawa ko..magagaling yung mga kasama kong musikero..mga maligno..di kasi tao yung mga iyon.
Kapay:
Di ko alam kung kilala nyo si Rom..yung gumawa ng kantang “KANLUNGAN” ng buklod. Kasi minsan yung unang punta naming sa kapehan nya sa kalayaan na ang pangalan eh “KAPAY” na inspire ata itong si deng gumawa ng kantang pinamagatan nyang KAPAY..ipinangalan sa kapihan nila Rom. Tungkol naman sa nagmamahal o nagiibigang mga tao na ang bawat magkaparehas ay parang “KAPE AT TINAPAY” sa kanilang pag babaybay sa buhay at dapat di nagkakawalay.
Hele:
Ito naman yung kinompose ko nung 2002 pa. para kay koen. Na after nun jam naming at nagiinuman at kwentuhan na eh pinakita ko sa mga batikang musekero. Ayun balik JAM..pinaganda nila yung areglo at nagging kantang hele ng pagibig. Tungkol sa pagpapatulog mo ng iyong minamahal kasabay ng malamig na simoy ng hangin,mapayapang gabi at mahinahong musika. ang sarap at ang gang ng feeling pag pinakikinggan ko yung kanta.
Kumplikado:
Kumplikado ang mundo pag di mo kasama ang mahal mo. Ang ganda ng kantang ito
Sa bawat tipa ng gitara ni Boyet eh talagang mapapaindayog ka lalo na kung paano kinanta ni Deng…sarap! Di sya kumplikadong pakinggan.
LQ:
Eto naman yung kanta para kay “BUGARD” hehehe. Tungkol sa mga nagmamahalan at dumadaan sa madalas na pag aaway o di pag kakaunawaan o tinatawag na “LQ”.
Sinasabi lang ng kanta na di dapat binibigyan ng malaking panahon ang pag L-LQ dumadaan lang at ayos lang. pero dapat manhandle lang ng tama para mawala.
Kung oobeserbahan yung mga lyrics at stanza..ipinasok naming lahat ng mga kanta dito.
Yugn wala na, yung sabi nila, yung kumplikado at iba pa.
Sa susunod yung iba.
No comments:
Post a Comment