Saturday, October 07, 2006

TAMANG KULIT

ganda ng jamming kagabi. and sarap ng mga output na mga kantang nirecord sa bahay ni boyet.
boyet: galing mo mag gitara tol..na huli mo.

mga kantang nirecord:
wala na
kundi man

ngayon araw! bukod sa trabaho sa opisina nag areglo kami ng kanta sa office
dating lumang kanta na ginawa nung highschool pa ako.

pamagat: sabi nila

masmaganda yung bagong version na dagdagan ng isang istanza na nagbigay lalo ng kulay
para sa kanta.

Sabi Nila
October 7, 2006
sa Office


Kapag ang tao ay umiibig
Lahat ay nais lahat ay ibig
Ganyan ang pag-ibig na malinaw sa tubig
Tapat na hangarin ang nasa puso't isip

Ganyan
ang sabi nila...
ang sabi nila
ang sabi nila

(2x)

Walang magbabago, walang pipihit
Hatid na pag-ibig ay batid na batid
Lahat ng problema tiyak malulunasan
maisip mo lamang ang mahal mong hirang


Ganyan
ang sabi nila...
ang sabi nila
ang sabi nila

(2x)
coda
Sa pusong umiibig
Laging bukang bibig
Walang liligalig
sa tunay na...... Pag-ibig


kapag ang tao ay umiibig
lahat ay waglit, nakakakilig
ganyan ang pag-ibig ligaya'y abot langit
walang dadaig,sa pusong umiibig


Ganyan
ang sabi nila...
ang sabi nila
ang sabi nila

PANGALAWANG KANTA:

WALA NG IBA
note: mabuhay ka denggai galing mong mag areglo

WALA AKONG GUSTO O IBIG NA PAGMASDAN
KUNDI ANG TIKAS NG YONG TINDIG AT MATANG MALABATMAN
WALA RIN AKONG NAIS NA MARAMDAMAN
KUNDI TAMIS NG LABI MO AT YAKAP… NA PANGKALAWAKAN

REF:
WALA NA, WALA NA, WALA NA
WALA NANG HAHANAPIN PA
WALA NA, WALA NA, WALA NA
WALA NANG IBA

WALA NG PAPANTAY SA IYONG KAGALINGAN
PAGKAT BUSILAK ANG PUSONG IBA’Y MATULUNGAN
AT TILA BAGA WALANG LUGAR PANGAMBA
NARIYAN LANG IKAW KASA-KASAMA SA TUWINA
REF.

CODA
WALA NG TITINDI PA SA LAKAS NG YONG GAYUMA
WALA NG AASIM SA INIS MO SINTA
AT KAHIT ANO PA NGAY, MAY MAHIHILING PA BA
PAGKAT HIGIT SA AKALA, ALAY MONG PAG—IBIG…AY ANONG GANDA

III.
DIYATAT WALA NA AKONG DAPAT PANG GAWIN
KUNDI IKAY MAHALIN AT MUNDOY PALIGAYAHIN
AT KAHIT SANLAKSANG PROBLEMA ANG BUMAHA
ALAM KONG PARA SA TIN, ITO AY BALEWALA


REF.. 2x ENDING…. … WALA NG IBA

OKAY!...KAILANGAN MAGLABAS NA NG BAGONG ALBUM..

No comments: