College ako nung unang napakinggan ko yung eraserheads na banda..asan na kaya sila ngayon? Yugn time na napakikingan ko sila.dami mga kanta nila ang sobrang gustong gusto ko. Nandyan yung ligaya,magasin,elbimbo at kung ano ano pa..naging paborito ko rin yung "Overdrive" na mula sa album na Cutterpillow na nirelease nung 1995 kasi gusto ko talagang matutong mag drive…may sasakyan nga kami sa bahay pero di ko naman nagamit..isang beses lang yung pumunta kami ng bulacan at nagpaturo akong mag drive sa kaibigan ng papa ko na syang nagging official na driver na ata ng sasakyan namin..si kuya Robinel.
Sa ngayon napaguusapan naman sa opisina ang pagkuha ng sasakyang makakatulong sa aming organiasyon..nagpapalano na kaming kumuha at mag invest..mga pinagpipilian at ford escape at yung mga sasakyan ng Hyundai na TUCSON at MATRIX.
Dahil nga sa kagustuhan at pangangailangan, ayun nag test drive kami sa makati.bumisita kami sa Hyundai center sa pasong tamo at nangulit..nangulit sa mga tao dun at nangaulit na I test drive yung Tucson at matrix. Ayun, nakulitan siguro at pumayag.
Sino sino kami, si oploks,deng,eman at si sir noel. Kasamang nakikikulit yung nag aasist sa amin na lasalistang taga Hyundai…si COCOY?..nakakatawa…akoy napahinga..yung huling dinadrive naming modelo..naririnig ko mga sigawan murahan…pero ang sarap ng idlip ko dun sa likuran ng sasakyan…Sana bago matapos ang buwan na ito o sa susunod na buwan makakuha na kami..at masimulan ko ng mag aral mag drive..mag drive..gusto kong matututong mag drive…kahit na wala akong kotse.
No comments:
Post a Comment