Dati yung bata pa ako, naranasan kong kumain lang ng kanin tapos sasabawan ng tubig at lalagyan ng konting asin. Nakikita ko kasi na ginagawa ng lolo masyang ko iyon kaya minsan pagkainan na, ganung klaseng pagkain lang yung gusto ko. di naman kasi ako maselan sa pagkain eh, pag naaalala ko pa nga minsan, yung mga pinsan ko dadayo sa bahay tapos dun kami kumakain ng mga luto ni papa at nag kukumpitisyon pa kami na dapat pag tapos kumain walang mumo na matitira sa sahig..oo sa sahig kami kumakain ng mga pinsan ko..tapos kung sino yung may mumo dapat lilinisin iyon sa pamamagitan ng dila. Pag kumakain kami eh nagkakamay lang kami so kailangan magaling kang mag kamay para manalo..madalas yung mga pinsan ko yung natatalo at hinihimod ng mga dila nila yung mga tiring kanin sa sahig.
Naalala ko lang bigla yung mga ito kasi nga tungkol sa pagkain, itong mga nakaraang araw kasi wala akong ginawa kundi kumain dito..kain duon..kain kung saan saan..
Napagtititripan ko pa yung binalot sa ibaba ng glorietta na halos araw araw eh bumibili ako para aking kainin at mawala yung aking gutom..minsan naman pag mga mga bisita ako sa office nayayaya ko naman sa mga Chinese restaurant…tapos bago matapos ang gabi..kundi mga pagkaing tsitsiria sa 7-11 sa ibaba ng office eh dumadayo pa sa kapay sa kalayaan para lang lumantak ng KAPE/TSOKOLATENG NATIVE at pandesal.
Pero may na mimiss akong pagkain, pagkaing isperitual, yugn kasama ko pa si koen naaalala ko kasama yung mommy nya na nag bi-VCF pa kami sa glorietta. Madalas eh nag aaral pa kami ng bible sa gabi. Ito yung mga madalas kong ginagawa din yung bata pa ako, kasama ang magulang ko na tuwing dadating yung alasais ng gabi at nag simula nang humalik sa sahig ang mga butiki eh pumupunta na kami at lumuluhod sa tabi ng altar..nag nonobena, hawak ang
Ngayon kasi, mukhang nalamon na ako ng makinarya, marahil isa sa aking mga tanong sa buhay eh..napasama ata ako sa mga maling kaibigan na papuri ng papuri tapos mga hipokrito pala,iniuubos ang oras mo at sa huli ikaw pa ang masama sa kanila na kung minamalas malas ka pa eh pagbabantaan pa buhay mo (nangyayari pala ito akala ko sa pelikula lang). Ang hirap..aaralin mo yung mga pakikisahan..aaralin mo yung pag gamit ng oras..lahat aaralin..pero sa huli “AKO PALA O SARILI KO LANG” ang pwedeng magsabi kung paano ko gagawin o ibabalik ang dating panahon..ang aking haharapin na panahon.
Kasabay ng aking pagkain ng mga pagkaing para sa katawan,kailangan ko ng programahan ang akiong buhay. Ang bilis ng panahon..ang alon ng buhay.
Eto na ang simula! ang payak na simula. PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON. balanseng buhay!
No comments:
Post a Comment