Wednesday, December 20, 2006

sa paskong darating

Mag papasko na pero sa ibang dako o sa ibang mga tao eh pasko na talaga. May mga christmas party, namimili na ng mga regalo, naghahanda ng umuwi yung mga taga ibang bansa para sa darating na pasko at may mga nagpapakasal din. Marami akong nakikitang mga tao, excited sa xmas party nag papractice nga mga sayaw at kung ano ano pa para pag dating ng party masaya. May nag babading badingan, may nag aalapokpok may mga kupido kupiduhan may mga nag bobroadway at kung ano ano pang pakulo na minsan binivideo nalang yung mga I paplay para sa party. Matatawa ka nalang lahat para sa pasko.

Minsan habang nakasakay ako ng jeep, may mga batang umakyat para punasan yung mga sapatos ng pasahero. Tapos ilalabas ang mga kalansing na tansan at magisisimlang kumanta ng awiting pamasko “kagsigla ng gabi..ang lahat ay kaysaya..nag luto ang ate ng manok na tinola..” tapos lalapitan muli ang bawat pasahero para humungi ng pamasko daw..pambili lang ng pagkain. Mangingiti ka kasi para sa pasko ng isang batang pasabit sabit sa jeep.

Tapos may araw naman na habang nagtatrabaho ako gamit ang aking laptop sa BO’s coffee sa ibaba ng robinson galleria. May lumapit sa aking isang dalaga at nagbigay ng sobre na may maliit na sulat na nakasaad na “namamasko po” pandagdaglang po sa aking ipampapaaral. Muli nadawit na naman ang pasko.

Sa mga bahay bahay naman, nagsisimula ng ikabit yung mga lumang x-mas lite, binubuo na rin yung mga x-mas tree na halos umabot na sa kisame sa taas na may malaking start sa itaas na minsan eh angel na puti naman,sasabitan ng mga palamuti at mag lalagay na ng mga regalo sa ilalim o paanan nito para sa mga kamaganak, mga inaanak at para sa mga mga mamamasko. Yung iba nga sa ilalim ng x-mas tree nag lalagay ng isang malaking bilao na puno ng maraming maraming maraming barya at mga kendi na sa araw ng pasko eh ipapadakot sa mga batang mamamasko at iyon na ang kanilang aginaldo. Mga pakulo sa araw ng pasko para masabing kakaiba ang pasko.

Ano ba talaga ang pasko? Regalo? Pakulo? Dapat kakaiba?
Dapat tuwing darating ang December 25 may celebration.
Eh paano iyon sabi diba dapat araw araw ay pasko? Biro lang.

Lahat naman ng tao eh malayang mag pahiwatig ng kanya kanyang pananaw kung ano ang pasko? Iba na ang mundo..iba ang realidad. Minsan dinadaya nalagn natin yung sarili natin..minsan pinilipit nalang natin yung sarili nating mapagbigyan ang iba sa araw ng pasko. May mga tao nga eh..walang patumanga walang sinasanto , na sa araw ng pasko nanloloko nanggagantso itong mga tsonggo, sumasamba, nagsisimba at aabuloy, nagbibigay sa mga tao ng mga regaregalo..pero sa dugas galing. Naaatim ang lahat ng mga ito sa araw ng pasko. Masabi lang na bida!

Eto ang realidad..eto ang pasko ngayon, sa mangilanngilan totoo..sa karamihan marahil ang pasko ay araw ng panggagago..sa balita sa TV palang masasaksihan mo, sa dyaryo.
Yung iba sabi mag patawad ka sa pasko, sa huwad, mamatay ka at pakyu ka sa pasko dahil patok ang bituka ko. hay! At isa pang hay! Di ko tuloy maiwasan maiyak kasi marami akong kilalang ganito.

Kaya ngayong pasko, gagawin ko yung lagi kong ginagawa. Matulog! Hehehe
Ganun eh..kasi malaman puyat na naman ako sa paggawa ng mga bagay bagay para sa pamilya. Teka, na miss ko tuloy si kwang? Nasan na kaya iyon? Aabangan ko iyon, ipinananalangin..na sana sa susunod na mga araw kasama ko na si kwang ko. para maligaya ang pasko at ma share ko sa kanya yung mga napagdaanan ko mga kwentong buhay..masaya, masalimuot pati yung mga nagdaang pasko ko. araw araw sya yung pasko ko..puso ko! kasama ng mga mahal ko sa buhay.

No comments: