Kanina ko pa hinahatak yung araw at oras para lang magdapit hapon na ; upang magsimula lang maglatag yung mamang mangari ng ihawan sa tabi ng traysikelan sa kanto. tik..tak..tik..tak..umandar bahagya ang orasan at eto na..nagsisimula ng magbaga at umuusok usok na uling ni mang tikyo (di totoong pangalan). Yung mambabarbe-q sa kanto..yung tinanong ko kasi sya sabi ko..susulat ako isang kwento tungkol sa masarap nyang barbe-Q aba..nag inarte… ayaw nyang mashowbiz kaya..binigyan ko nalang alyas na TIKYO.
Kaya sa bwenamano…isang tenga at isang isaw ang aking order...ako yung nauna sa pila kaya may libreng isang inihaw na “DUGO” (yung tatlong pirasong na kwadradong itsura na mala spongebob ang dating at namumutawi ang kulay pinagsamang itim at brown. Ayan na..Pinapaypayan na….sa ibabaw ng mainit at nagbabagang uling ito’t pinapahiran na ng mantika na may toyo toyo na hindi ko alam yung tawag..pero ang bangong at nakakatakam nitong isaw na ito at talagang mukhang malinam nam.
Sa unang kagat..lasap ang sarap..anong sinabi ng jolibee at mcdo dito?.sa halagang sampung piso..solve ako…di nga lang ako tinatanong ni mang tikyo kung “TO GO” or FOR HERE”.
Wala lang naman..i shinare ko lang yung feeling at sarap ng pagkain ng isaw. Matagal na rin kasi yung panahon na huling kumain at nakipag kwentuhan sa mambabar-bi-Q. nakakatuwa kasi..bagong karanasan..makulay na karanasan. Kaya si mang tikyo..nakakuha na ng suki. Mahusay pagpaypay eh mahusay sa customer service. Marunong magbigay ng bonus!..trabahong kamay….masipag..tyiaga…baga...ihaw..sa huli…marasarap na nilaga.
No comments:
Post a Comment