Sunday, October 22, 2006

(thug..thug..thug.)3 points!

Ano bang outlet nyo ngayon? Anong mga bagay bagay ang pinagkakaabalahan ninyo matapos ang panahon ang sobrang pag-aabala ninyo sa eskwela,trabaho at mga problemang personal? Aba kayo sumagot nyan..di ko alam yung sa inyo..pero gusto kong ibahagi yung sa akin..ano iyon? Yung tribol..tribol..shoot..shoot..shoot.. tribol..bol..bol..shoot..shoot..shoot..

Eto linawin ko..isang beses kasi sa ibaba ng galleria robinson. Dun sa BO’s yung masarap na kapihan na araw araw akong bumibili ng kape ko pero di pa rin ako kilala ng mga tindero at tindera..(di ata naturuan ng manager nila na mangilala ng mga suki)//eh kasi naman eh..iba ibang pangalan ginagamit ko kahit na tinatanong nila lagi yung “name” ko pag kabayad at isunusulat nila sa papel na baso..wala lang nakakatawa lang..kasi nga araw araw iba iba sinasabi ko..di nila napupuna..ang mahalaga naman eh..natatangal ng kape nila ang antok ko na nakakawork tuloy ako ng maayos.

AYUN nga..ibalik ko lang...sa ibaba ng galleria..habang nagkakape nakita ko sa harapan ng GLOBE CENTER na may laruan na pala dun..tapos may basketbolan..tatlong hilera na kung saan pwede kang mag SHOOT..5 pesos lang yung token.

Naalala ko kasi yung bata pa ako (ampayatot ko pa nun), ang hilig ko na sa basketball. Naglalaro nga kame sa putikang kort at yung ring na walang board yung aming praktisan. Minsan pag naglalaro ng shooting sa kabutihang palad..nananalo ako ng Php500.00 pesos (oo Php500.00 pesos.malaki na iyon yung highschool ako) dahil sa pagshoshoot..o sa tinatawag na pustahang “SHOOTING” mga dayo sa lugar nga kalaban ko nun eh. Ibaba iba ang set-up minsan bente bente ang taya minsan sampu sampu na pag nagkakainitan “Php100.00” isang tira.

Tapos ayun, naalala ko yung isang game (sportsfest) sa UNIONBANK nung nagwowork pa ako dun..isang laro namin eh kalahati ng score ako ata gumawa..naks..pero talo naman kami sa game nun…yung sa unang unang liga sa Athena-ecommsite naalala ko din 4 lang kami sa court vs 5 na malalaking tao na hirap hingal ang mga komang. Natalo kami pero sobrang nataranta at kinabahan sila sa mga 3 points ko..hahaha..ang yabang! Pero tapos na iyong mga pangyayari na iyon..di na mahalaga na kukwento lang.

Ang mahalaga ngayon, lagi akong may limang piso. Kasi nakakapag shoot shoot ako sa ibaba ng robinson. Yung unang laro ko nga di ako makapaniwala; kasi yung pulso ko nakikisama pa kahit walang practice..naka 348 points ako. O ha! Tapos yung sabado kung saan isinama ko si Deng,Benjie at Ray matapos kaming kumain ng halohalo sa Razon kung saan dalawa lang yung binili namin at hinati sa apat para masaya ang kainan..aba..naka 467 points. Kala ko walang himala meron pala. Tsambahero pala ako.

Sa ngayon eto muna yung gagawin kong outlet, sa dami ng trabaho ,sa dami ng iniisip, sa dami ng pinahahalagahan. Dadaanin ko nalang sa puntos..puntos na magiging gabay puntos na aagapay..puntos na di magpapahiwalay...puntos para sa gintong tulay..3 points ng buhay.

No comments: