Naalala ko kasi, isang beses exam naming sa salvation history nun…di ako nakapagaral. PATAY!
E syempre..first time kong babagsak nun…si Michael M. tinitingnan yung papel ko lagi..ayun nakita nya na wala akong sagot..kaya kinuha nga yung papel ko..tapos..pinalit sa papel nya..tapos..sya sumagot ng exam ko…langhiya..halos mamatay matay ako sa kaba nun. BUTIL BUTIL na pawis ata ..at tuloy tuloy na kabog ng dibdib yung kasama at kaagapay ko nung panahong iyon..tapos syempre…. pass your paper na…tapos sabay alis yung teacher namin.…at sabay ingay yung buong klase na parang walang exam na nangyari...nagulat ako yung kinabukasan..ibinalik yung exam..aba naka siyento ako....di ko alam kung paano napeperfect nitong si Michael yung exam nya at yung exam ko. Di ko na rin inusisa..pero kaya ko ito sinasabi at sinasanaysay..kasi..dito nagsimula na ako naman yung nagpapakopya..aral ako ng aral..walang araw at gabi na di pwedeng tumutok sa pagaaral..laging puyat..laging pula ang mata...
After ng graduation, work na..syempre kailangang kumita....isa ata ako sa pinakamasipag na empleyado nun sa unang trabaho ko..bukod sa dami kong natuturuang mga bagong pasok..ang bilis ng pagaaral ko dahil sa pagtutuk sa pagbabasa at pagpupuyat na matutunan yung mga bago sa teknolohiya..muli..puyat..aral..trabaho..pula ang mata..
Dumating yung punto na sobrang naadik na ako sa internet, mga virus, mga kung anonong mga code na yung nilalantakan ko..di na natutulog..di na makatulog..kakaprogram..kakaaral..minsan babad sa laruan na kalaban ko yung alam ng president eng kumpanya namin…kakalaro ng stracraft at red alert..ayun..puyat…babad sa net..laro..pula ang mata
Kahit ngayong iba na..may sariling kumpanya…nagse set ng direction..minimoritor ang mga financial..inaaral ang mga problemang kumpany..mga bagong programa..tuloy tuloy lang..madalas puyat..mulit..pula ang mata…pero masaya.
Kaya ngayon.sa mga nagtatanong lagi lang akong puyat..pero tsongong puyat na mag saysay may nahihita..tumutulong sa kapwa…sumusubsob..nagmamahal sa trabaho.
Puyat…nagpapahalaga..r3d3ye..pula mata.
No comments:
Post a Comment