naisipan ko lang maglahad ng munting storya ng buhay base sa aking tunay na karanasan.
kung ano ang dahilan? di ko pa alam. Ang nasa akin laman bago ko makalimutan....aking nailahad man lang.
naalala ko yung mga unang buwan nung itayo namin yung 8layer. ang saya,masalimuot..gumagawa pa ako ng listahan non ano yung damang direction at mga programa para itaguyod yung kumpany..gumawa rin ako ng listahan kung paano pipili ng mga tamang tao.
isinaalalang ko rin yung "projection" para mailaro ng maiigi yung salapi na malilikom at makapagbigay sa mga organizations na nangangailangan ng tulong. itinatak din sa sarili at sa puso na magiging kakaibigang kumpanya ito..iba..angat..tutularan ng marami.
naala ko rin yung mga panahon na kahit patas ang laban mo sa mundo..sa trabaho..sa pagpapahalaga.. mga itinuturing mong kaibigan pa ang maglulugmok sa iyo dahil sa mga personal na intensyon...makamundong kayamanan..huwad na salapi..at mga pagbubulaan. Natutunan ko tuloy ang pagprotekta sa sarili at sa kumpanya.
naalala ko rin na may mga makikipagpartner pala sa iyo na mga organization at mga kumpany na gagamitin ka lang pala o kung di naman sanay sa mga "mom and pop" na dealings...naging malungkot...nakakairita..pero muli, malaking pagkatuto sa tinatawag na pag "filter" ng mga makakapareha.
note: mom and pop means
- pakikipagnegosyong mga illegal..hilig sa under the table o lagayan
- nakikipag negosyo na gamit ay palara
- naghahamon ng suntukan ng wala sa lugar (di nag iisip)
- sugod ng sugod..text ng text..kaso ng kaso na nakakasuhan.
tapos bigla bigla rin magtatangal ka ng mga tao dahil sa mga maling mga bagay bagay na ginagawa at mga pagpapasaway. na sapanahon ng paghuhubog ng tinatawag na "CORE" eh hindi mo nakikitang magpapartisipa. kaya pesensya!
ay naku....masalimuot..papahirap ng papahirap..
ang masaya..sa loob ng paglalakbay! may mga umaagapay..may mga tunay na kaibigan,may mga aalalay. sabay sabay nyong tutuklasin ang mga hirap sa negosyo at sa buhay.
sumasaya,lumalago ang mga paghihirap at pagpupunyagi..nagiging matindi ang pakakalilanlan mo sa taong makikilala ko sa iyong paglalakbay. maging kapareha sa trabaho mga kaupisina mga kiyente. pati mga "feeling" negosyante at "feeling" friend mabilis mong nauugnay at nabibigyan ng mga intensyon na katapat nila.
minsan parte ng hirap.. ang pag iyak...sa gitna ng trabaho,maging galing sa kliyente o sa pagsuba sa lawa ng mga problemang iniatas na hindi nagawa na sa paglubog ng araw ikaw ang sumusulba. luluha kang talaga..ngangawa..kakabog ang damdamin..lalabas..tatakbo sa banyo... mag hihilamos..titingin sa salamin..makikitang namumugto ng bahagya ang mga mata. mag iisip...hihinga ng malalim ..na pagkatapos ng isang minuto..eto't raratsada at lalaban sa hamon o laban ng buhay..hamon dahil sa pag panday na panahon..alam mong di uubra sa iyo at alam mong parte lang talaga sya ng isang sistema na kailangan lang sulbahan. tapos ayun..tuloy na ulit..ngingiti at magpapaligaya na ng mga taong pinapahalagahan mo..maging itong kaupisina o kapamilya o mga taong pumapaligid sa kanila.
ang sayang isipin no? ang sayang damdamin? ang sarap mag isip na nung bata ka pa, okay lang na may piso at candy sa bulsa..okay lang na mapalo minsan..kasi pag dating ni mama o ni papa may ma susumbungan na. okay lang pag natalo ka sa piko o sa tantsing..makakabawi naman bukas..okay lang na nababarurot sa agawang beys. kasi minsan sila naman ang nagiging taya.
uuwi ng maaga dahil mag aalasais na at magnonovena,luluhod sa altar at mananalangin kasa ang pamilya. lahat okay lang nung bata..payak..imiiyak..kahit na sariling kagustuhan lang ang dahilan.
ngayon...dalawang put siyam na edad na ako..tapos na ang mga alaalang bata na naisulat na ng panahon..at malinaw na na nasa aking isipan..naishare na rin sa mga tunay na kabigan...NGAYON!.. naiisip ko lang lahat..napaguugnay..nabubulay.
mabilis ang panahon...kung ano ang bukas di ko alam. pero tanging sandata mga taong nagmamahal,panalangin at karanasan.
tamang pakikipaglaban...sa mga tao at tautauhan..
lahat at malalagpasan mararamdaham..pait man o kaligayan..
na habang tumatagal papahirap ng papahirap..pero sumasarap na kabuhayan.
meric mara
October 22.2006 (12:03am) oras na nasa aking laptop.
1 comment:
Pareng Meric,
Salamat at nag-aksaya ka ng panahon para isulat ang mga bagay na ito...
Tayong mga halos magkaka-edad na dumaan na ng katakot-takot na pagsubok ay hindi maiiwasang minsan ay magbalik-tanaw sa mga panahon nung mga bata pa tayo....
Noon... na simple lang ang buhay na umiikot sa paglalaro at pagpasok sa eskwela... sa paghingi ng baon, pagbili ng mga laruan, panonood ng Bioman o Shaider....
Pero ngayon... ibang responsibilidad na ang naka-atang sa ating mga balikat... minsan damang-dama natin ang bigat lalo pa't mararanasan natin ang pait ng pang-aalipusta, panggigipit o panloloko ng mga taong minsan ay tinuring nating kaibigan....
Sa kabila ng mga karanasang yan ay kailangan pa rin nating itaguyod ang pinakamaiging buhay na naiisip natin para sa ating sarili at magiging pamilya sa ngayon at kinabukasan...
Nakakatakot lang minsan dahil bawat hakbang ay may kaakibat na kabayaran o consequences... kaya kung minsan napakahirap mag-desisyon dahil ayaw nating magkamali....
At lalo lang hihirap ang paggawa at pag-iisip ng ganyang mga bagay habang lalo nating tinataasan ang ating mga pangarap sa ating mga sarili... na marapat lamang din naman nating gawin dahil, bakit pa tayo nabuhay kung hindi rin lang ang pinakamabuti para sa atin at sa ating pamilya ang nanaisin natin?
Lalo pa at patapos na ang taon... at sa aking kaso, malapit na ang bertdey ko (regalo ko wag kalimutan hehe)... bawat araw ay nagpapaalala sa akin at syempre sa ating lahat na nauubusan na tayo ng oras para tuparin ang ating mga pangarap...
Kaya kahit sa tingin natin ay di tayo ganon kahanda kailangan nating akuin ang responsibilidad at maging matapang sa ating mga desisyon... at magtiwala na sa bawat sangandaang ating kailangang pagpasyahan ay tama ang ating pipiliin....
Maraming salamat uli... inilagay mo sa mga makulay mong salita ang mga saloobin ko ngayong papalapit na ang aking kaarawan (regalo ko uli hehehe)....
Post a Comment