Yung huling tula na binigay ko kay mama (sa mga magulang ko) eh yung grumadweyt ako ng college. Ang title ng tula eh “EDUKASYON”
“Edukasyon”
Ni: Meric B. Mara
Note: ito ang tulang iniregalo k okay mama yung grumadweyt ako ng college.
Tandang -tanda ko pa ABAKADA ni ama at ina
na siyang unang nagbukas ng isip sa letra
edukasyon ko noon ay sa kanlungan pa nila
may piso akong baon at kendi sa twina
lumipas ang ilang taon ako ay kanilang itinuon
sa paaralan, may pormal na edukasyon
at may guro nasa akin ay gagabay doon
at ang piso kong baon , dalawang piso na ngayon
Sa eskwela hinubog ang isipan kong tulog
tinuruan mag isip ng tama at angkop
dito ko rin naranasan ang hirap na lugod
nasa kinabukasan ko ay siyang papalaot
kagandahang asal dito rin naturuan
ng mga propesor na tunay na huwaran
sa araw ng pag-susulit kahit na nahihirapan
pagnaipasa naman ibang klaseng pakiramdam
Kay sayang alalahanin lahat ng nagdaang tambing
ukol sa edukasyon na nagbibigay giliw
mula elementarya hanggang sa ngayon aliw
dahil ilang panahon nalang ay iba na ang darating
Kaya sa napipinto kong pagtatapos alay ko po na lugod
ang aking natutunan sa paaralan kong tibobos
lubos-lubos na pasasalamat aking ipinaaabot
sa aking mga magulang, guro, at sa ating Diyos!!!
Oks ba? Kayo ba may regalo kayo sa mga magulang nyo? Yung kakaiba ah..hindi material o nabibili sa tabi tabi. Na miss ko nga eh.kasi 1998 (graduation nga) yung huling regalo ko..kaya ngayong birthday nya ginawan ko ulit sya ng isang tula. Sana magustuhan nya. Kasi ngayon marami rami na akong mga imbetasyon sa kanya na lumabas, magsalo salo kami kasama sila papa,kaka at kong..mag mall, kumain sa labas,mamasyal. Maraming beses din na di na sya umaayon para magsalo-salo ng konti. Laging dinadahilan yung kanyang sumasakit na paa at rayuma. Nagsisimula na nga akong mag worry ng kaunti dahil sa kanyang karamdaman. Bilang isang anak medyo nakakalungkot kasi nga pag ang iyong magulang at nagkakaeded na at din a umaayon ang kalusugan sa bagong panahon. Minsan iniisip ko nga rin kung ako mismo eh nagging mabuting anak ba ako kay mama? Nabigyan ko ba sya ng sama ng loob? Meron ba syang hindi nasasabi sa akin? Ayaw ko lang isipin ang mahalaga sa akin eh kung anong meron na ibinigay sa aming pamilya (pagsubok,pag tutulungan, pagsasalo salo at pag-aalagaan ng bawat isa) lahat mahalaga lahat nagpatatag sa amin at lahat ay di magigiba.
Sa Iyong Kaarawan
(para sa aking mahal na ina sa kanyang kaarawan)
Para sa kanyang ikaw limampu at dalawang taong kaarawan.
October 28, 2006
Siyam na buwan ako sa loob ng iyong sinapupunan
Tunay na bayani sa pagaaruga at pagmamahal
Makulay at wagas na damdamin iyong pinaglaban
Sa hirap ng buhay;proteksyong namin at huwaran
Sa aming paglaki ikaw laging nariyan
Mula sa paglalaro sa bukid hanggang sa sa kung saang lansangan
Ibinigay ang laya na may pangaral na kakambal
Kaya nagging matatag ang isip at puso saan mang gerahan
Ngayon ako’y hustong edad na, bumabalik ang gunita
Mga palo’t pag ibig sa akin ay bumubulagta
Marangal na pag aaruga at sa aming mga maling iyong itinatama
Hinding hindi malilimutan;sa gitna na panganib ito ang aking sandata
Sa iyong ika-limampu’t dalawang kaarawan
Sanay iyong magustuhan,itong munting alay na aking nakayanan
Pagpapahayag ng damdamin at pagmamahal ang dumuduyan
Pagdiriwang, Ligaya at tuwa. Pinapamalas para sa iyong kaarawan
Maraming taon pa tayo’y pagsasama samahin
Di iiwan . di hahayaan ng panginoon natin na laging samsambitin
Ikaw ako si papa,si kaka at kong kong din
Walang iwanan...tunay na bigkisan...Hirap...ginhawa.. lahat ay tatahakin.
I love you mama! Happy birthday po!
Meric
No comments:
Post a Comment