Friday, October 27, 2006

Ang Aplaya,two hundred fifty pesos at Saliw ng Gitara

Huling gabi na namin sa davao,biglaan..nagkayaan matapos ang palitan ng mga text messages upang mapagkasunduan yung lugar kung saan magkikita kita upang magsalosalo mag beer..huling treat bago bumalik ng manila.

Di Dan si Deng Ako at si Eric Gancio (ng Yano)

Saan kami na padpad: SA FELIS RESORT sa matina Aplaya.

Maaga pa yung gabi ng nakarating kami dun, dinig mo yung mga hapas ng tubig sa pilapil, pati yung pag agos nito sa prinsa tapos sinasabayan pa ng dahang dahang ikot ng windmill at ng nakapalamig na hangin na dumuduyan sa mahinang abon na lalong nagpa kumpleto ng timpla ng mood. Nasa gitna kami ng isang malaking palaisdaan. Malayo sa mga bahay bahay...talagang kakaiba.

Gitara nalang yung kulang, wala pa si eric. Habang naghihintay nagbukas muna kami ng laptop para mag check ng email at konting meeting. Nakakagulat lang ng yung isang aleng serbidorang masungit eh biglang lumapit para sabihin na pag gumamit daw kami ng saksakan o kuryente para sa mga laptops naming eh kailangan magbayad kami ng Php 250.00 sa bawat oras na paggamit. Nakakagulat..nakakatawa..nakakaawang patulan pero sige na nga. Bayad ko nalang sa ekpiryens.

Umorder nalang ako ng beer, sinamahan ko na din ng mga pulutan pusit sashimi at sisig.

Maya maya pa eh dumating na si eric sukbit ang gitara sa kanyang likuran. Nag yosi at umupo na sa aming harapan..eto simula na ang Jam, sinabayan na rin ni deng ng kanyang mag ultraelectromagnetic champion na boses. Ang ganda ng musika..panalo.

Kumpleto nga kasi si dan bumabakground pa at ako naman ang taga palakpak nila.

Di ko akalain na yung isinerve na ang pulutan sa amin..maglalaway ka palang talaga. Sa unang pagkutsara sa pulutan..inienganyo o inaakit ka na sa mga sarsa at usok na simisigaw ng pangaakit para kainin sila.

Eto pa, ang sarap ng sashimi..langya lang itong si deng yung tinimpla nyan sawsawayan wasabi eh wasabeng may toyo..hindi toyong may wasabi…gumuguhit ang anghang..ang sarap..nakakamatay..talagang mapapamumog ka ng napakalamig na san miguel beer.

Parang ayaw matapos yung gabi, iniisa isang kantahin yung mga kantang yano, walang electric..purong acousting gitar..litaw ang mga tunay na talento..iba ang sarap sa tenga. Ihehele ka, maluluha luha ka sa mga senting kanta. Lalo na yung ji-nam pa yung mga kantang PATATAG. (awit ng mortal yugn awit tungkol sa kwento ni TANO..at marami pang iba)..grabe ang saya.


Eto nga yung mga nagging take home ko…mga 3gp format ng ilang mga kinanta.kasi nirecord ko sa aking Sony Ericsson na cellphone.

At mga makukulay na karanasan.

Ang Aplaya: Isa sa hindi ko makakalimutang lugar na nagbabalik gunita sa mga palaisdaan nung ako’y bata at nagbabakasyon sa bulacan sa mga tito ko at tita.

Ang Two Hunderd Fifty na bayad sa bawat oras na pag gamit ng kuryente para lamang makapag charge ng laptop at mga cell phone..paano ko ito makakalimutan eh mas mahal pa kaysa mga inorder naming masasarap na pulutan.

Ang Saliw ng gitara na di malilimutan at bawat tipa,bawat nota humihele nagpapaindak at nagbibigay kulay sa gabi ng huling gimik nung panahon ng aking unang bisita sa davao.


No comments: