Thursday, October 26, 2006

Sa Davao

Ilang lugar na ba ang napuntahan ko? yung magagandang lugar? Sa pilipinas? Sa ibang bansa? Di ko na alam. Kailangan balikan ko yung passport ko ngayon at yung lumang passport para malaman yung tamang sagot. Sa pinas..natapon ko na yung mga kopya ng boarding pass ko. Di naman mahalaga..at ang istorya ko ngayon eh tungkol naman sa pag punta sa davao..sa unang punta ko ng davao.

Wala pa akong tulog. Kagabi (October 22, 2006) kasi nasa office lang ako niready yung mga gamit nadadalhin sa davao..pupunta kasi kami dun para mag present ng bagong teknolohiya sa opensource para sa NCITE06-national conference on information Technology Education.

Mga gamit tulad ng server,PC mga software na iprepresent tulad ng NITIX,SCALIX at ASTERISK. Mga flyers at brochures. (ganun talaga pag ikaw yung alila ng isang opisina..ikaw talaga tatapos ng mga bagay bagay lalo na sa mga ganitong klaseng event)

Visit: http://www.psite.org.ph

Alas kwatro ng madaling araw; alasinko yung flight schedule namin. Nasa airport na kami. Late..tulad ng mga dating lipad..nakakakaba..boarding na kasi. Baka di kami umabot..nakiusap sa mga mamang gwarya na sana ay di na kami dumaan sa mahabang pila. Ayun pumayag naman sila..lusot..pero sa bandang kapkapan na..pinahuhubad na pala yung mga sapatos..nakakatawa kasi lahat gumagawa..sumusunod sa polisiya..pero sa aking pananaw walang saysay..nagpapabagal lamang ng sistema..walang halaga..walang kwenta.

Sa eroplano,Eksakto ang dating..umupo..sumandal dahang dahang nag lagay ng seatbelt. Sabay pikit ng mata at naidlip.

Lampas alasais na nung lumapag yung areplano sa davao.

Naging busy na…

Yung ikatlong araw ko sa davao, matapos kong mag conduct ng training ng linux sa Ateneo de Davao. Medyo bumawi ako ng tulog dahil sa sobrang puyat at hapdi ng mata. Kaya pagsapit ng hating gabi..eto’t bawi rin sa pag larga….may lugar sa davao na tinatawag nilang “jack’s ridge”. “mala antipolong lugar sa davao na kung saang kita mo buong davao city.”ang ganda ng tanawin”…natutuwa ako at naiinlove sa mga ingay ng kuliglig habang binabaybay ang daan..may mga alitaptap pa akong nasisilayan na ang naaalala ko eh elementaray pa ata nung huling makalita ako nun. Sabayan pa ng mala bisayang tono ng nangungulit na mamang taxi driver…na walang ginawa kung hindi ibida ang lugar at masarap daw kung pupunta doon ng may “pir ba” (pair). Nakakangiting isipin. Kasi ba naman yung nasa isip ng mamang tsuper eh mage enjoy kalang dun kung may partner ka. Kasmi kasi grupo ng pumunta…nakisaya..nakigulo naki jam saliw ang magandang tunong ng gitara, may mga picturan kasabay ng pagnanamnam ng ganda ng gabi.

Ang bilis na panahon..bukas byernes na..uuwi na kami papuntang manila. Sa iba marahil ang pasalubong nila eh mga biniling mga gamit,pagkain o kung ano mang mga materyales na bagay. Pero para sa akin, may kakaiba akong pasalubong. Bukod sa SUHA ng Davao at DANGIT na binili ko. Kung hindi yung kasaysayan sa puso ko na maibabahagi ang ganda ng lugar ng davao..pati yung kasarapan ng feeling na natapos mo yung trabaho mo na masusukat na magandang yung nagging ”output”nakapagmamagi ng iyong kaalaman at nakagawa ako ng isang tula na parte ng aking mga koleksyon..dito sa DAVAO.

Sa Davao
Thursday 3:30am
Casa Leticia- DAVAO
Rm 503

Sa Davao ang sarap , and sarap manligaw
Magagandang mga dilag iyong matatanaw
Sa bawat sulok sa mga lansangan; ang hihinhin ng galaw
Tiyak na mamimiss mo kung sa lugar na ito kung ikaw ay papanaw.

Sa Davao ang sarap mamasyal at mag beach
Sa pagkat mga tao, wagas at wala sa ulo’y sakit
Sa kanilang pag asista ,buong puso at di pilit
Maeenjoy mo ang mga tanawin, pamasahe ay sulit.

Sa Davao ang sarap kumain o kaya mag food trip
Sa kantinang mumurahin pantahon ay magsisikip
Dahil sa sarap ng mga pagkain, bundat kang hihibik
Tiyak na babalikan dahil sa mura at mapapa “yummy” ka sa sulit.

Sa Davao ang sarap pag muni at magpalamig
Kung ikaw nainip o may mga problemang numiiig
Kung ang Pusot bugnutin kung dati’y tumitigidig
Mahinahon at ma sosolve ,bagong anyo ang iyong daigdig.

Sa iyong pagbisita sa davao, tiyak ikaw ang bida
Lalo na kung minaster mo ang tunay na pakikisama
Kahit sa saang sulok ng davao ikaw ay maligaw o mapunta
Patok at “ENJOY” na pagkapanalo ang iuuwi sa tuwina.


Maraming Salamat sa mga sumusunod

  • Sa Intel Phils lalo na kay femee na nakikipagsabayan ng puyatan sa amin =)
  • Sa PSITE (lalo na kay sir alex at kay sir boyet)
  • Sa Ateneo De Davao
  • Sa mga Organizer ng Event at mga dumalo ng event
  • Kay Kaibigang Rocky sa paglibot at maluwag na pagtangap
  • Kay Eric Gancio ng “Yano” sa pagpapaunlak sa munting gimik
  • Sa mamang taxi Driver na naghatid sa amin sa Jack's Ridge

No comments: