Ako hanggang ngayon hindi pa rin eh kahit mula nung bata ako eh madami na akong naririning na mga istorya. Binibigkas nila ng may mga takot at pangamba..mga totoong istorya base sa mga karanasan ng mga matatanda sa amin.
Kahit mga tito at mga tita ko eh magpapatotoo na meron talagang mga aswang o mga nilalang na kauri ng mga ito.
Di ako natatakot di ako na nababahala…naalala ko sa tanang buhay ko eh isang beses lang ako natakot..ito ay nung highshool ako na nahilig ako sa mga “ROCK n ROLL” na kantahan.mga death Metal..yung pag kinakanta mo sya eh halos walang pinagkaiba ang tunog sa mga alululong ng aso..rooooooooccccccckkkkkk…
Kasi yung time na iyon, nasubukan ko mag PLAY at MAG STOP ng cassette namin sa pamamagitan lamang ng isip o pagtitig sa mga pindutang controller ng mumunting radio namin…tititigan ko lang ng mga isa o dalawang minuto.tapos biglang pipitik na yung gusto kong managyari…mahiwaga..matalinhaga..nakakabulagta sa takot..at nakaka tindig ng mga balahibo.
…kaya mula nun..BROADWAY nalang pinagbalingan kong klase ng musiko at mga klasikal na tugtugan.
Ikaw? Kayo? Ano yung mga istoryang kinakatakutan o kinatakutan na ninyo? Multo? White lady? O mga pangyayari sa buhay ng tao na pag hindi nasulbahan eh magsisilbing mga bangungot.
Ngayun undas na naman.,,yung nga lang undas sa tinatawag na bago o modernong panahon…ASAN na nga ba ang pangangaluluwa? (NARINIG NYO BA ITO? NARANASAN?..ako..OO)
Imbes na kendi..mga ITLOG..konting barya naman ang mga inaamot nila..na minsan pag di napagbigyan eh..pupunta sa likod bahay at mangunguha ng mga MANOK at BIIK..oo kasama sa tradisyon ang akto na ito.
May mga istorya din akong naririnig na yung mga binata eh kinukuha din ang pagkakataong ito para mangaswang ng mga dalaga..nanliligaw...nambobola..…oooopppss..malamang totoo malamang hindi…pero posible.
Mamaya maglalakad lakad ako sa kalye matapos kong gawin yung mga ibang back-log sa trabaho. Mag obserba mangangalap ng butil butil na alaala maghahambing na kung anon a nga ba..ano na nga ba? Sino na nga ba ang mapapalad pa na taong may mga ganitong istorya…konti? Di ko alam..
1 comment:
Grabe naman yun sa cassette. Paano yun? Ganun pala yung pangangaluluwa. Thank you po sa pag-share nito dahil po dito may idea na po kami kung anong gagawin namin pag isinadula namin yan. THANK YOU PO!
Post a Comment