Yung bata ako, may taniman kami sa likod bahay.Mga kamoteng baging ,kahoy,kakaw,ube at kangkongan na tuwing madaling araw eh nag pipiko na kami tapos sa hapon naman eh bumabalik kami para magdilig gamit yung malaking lata ng biskwit na binutas butas naming ng pako sapuwitan nito.
Lolo ko yung nagturo sa akin magbungkal at magtanim.
Dun kasi kami kumukuha ng mga minimeryenda namin. Minsan pag kaani, kasama yung lola ko nag lulupak pa kami. Gamit yung bayuhang kahoy na hinihiram naming kila aling Imang..nanay ni kuya vener na kababata at kabarkada ko sa lugar namin.
Tapos, dun din ako namumulot ng mga kahoy kahoy na pinatutuyo namin at ginagawang pangatong. Kasama yugn lolo ko nag sisibak kami gamit yung bolo nya na nakuha pa nya sa visaya na lagi nyang hinahasa at gamit sa pagtipak ng kahoy ay pagtatanim.
Yung mga tinatawag ng mga taong trabahong probinsya. Sa lolo ko iyon natutunan. Sa kanya ko nakuha yung sinasabing pag may “tyaga may nilaga”. Tapos nag susuot pa nga kami ng mga damit na pangmagsasaka yung mahaba yung manggas tapos naka salakot pa kami at nakabotang abot hita. Kalabaw na nga lang kulang naming nung bata ako wala na kaming pinagkaiba sa mga nagtatanim sa mga hasyenda or mga bukirin na makikita natin sa daan pag bumibiyaheng papuntang probinsya.
Matagal na rin yung panahon.
Yung mga panahon batak sa taniman.
Nag trabaho na rin ako sa mga multinational at mga opisina sa syiudad. Di ko na nakikita yung lolo ko sa mahabang panahon. Namimiss ko..minsan nga napapanaginipan at nagbabaliktanaw. Na minsan din na ikukuwento ko pa sa mga kasama sa opis at mga kaibigan yung ekspiryens ko na iyon..bati yung pag gagawa namin ng bitag para makahuli ng bayawak na kukwento ko din. Pati yung hindi ko palang makakalimutang paghahabi ng mga bayong at mga bola gawa sa dahon ng nyog. Ang sarap.
Sa tagal ng panahon, bigla nalang tumulo yung luha ko. Gabing gabi ng nag text yung tito restie ka na taga bukalan. Nasa ospital si “tatay” yung lolo ko. Nanghihina di kinakaya yung sakit nya sa baga. Di ako mapakali, nag tawag twag ng mga kaibigan kung paano ako makakahingi ng tulong. Nag hihintay din ng mga susunod ng text galing sa mga tito at mga magulang ko na nag kokordinate sa ospital at nagpaplano ng mga tamang gawain. Namatay yung mga cellhpne nila..nawala yung kontact ko..nag hihintay ako ng tawag. Hanggang sa dumating yung alas syete ng umaga nag si si mama “WALA NA SI TATAY” nanlamig ako. Pinipilit wag tumulo yung luha. Di ko kinaya. Bumukwak yung mga luha at kabog sa damdamin. Wala na yung LOLO ko. Tapos nito ay naging busy na ako para sa pagtulong sa mga bagay bagay para magign maayos ang kanyang himlayan.
Walang tulog; mugto ang mata;mahapdi at pulang pulang, pero kailangan gumalaw sumugod sa hamon ng buhay.
Magiging makulay itong panahon na ito. Magpapasok..unang pasko na wala yung lolo ko..wala sya sa piling naming..wala sya sa nochebuena na kung saan magsasalo salong buo ang pamilya…wala na.
Sa kabilang dako, nagpapasalamat din ako sa dyos dahil sa kapiling na nya si tatay.
Natutuwa at nagpapasalamat ako dahil nakita yung tunay ng mga kaibigan. Isang tawag lang nandyan at laging handing tumulong. May pera man o wala..puso at matulunging kamay ang pilit nilang inagapay sa akin sa aming pamilya sa lolo ko.
Magsisimulang tumakbo yung panahon uli..bagong pangyayari, bagong mga kaganapan na kailangan magign matatag. Tulad ng mga tinurong Gawain at mga values ng lolo ko.
Nagging masipag,mag karoon ng malalim na dedikasyon sa mga Gawain at sa pag lusob ng buhay. Di man gamit at bulo o itak, di man nakasalakot at nakabota. Dapat laging handa..matatag..patas sa buhay at mapag mahal sa kapwa.
Para sa iyo lo…gumawa ako ng munting tula. Saan ka man na roon. Sana baunin mo yung pagmamahal naming sa iyo..pagibig na alay ko..ma mimiss kita. Pinatatag mo ako.
Para sa iyo lo.
lo
23:20
November 30, 2006
lo ko asan na ba tayo?
lo ko natatandaan ko
yung ako'y bata pa
pinapalo mo ako
lo ko asan na ba tayo?
nung ako'y nagsimulang mag aral
galing sa iyo
ang baon kong piso
sa bawat, bagsak ng piko
kayo ang idolo
sa hamon ng buhay
walang susuper sa loloko
lo ko asan na ba tayo?
matagal na panahon ang ginugol ko
di na tayo nag kikita
miss kitang totoo
mga pangaral mo, ang pag-ibig mo
hinahanap ang tulirong puso ko
ayaw paawat; ayaw tumimo
kabog ng puso sanay pakingan mo
lo asan na ba tayo?
asan na ang mahal na lolo ko?
ngayon sa harapan ko
nakahimlay na bato
lo asan na? dito sa puso ko
di pumapayag wala ka na sa mundo
mga himig ng damdamin ay alay ko
katabi man ay luha,ito'y buong iyo
mahal na lolo ko.
No comments:
Post a Comment