Saturday, April 21, 2007

Letter from the CEO: When you have IT, you know IT… 8layer has IT.

Nakakamiss itong BLOG ko ah, masyado akong naging busy itong nakaraang buwan. sa mga presentation, pag cocoduct ng seminar sa ibat'ibat lugar at syempre sa paggawa ng mga bagong systema na makakatulong di lang sa organisasyon ng 8layer kundi sa mga tao..lalo na sa mga pilipino. (Eduskasyon)

naalala ko lang kung paano nagsimula yung 8layer na ito.
parang isang pangarap. suntok sa buwan...BAHALA NA! ganun pa dati.
ang puhunan lang, matatag na paniniwala at pagmamahal sa trabaho.

ang bilis ng panahon..lahat nag bago..ang formula..tamang tao..tamang kasama...matatag sa panimulain..walang urungan..walang atrasan..para sa nakakarami..tamang focus..tamang paggamit ng panahon..tamang desiplina..tapos..paglalatag ng mga ito at mag bibigay ng prayoridad..SWAK na..pagpapahalaga sa mga pangangailangan ng mga kliyente yung mga ngiti nila..yung matulungan silang maging kampante sa negosyo nila..wala o maliliit na alalahanin..iyong pala talaga iyon! nais ko lang i shre itong letter na ito..ito yung PROUD ako ishare..napagdaanan namin..patas na pakikibaka...ang sarap lang dahil sa pag takbo ng panahon..maynapapatutunguhan. may masayang kaganapan.

Letter from the CEO: When you have IT, you know IT… 8layer has IT.

April 21, 2007

It’s a cliché but what can I say…. How time flies.

At two years, we are not only walking… we are hiking and climbing.

And with that, we are overwhelmed with gratitude for the support and belief that you have bestowed upon us. And all the more our firm belief is strengthened that we are on the right track. The only way to repay this debt is to work hard not to falter and fail your expectations.

Though the year was not entirely pure sweetness, it is by large a plenty in terms of depth and breadth; of reach and enrichment.

As we step into the third year, id like to take a glimpse and share with you our leaps or milestones that are dear to us:

  • We participated in a number of events all over the country, some of them really big ones
  • Got really huge accounts and clients (sorry in as much as id like to mention them.. the list may fill up the whole page…. Hehehehe)
  • Deployed high level IT requirements, such as connecting 6-8 remote offices; using NITIX and 8layer’s Asterisk Solutions (8layer is now a major player in Asterisk Solutions in the country)
  • Moved to our new and bigger office at Ortigas
  • Became an INTEL Channel Partner
  • Partnership with Censornet
  • Had a number of our homegrown Back-up Solution deployments (our COO calls it, MERIX Back-up Solution)
  • Participated in a lot of Schools, event trainings and speaking engagements
  • Before the second year culminated, we have just launched the BIGBiz Technology with INTEL.
  • Launch of NITIX Blue
  • Got a new ride for us (‘yung RED…)
  • Our processes continues to improve and be documented
  • Our beams and spirits higher…
  • A number of really great people have joined our team… What a year!

We are also waiting for the implementation of a very sound marketing program on Integrated Solutions and with that our team’s going for a weekend dive and team building in Batangas (sama kayo!).

We were never disoriented nor lost the sight of the goal to always serve you with optimum competence and to share with sincerity what we know, on what IT is all about and how one can actually take advantage of IT in doing one’s work or business.

We had pitfalls and among our major learnings are:

  • To improve our hiring process (by the way, we have our new Communications Manager, JaJa Del Rosario, our new Admin- Roz Vargas,our New Marketing Executive – Katz Encisa and the rest of the gang who are still coming to join us).
  • We have grown to realize to live up to our name, that is 8layer… that though this is the most expensive resource, we got to have the best ones, the right fit, the ones who can see through and understand what one has to take up and take on for that demanding task.
  • We also realize that in teaching, we also learn a lot and we would like to be involved in more trainings and workshops for schools and other organizations this year.

Definitely this year, we will be better and what can you watch out for?

  • In the course of our planning and implementation, segments of services and solutions shall be more refined and defined. This exactly implies that a well-rounded solution in Enterprise Security will be on the fly. More programs for Schools and SME’s and a more focused team that will run support systems.
  • The Launch of the Integrated Solutions Program
  • NITIX Blue in the Philippines
  • And a new group will arise to serve and offer related products in line with our INTEL CHANNEL PARTNERSHIP.

And as sure as the sun shines each morning, we’ll carry on to face each endeavor with more care, more patience, more love for IT and for People.

That is because IT’s all about values, IT’s all about people…

Meric B. Mara
CEO
8layer Technologies, Inc.

Wednesday, March 07, 2007

Limang daang pursyento

Di ko alam kung alam nyo itong mga pangalan na ito..

Yusuke(Eugene)
Kurama (Dennis)
Hiei(Vincent)
Kuwabara(Alfred)|

Sila yung mga karakter na nag pasikat ng kartoon na ghost fighter.
Nalalala ko lang..matagal na panahon na rin na kung saan nagiging sikat yung mga salitang..”ILANG PURSYENTO NG KAPANGYARIHAN MO NA NAGAMIT MO”

Sa ngayon na aasociate yung mga katagang ito sa aming mga proyekto at mga pinagkakalibangan..pag nagkukwentuhan at medyo malanya ka dahil pagod ka na..makakarinig ka na o kamusta? Mukhang limang pursyento nalang ng kapanagyarihan meron ka ah..tapos minsan naman..pag nagcoconduct ka ng training na kung saan nagiging maganda at interactive ang kinalalabasan..sasabihan ka naman ng ayus ah..parang limang daaang pursyento yung ginamit mo ngayon..

Nakakatuwa lang, sa sa mga ganitong kataga at pamamaraan pwede palang makagaan ng pakiramdam lalo na pag pagod ka..isa syang stress fighter. Hehehe

Sa ngyon..medyo nadadalang yung pag susulat ko sa BLOG yung mga tula at mga kanta medyo nadadalang na din..medyo madami akong nasusulat na dokumento lately na patungkol sa mga reports na ginagawa ko sa mga client..mga manual at mga presentation materials para aming mga kustomer. Medyo kailangan maging maganda at madetalye na tama ang mga ito..kaya dito ako medyo nabababad nitong mga nakaraang araw,lingo ar buwan..laging mahigit dalawang daang pursyen yung inaalocate kong kapangyarihan tuwing gagawin ko ang mga bagay bagay na ito..para matapos agad at maibalik ko naman yung aking mga nakagisnan na pagsusulat ng tula at mga kanta..

O paano mga kapatid hanggang sa muli!
Promise ko naman sa sarili ko..di ko na ihihinto ang pag susulat patungkol sa mga bagay bagay..

Wednesday, February 21, 2007

The prayer

Woah!

Ang init as LTO pasig kanina, it was cool observing yung mga tao na kumukuha ng mga lisensya at nag paparenew o nag paparehistro ng mga saksakyan nila. Parang hari hari pari ang sistema..may mga inspector na nag sisisigaw at minumura yung kanilang mga alipores at nag sisisigaw ng parang ganito..

ANAK NG..SINO BA INSPEKTOR DITO..BAKIT HINDI KA MARUNONG SUMUNOD...PURKIT MAY PAPEL KANG HAWAK DI MO NA IDADAAN MUNA SA AKIN..UMALIS KA NGA SA HARAP KO..


Buti pa yung drug test area dun..pag pasok mo sa lugar may flow chart na sila kung ano yung mga dapat gawin ng mga mag papatest..sa labas kasi sa LTO, bukod sa dami ng mga fixers na hindi nasisita. Walang flow chart at gusto ata ng mga empleyado dun na nagtatano nang nagtatanong sa kanila lahat ng mga tao balak kumuha ng lisensya..ang bagal bagal tuloy! Kesyo…pag katapos ng isang akbang..dun ka na pumunta sa PHOTOGRAPHER A or B…hehehe.

Sa init at nirita ko ng konti.konti lang naman..kaya pa..ayun..pagdating sa office dinaan ko nalang sa pag tatrabaho..documentations..proposal..at kung ano ano pa..kaya nagutom tuloy ako..kaya ayun ng bantang alas syete na ng gabi..nag yaya na agad akong kumain na ang normal na kain ko talaga eh sobrang late na dapat..napaaga tuloy…mapapaaga din upo ko nito sa inodoro…ayun kain sa galleria..saan pa..sa BONALOT..pero sa pag kakataong ito..mag halo halo ng inorder pa namin sa razon. Kaya lang..medyo nakakawalang gana yung katabi naming na booth na mag KUMAKANTA ng “THE PRAYER” bukod saw ala sa hulog at walang pakialam yung kumakanta na nakauniporme pa ng “WOW” t-shirt. Eh di ma bigkas ng maayos yung mga lyrics..kainis..

The prayer

I pray youll be our eyes, and watch us where we go.
And help us to be wise in times when we dont know
Let this be our prayer, when we lose our way
Lead us to the place, guide us with your grace
To a place where well be safe la luce che tu hai
I pray well find your light
Nel cuore rest
And hold it in our hearts.
A ricordarci che
When stars go out each night,
Eterna stella sei

The light you have
I pray well find your light
Will be in the heart
And hold it in our hearts.
To remember us that
When stars go out each night,
You are eternal star nella mia preghiera
Let this be our prayer
Quanta fede
When shadows fill our day
How much faith theres
Let this be our prayer
In my prayer
When shadows fill our day lead us to a place, guide us with your grace
Give us faith so well be safe sognamo un mondo senza pi violenza
Un mondo di giustizia e di speranza
Ognuno dia la mano al suo vicino
Simbolo di pace, di fratern
We dream a world without violence
A world of justice and faith.
Everyone gives the hand to his neighbours
Symbol of peace, of fraternity la forza che ci
We ask that life be kind
il desiderio che
And watch us from above
Ognuno trovi amor
We hope each soul will find
Intorno e dentro
Another soul to love
The force his gives us
We ask that life be kind
Is wish that
And watch us from above
Everyone finds love
We hope each soul will find
Around and inside
Another soul to love let this be our prayer
Let this be our prayer, just like every child need to find a place, guide us with your grace
Give us faith so well be safe
Need to find a place, guide us with your grace
Give us faith so well be safe la fede che
Hai acceso in noi,
Sento che ci salv
Its the faith
You light in us
I feel it will save us

Tuesday, February 20, 2007

Pagbabago..walang nagmimintis sa pagbabago..

Nung nakaraang Friday, October 20, 2006 nag post ako dito sa blog ko ng article tungkol sa gusto kong “Gusto kong matutong mag drive” ilang tulog din yung nangyari hanggang sa nitong nakaraang lunes.

Buti nalagn na imbento yugn salitang pagbabago..
Sabi nga sa isang kanta ng patatag…

pagbabago..lahat ay nagbabago.
pagbabago..walang nagmimintis sa pagbabago..
sanggol ka ng mundong nag babago.
ama kang mag sisilang ama kang magsisilang..
ng pagbabago..


lahat talaga ay nagbabago..bigyan mo lang ng tamang puwang tama at makatotohanang pag papaliwanag..darating na ang bagong pag babago..tunay na pag babago..walang halong pangogoyo walang halong pagsunog sa kaluluwa at puso ng isang tao..

taos pUSo..lahat ay mag babago..

eto ngang nakaraang lunes..ang sarap ng feeling. Dumating na yung inutang ..oo utang naming VIOS 1.3e para sa 8layer. Dalawang araw palang sa amin yung saksakyan pero nakita na agad namin yung mga pag babagong nagaganap sa upisa..may balik agad sya..may malaking tulong sa organisasyon.



Maraming salamat sa mga baong lumad..este bagong mga puso at tao sa 8layer sa kanilang dedikasyon sa kanilang mga trabaho. Mabuhay kayo!

Wednesday, February 07, 2007

Curse Of The Golden Flower

Matagal tagal na din yung panahong naranasan ko yung tinatawag na MOVIE DAY na kasama ko yung mga kasama sa trabaho..

yung mga naaalala ko eh
yung na IDS pa ako..yung pedro penduko na di ko makalimutan yung isang kasama namin na si Benjohn Villedo dahil sa pagtawa na kita mo na yugn ngalangala na sumisipa pa sa harapang upuan nya

yung nasa Ecommsite namin kami..pinanood naman namin yung Harold & Kumar Go to White Castle..trip lang.

tapos kanina..pagtapos ng mahabang trabaho at dami ng mga meeting kasama ang mga taga 8layer yung Curse Of The Golden Flower naman yung binakbak namin..di ko alam bat iyon yung title..pwede namang "THE MEDICINE" kasi dun lang halos umikot yugn storya eh.
anyway, enjoy din kasi mga bagong dugo at kasama sa panonood. pero bago iyon..syempre kain muna kami sa "MONGKOK"..pinagtripan namin yung PATATIM at yung mga Dumplings nila..sarap lalo na't isinasawsaw sya sa toyo ng isang maliit na platito na may halong pangpaanghang at kalamansi....tapos paikot mong isasawsaw na pababad yung hakaw at siomai na nakatusok sa iyong tinidor..panalo!

after ng movie..syempre balik sa work. tapos nagrecord kami ng gitara ng kantang "KUMPLIKADO" at this time..yung Behringer na mixer na yung gamit namin.
tapos food trip ng noodles ng koreanong "BOWL NOODLES" yung NONG SHIM (spicy chicken flavor)..ang anghang!

aba, puro kain ata ako today..kasi kaninang tangahali nanlibra din yung isang client namin sa itallanis sa greenbelt. tapos nung bumisita naman kami sa MTS sa isang client din..nag starbucks kami at nag food trip din sa 5th floor ng building nila pero swawarma naman.

sa huli! masaya ang araw na ito..panalo...busog!

Joke Time

ntsik: Bili kayo panty. Kapag sinuot ito, hindi kayo
mabubuntis.

Babae: Bigyan mo ako ng tatlo. 3 months later, galit
si babae: Bakit ako nabuntis?

Intsik: Baka hinubad mo!

************ ********* ********* ********* *********

GF: Hayop ka, niloloko mo ako!

BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah!

GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang
ibang babae,magkahawak pa kamay nyo! Niloloko mo ako!

BF: Makinig ka muna... hindi kita niloloko, maniwala
ka... Yung kasama ko kanina ang niloloko ko!

************ ********* ********* ********* *********

Ifugao: Apply po ako ng sundalo, sir.

Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin,
bungi ka pa!

Ifugao: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang
labanan?

************ ********* ********* ********* *********

A lizard fell on a table.

Genius: Oh! reptila scincidae;

Kikay: Eew, lizard!;

Astig: Shit, butiki!;

Mataray: Shucks, butiks!;

Mayaman: Yuck! Lacoste!;

Mahirap: Pare, ulam!

************ ********* ********* ********* *********

Pedro: Saan ka galing, p're?

Berto: Sementeryo, libing ng byenan ko.

Pedro: Bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?

Berto: Mahirap ilibing eh, lumalaban!

************ ********* ********* ********* *********

Bakit "S" ang nasa costume ni Superman? Wala na kasing
medium! Napansin mo,fit masyado, di ba?

************ ********* ********* ********* *********

Mother superior: Hala, layas dito sa kumbento!

Madre: Bakit po? Dahil po ba sa paggamit ko ng
vibrator?

Mother superior: Hindi, ayoko lang may nakikiaalam sa
gamit ko!

************ ********* ********* ********* *********

Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito
sa bahay! Simula ngayon,
huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita
tatawaging anak, naintindihan mo?

Ana k: Sige dude, alis na ako.

************ ********* ********* ********* *********

Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!

Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo,
bituin pa!

Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!


************ ********* ********* ********* *********

Ice cream ba talaga yung inendorse in Pacquiao sa TV
ad nya na Nestle Ice
Cream? Akala ko kasi, softdrinks. Kasi, sabi nya, "Oh
mga bata, Mirinda
na!"

************ ********* ********* ********* *********
A priest at a church.

Lady: Father, ang gwapo at cute mo naman! Bakit ka pa
kasi nagpari?

Priest: Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre
ako! Bruha!

************ ********* ********* ********* *********
Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa
lamesa at walang takip
ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?!

Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!

************ ********* ********* ********* *********
Nurse: Miss, gising na!

Patient: Ah, bakit?

Nurse: Oras na ng pag-inom ng gamot.

Patient: Anong gamot?

Nurse: Sleeping pills.

************ ********* ********* ********* *********

Boy Guwapo + Girl Ganda = Perfect Couple.

Boy Guwapo + Girl Panget = True Love.

Boy Panget + Girl Ganda = Galing Diskarte.

Boy Panget + Girl Panget = SUKOB!

************ ********* ********* ********* *********
Ama: Bakit ka umiiyak?

Ana k: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!

Ama: Aba , magaling! Anong subject yun, anak?

Ana k: Pregnancy test po itay!

************ ********* ********* ********* *********
Sa prusisyon.

Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni San Jose , mga
girls, sa karo ni Mama Mary.

Bakla: Kami father, saan kami susunod?

Pari: Mga bruha! Follow me!

************ ********* ********* ********* *********

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa
eroplano nang walang
parachute!

Leo: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

************ ********* ********* ********* *********

Ana k: Inay, ang galing ng titser ko.

Inay: Bakit naman?

Ana k: Tinuruan kami ng kagandahang asal.
Nanay: Eh di marunong ka nang gumalang at magpo at
opo?

Ana k: Natural! Tanga ka ba?

************ ********* ********* ********* *********

Use "Bampira" in a sentence! Ahmm, Dodong. Pautang
naman, meron ka bampira?!

************ ********* ********* ********* *********

TUKMOL: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!

SIGA: Ako, matapang ako, bakit may problema ka?

TUKMOL: Wala po, survey lang ho. Ngayon, yung duwag
naman ang lumabas!

************ ********* ********* ********* *********

Ana k: Ma, hingi sana ako ng P50.

Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa
P20? Akala mo
madaling kumita ng P10? O, eto P5.

************ ********* ********* ********* *********

Boy1: Bakit mo ako sinuntok?

Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!

Boy1: Last year pa yon! Tarantado!

Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng
hippopotamus, bobo!

************ ********* ********* ********* *********

May kwento ako tungkol sa lovelife ng ampalaya. Huwag
na lang! Masyadong mapait!

************ ********* ********* ********* *********

Grabe! Biruin mo, 150,000 pesos daw, hot oil lang!
150,000 pesos ang
rebonding! Sobra naman yang David's Salon na yan! -
Rapunzel.

Saturday, January 20, 2007

Bakit ganun?

Sa tagal ng panahon, kahit pilit pilitin natin, balibaliktarin ang katotohanan “HINDI KA PALA TALAGA NABUBUHAY SA MUNDO NG TAMA AT DAPAT” sabi nga ni dong abay sa isang kanta nya..ano ba epekto kung mayroon kang depekto eh wala namang perpektong tao..wala..wala..wala...”

ganun na talaga isinabay ng agos at panahon ang mga pangyayari, kultura at kasanayan sa bawat isang pamayanan..at bawat tao..

sa trabaho nga namin, maraming tao ang mga magagaling...mga bata, mga matatanda at mga nag ke-claim na professionsional daw sila. yugn iba matagal na nga sa trabaho....magagaling base sa kanilang mga standard...base sa kanilang sinasabing panuntunan. May mga taong kung mag salita eh ang taas ng pagpapahalaga sa kanila gawa....pero kung susumahin or pag tinanong mong..IKAW BA GUMAWA NITO? SINONG GUMAWA NITO..walang lakas ng loob ipagyabang ang sariling gawa. Nakakalungkot kasi..sabi nila magaling sila pero walang respeto sa sariling gawa. ni hindi PROUD kasi nga..mababa ang standard..pero gusto nila..malalaking sweldo..matataas na posisyon..karangalan...pagiging bida. Hay! Buhay nga naman..panahon nga naman....matatawa ka nalang.

Bakit ganun? Ewan ko ba...ang isa pang obserbasyon ko sa mga tao ngayon..SANAY na SANAY sa mga dahilan..SANAY NA SANAY MAG KOMIT SAM MGA ORAS AT PANAHON..pero di kayang panindigan. Walang respesto sa sarling salita..walang patumanga ang pag kahunghang. Ang pinakamasakit sa katotohanan na marahin manhid na sila..at maraming mga sangasanga ang mga nasasagasaan sa kanilang mga pangako at angas..

Una. Syempre sarili. Kasi sya mismo ang nag violate sa kanyang mga saliata at kakayahan

Pangalawa: sa mga kasama sa trabaho, kasi dahil may tinatawag na dependensi at malaking epekto sa kabuuan ng isang proyekto

Pangatlo: sa kliyente kasi ipinagkatiwala ng kliyente ang kanyang mga pangangailangan sa tinatawag na eksperto pero..wala sa tamang panahon at mga dahilan ang laging natatangap nito

Pang apat : sa identity ng pinagtatrabahuang kumpany at sa identity sa sarili..wala na..BASANG PAPEL na..marahil ibubukang bibig pa na ang mga tao sa kumpanya na iyan eh mga walang dedikasyon..magagaling lang mag salita..

Ganun talaga!

ang sarap sana no, na sa kabilang o katotohanang na hindi ka nabubuhay sa mundo ng tama at dapat..pero magkaroon ng maliit na mundo kung saan magkakasama sama ang mga nakakaalam ng mga tama at mali, mga tanong nagpapahalaga sa sarili at sa kapwa tao...mga taong matataas ang dedikasyon..

marahil...baka pwede nating kaingitan yung ganun..isang grupo na nag tuturingan na magkakapamilya..mga grupo o indibidual na kayang mag malaki sa sariling gawa..
marahil may tatawaging “MODELO”..tutuong MODELO”...BAKIT GANUN? Ganun talaga..kasi magsisimula ang lahat sa sarili..pagpapahalaga sa mga inatas na trabaho at pagpapahalaga sa iyong potensyal at mga kaya mong gawin..WALANG ATRASAN..laban lang!....ang mga masasarap kasama..yung mga taong kayang harapin ang sariling pagkukulang….tapos sasarap pa ang laban..kapag may mga kainuman..na parehas magi sip at lumaban at magpahalaga…WALANG SABI SABI…may OUTPUT na…hindi iyong wala na nga output..ANG DAMI PANG DAHILAN! At maghahalungkat ka ng mga idadahilan..walang katapusang dahilan.

Thursday, January 11, 2007

ANG LAMAT

Maikling synopsis ukol sa tula:

Ang paglikha ng tulang ito ay udyok ng isang pagnanais na mabuhay ang mga talatang di naririnig sa araw araw na paglalayag. Isa sa mga awitin ng datinggrupong Patatag (pamagat:”Supling” ni Jonas Baes) ay isa sa mga naging inspirasyon sa pagsasakatuparan. Ito ay para sa FORM

Sa parte naman ng CONTENT, ang tahasang nagbigay ng buhay sa tulang ito ay base sa tunay na karanasan ng may akda… Sinubok na isakatauhan ang mga taong nakasalamuha at nagbigay ng isang realisasyon at pagtutuwid sa namulatan konsepto gaya ng “pagkakaibigan” at higit sa lahat at nagpaigting bagkus na gumawa ng mas masisig at makabuluhang pagtatala sa buhay ng may akda… sa larangan negosyo, pakikisalamuha at pagtatakda.

Sa isang banda,Mapupuna rin na ang mga kataga ay maaaring maisahalintulad sa mga pulitiko na walang patumanggang ginaganap ang pagiging salot sa lipunan.

Kahilingan:
Sana’y malapatan ng musika/ melodia sa paghabi ng isang awit.

Pamagat:ANG LAMAT
May Akda: Meric B. Mara

Bitak-bitak na ang bungo, warak na bumbunan
Manhid na sa tunay na karamdaman
Sariling kagustuhan at madayang pangangatwiran
Huwad na katotohanan ang kabuhayan

Ang palasak na bukang bibig ay kagandahan
Na taliwas sa paninindigan at pagsambang kinamulatan
May Lamat na ang kaluluwa tahasan pang binibida
Pag sisisi ay sa salamin at barag na di na umuubra

Ang pagkupit ay tinakda na tila matatag na batas
Sa pusong walang patid ang iyak tila panis na gatas
walang patumangang pagpipigtas sa kayamanang di likas
Binu buyangyang ang pagkataong walang bakas

Tinatagpi ng salapi at karangayaan ang retasong katauhan
Sa piling ng pagkabantog na kanlungang nilumot na batuhan
Bingi sa sariling mga salita na sakdal sa rehas ng katotohanan
Duwag sa hamon ng tagumpay at lamat na puso ang sukatan

gumuguhit ang mga kuko habang mga likod ay hinahagod
unti unting pinapaslang katinuan ng walang muwang sa pagkayod
nalansi at kapos sa karunungan ng buhay na malugod
mala kalyong lamat na puhunan ay pikit mata nilang sinasahod.

Ayus ang GMA NEWS TV

Dahil wala na akong pambili ng dyaryo, sa internet nalang ako nagbabasa mga mga balitakung anon a ba ang mga nangyayari sa sa kapaligiran sa politika at showbiz..yaiks!

ang nakakatuwa di ko alam kung anong pakulo meron itong website ng GMA NEWS TV. Eh kasi naman may mga bold akong nakikita sa bandang kanan…patawa nga eh!

Eto share ko =) sino kaya gumawa nito..saludo ako.






Sunday, December 31, 2006

Trenta na si Mara

Grabe tatlumpung taon nap ala ang nakakalipas mula ng ako’y ipinanganak. Ilang oras nalang ang hinihintay ko “HAPPY BIRTHDAY NA ULIT” !!! sa labas nga ang dami ng mga nagpapaputok , kanya kanyang ingay, kanya kanyang pamamaraan ng pagsalubong ng baong taon..madami na din ang mga nag text sa akin para ako’y baliin ng happy new year at happy birthday….yung iba nga eh..puro forwarded yugn message..mga tamad gumawa ng mga sariling mensahe para sa okasyon..hehehe!..mga mahal sa buhay..mga kababata…mga klasmeyt ng elementary at klasmeyt ng high school..may ilan ding mga kaibigan at mga kasama sa trabaho ang bumati. ..pabiro ko ngang sinasabi na tumatangap ako ng “cash ” bilang regalo. SANA MAY MAGREGALO SA AKIN NG TULA =) (labis akong matutuwa)

Tatlumpung palakpak yung regalo ko sa sarili ko..tatlumpung kahilingan din na di ko na ilalathala sa blog na ito..pabulong ko ngang inisa isa at kwarto kanina matapos akong manalangin at magpasalamat sa panginoon. Pero may kopya ako sa wallet na nakasulat sa isang maliit na papel na tinupi ko ng maliiit na maliit at isiniksik sa isanag bulsa kasama na nakaipit ng mga calling card ko. ito ay para masigurado kong di ko makakalimutan yung mga kahilingan at namomonitor ko kung nangyayari o nagaganap ang mga ito.

Karamihan naman ito at hindi para sa akin..para sa ibang tao na wala akong pinangarap kung di ang kanilang pagunlad,kalusugan at kapayapaan.

Kanina medyo balisa pa ako ng konti, nahihirapan nga akong huminga ewan ko ba..pagod siguro at sa dami ng mga iniisip para makagawa pa ng mga magagandang programa para makatulong sa ibang tao. Nanakit din yun buong katawan ko na may sinat sinat pa konti..puro tubig nga yung binabanatan ko ngayon. Pero medyo dahan dahan yung mga galaw ko kasi baka di ako gumaling agad, madaming magagalit. Yung kalusugan ko yung gagawan ng malaking programa sa susunod na taon. Sana makabili agad ako ng rubber shoes ko para kahit papaano maibalik ko yung dating mga sports tapos gusto ko ring makapag jogging ng regular na.

Ang bilis talaga ng panahon..tiningnan ko nga yugn mga lumang larawan ko at ako mismo di makapanilawa na tumanda nap ala ako..ang bilis..tulad ng pagbilis ng paghaba ng buhok kong kumukulot kulot. Kugn dati pa gel gel lang ako..ngayon eh..panaling goma o mga panaling bigay yung ginagamit ko.

Tatlumpung taon…bagong edad..hahaha..trenta na si mara.
bagong buhay…bagong simula…

sa malate

Pupunta dapat yung 8layer team sa laguna para kahit papaano ay mag karoon ng salo salo bago man lang umabot Ang araw ng pasko. Nag arkila na rin kami ng “adventure” na sasakyan para iyon ang gamitin namin kaysa mamasahe pa kame. Tamang tama may bisita kaming malaysian na pumunta ditto para mag patulong sa paghahanap ng hotel na gagamitin naming para sa event sa February para sa isang seminar para sa “asterisk”

Lumubog na ang araw ang tindi ng trapik. Tamang tama nagyaya ng mag dinner o hapunan yung malysian na treat raw nya. Kay sinundo namin sya sa shangrila kung saan nandun sya nanatili para sa mga huling taong kamiting nya. Pag kasundo dinala naming sya sa metrowalk para dun mag hapunan…sa “iceberg” kami napunta..anak ng tokwa ang bagal mag serve ng mga waiters at mukhang yung may memory gap na yung mga ulul..kasi ba naman tuwing oorder kami..laging kulang yung pagkakaintindi nya..halimbawa..”3 extra rice nga” dadating isa lang..hay! tapos pag dating sa bayaran na..nak ng tokwa ulit..ang bilis kumuha ng bayad at mag sukli at kumuha ng tip..kaya nga binibigyan ko ito ng tatlong palakpak para sa kakaibang performance.


Pag katapos ng kainan..ayun pumunta kami sa malate para dun nalang sana mag inuman kwentuhan at magsaya para ecelebrate an gaming munting salo salon a kasama an gaming bisitang Malaysian. Dun kami sa malate at unang napadpad sa “HOBBIT HOUSE” medyo tahimik at kokonti ang tao, namamalayan mo nga yung mga usok ng pag yoyosi nila Eman,charm at Dan. Ang nakakatuwa naman sa lugar na ito eh..tag iisang bote lang kami ng beer grabe naming kasi yung MAHAL 95 pesos isang beer..eh paano kaming malalasing tapos may 100 pang entrance na hindi man lang consumable. Kaya ayun..matapos ang tig i-isang beer eh naka 2,400 pesos na kami..patay! mabibitin kami pag nag isang round pa. kaya lumipat nalang sa ibang bar para maiba naman yung lugar yung medyo makulit yung jamming at dapat masaling kami kahit papaano. Kaya na padpad kami a “UNPLUGGED” kung saan dalawa ang mag peperform 1. soul jive at si jimmy bondoc. Ang nakakatuwa pa dun, nakita ko yung mga dating kaibigan ko sa UNIONBANK.kaibigan pala nila yung soul jive..sila edong at Kathy. Kaya ayun lalong napasarap ang kulitan at jamingan. Pinakanta si Deng ng mga kantang matataas tulad ng loving you at.nakuha naman nya..pati atensyon ng mga tao dahil sa galing ng boses nya. Ang nakakatuwa pa ditto eh magkaibigan nap ala itong si jimmy bondoc at si deng,,kaya yung mga kantang alternative eh nailagay o naihain din sa entablado tulad ng “KANLUNGAN” ni rom na kinakanta ni at pinasikat ni Noel Cabangun at “SARANGOLA SA ULAN” ni Gary Granada na habang kinakanta ni jimmy eh sobrang na nanamnam ko yung mensahe ng kanta…
Saranggola sa Ulan

Naririnig ko pa ang tawa’t hagikhik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan, ako’y dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam

Sa aming kamusmusan
Kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa’y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig ng walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko
At sa pagmamadali nasagi ang aking puso

Eto na naman
ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian

Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi’t laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo

Eto na naman..
Heto ako, tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan

Wednesday, December 20, 2006

sa paskong darating

Mag papasko na pero sa ibang dako o sa ibang mga tao eh pasko na talaga. May mga christmas party, namimili na ng mga regalo, naghahanda ng umuwi yung mga taga ibang bansa para sa darating na pasko at may mga nagpapakasal din. Marami akong nakikitang mga tao, excited sa xmas party nag papractice nga mga sayaw at kung ano ano pa para pag dating ng party masaya. May nag babading badingan, may nag aalapokpok may mga kupido kupiduhan may mga nag bobroadway at kung ano ano pang pakulo na minsan binivideo nalang yung mga I paplay para sa party. Matatawa ka nalang lahat para sa pasko.

Minsan habang nakasakay ako ng jeep, may mga batang umakyat para punasan yung mga sapatos ng pasahero. Tapos ilalabas ang mga kalansing na tansan at magisisimlang kumanta ng awiting pamasko “kagsigla ng gabi..ang lahat ay kaysaya..nag luto ang ate ng manok na tinola..” tapos lalapitan muli ang bawat pasahero para humungi ng pamasko daw..pambili lang ng pagkain. Mangingiti ka kasi para sa pasko ng isang batang pasabit sabit sa jeep.

Tapos may araw naman na habang nagtatrabaho ako gamit ang aking laptop sa BO’s coffee sa ibaba ng robinson galleria. May lumapit sa aking isang dalaga at nagbigay ng sobre na may maliit na sulat na nakasaad na “namamasko po” pandagdaglang po sa aking ipampapaaral. Muli nadawit na naman ang pasko.

Sa mga bahay bahay naman, nagsisimula ng ikabit yung mga lumang x-mas lite, binubuo na rin yung mga x-mas tree na halos umabot na sa kisame sa taas na may malaking start sa itaas na minsan eh angel na puti naman,sasabitan ng mga palamuti at mag lalagay na ng mga regalo sa ilalim o paanan nito para sa mga kamaganak, mga inaanak at para sa mga mga mamamasko. Yung iba nga sa ilalim ng x-mas tree nag lalagay ng isang malaking bilao na puno ng maraming maraming maraming barya at mga kendi na sa araw ng pasko eh ipapadakot sa mga batang mamamasko at iyon na ang kanilang aginaldo. Mga pakulo sa araw ng pasko para masabing kakaiba ang pasko.

Ano ba talaga ang pasko? Regalo? Pakulo? Dapat kakaiba?
Dapat tuwing darating ang December 25 may celebration.
Eh paano iyon sabi diba dapat araw araw ay pasko? Biro lang.

Lahat naman ng tao eh malayang mag pahiwatig ng kanya kanyang pananaw kung ano ang pasko? Iba na ang mundo..iba ang realidad. Minsan dinadaya nalagn natin yung sarili natin..minsan pinilipit nalang natin yung sarili nating mapagbigyan ang iba sa araw ng pasko. May mga tao nga eh..walang patumanga walang sinasanto , na sa araw ng pasko nanloloko nanggagantso itong mga tsonggo, sumasamba, nagsisimba at aabuloy, nagbibigay sa mga tao ng mga regaregalo..pero sa dugas galing. Naaatim ang lahat ng mga ito sa araw ng pasko. Masabi lang na bida!

Eto ang realidad..eto ang pasko ngayon, sa mangilanngilan totoo..sa karamihan marahil ang pasko ay araw ng panggagago..sa balita sa TV palang masasaksihan mo, sa dyaryo.
Yung iba sabi mag patawad ka sa pasko, sa huwad, mamatay ka at pakyu ka sa pasko dahil patok ang bituka ko. hay! At isa pang hay! Di ko tuloy maiwasan maiyak kasi marami akong kilalang ganito.

Kaya ngayong pasko, gagawin ko yung lagi kong ginagawa. Matulog! Hehehe
Ganun eh..kasi malaman puyat na naman ako sa paggawa ng mga bagay bagay para sa pamilya. Teka, na miss ko tuloy si kwang? Nasan na kaya iyon? Aabangan ko iyon, ipinananalangin..na sana sa susunod na mga araw kasama ko na si kwang ko. para maligaya ang pasko at ma share ko sa kanya yung mga napagdaanan ko mga kwentong buhay..masaya, masalimuot pati yung mga nagdaang pasko ko. araw araw sya yung pasko ko..puso ko! kasama ng mga mahal ko sa buhay.

Friday, December 15, 2006

PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON

Dati yung bata pa ako, naranasan kong kumain lang ng kanin tapos sasabawan ng tubig at lalagyan ng konting asin. Nakikita ko kasi na ginagawa ng lolo masyang ko iyon kaya minsan pagkainan na, ganung klaseng pagkain lang yung gusto ko. di naman kasi ako maselan sa pagkain eh, pag naaalala ko pa nga minsan, yung mga pinsan ko dadayo sa bahay tapos dun kami kumakain ng mga luto ni papa at nag kukumpitisyon pa kami na dapat pag tapos kumain walang mumo na matitira sa sahig..oo sa sahig kami kumakain ng mga pinsan ko..tapos kung sino yung may mumo dapat lilinisin iyon sa pamamagitan ng dila. Pag kumakain kami eh nagkakamay lang kami so kailangan magaling kang mag kamay para manalo..madalas yung mga pinsan ko yung natatalo at hinihimod ng mga dila nila yung mga tiring kanin sa sahig.

Naalala ko lang bigla yung mga ito kasi nga tungkol sa pagkain, itong mga nakaraang araw kasi wala akong ginawa kundi kumain dito..kain duon..kain kung saan saan..

Napagtititripan ko pa yung binalot sa ibaba ng glorietta na halos araw araw eh bumibili ako para aking kainin at mawala yung aking gutom..minsan naman pag mga mga bisita ako sa office nayayaya ko naman sa mga Chinese restaurant…tapos bago matapos ang gabi..kundi mga pagkaing tsitsiria sa 7-11 sa ibaba ng office eh dumadayo pa sa kapay sa kalayaan para lang lumantak ng KAPE/TSOKOLATENG NATIVE at pandesal.

Pero may na mimiss akong pagkain, pagkaing isperitual, yugn kasama ko pa si koen naaalala ko kasama yung mommy nya na nag bi-VCF pa kami sa glorietta. Madalas eh nag aaral pa kami ng bible sa gabi. Ito yung mga madalas kong ginagawa din yung bata pa ako, kasama ang magulang ko na tuwing dadating yung alasais ng gabi at nag simula nang humalik sa sahig ang mga butiki eh pumupunta na kami at lumuluhod sa tabi ng altar..nag nonobena, hawak ang rosario at taus pusong nag dadasal. Si “nanay” nga yung lola ko eh kinakabisado ata yung bibliya dahil sa tuwing magkakaroon sya ng libreng oras iyon lagi ang hawak nya at madalas akong nagtatanong sa kanya. Yung High school naman ako, yung mga kaibigan ko naman ang nag turo sa akin ng mga awiting papuri. Na lalong nag patatag sa aking pananampalataya.

Ngayon kasi, mukhang nalamon na ako ng makinarya, marahil isa sa aking mga tanong sa buhay eh..napasama ata ako sa mga maling kaibigan na papuri ng papuri tapos mga hipokrito pala,iniuubos ang oras mo at sa huli ikaw pa ang masama sa kanila na kung minamalas malas ka pa eh pagbabantaan pa buhay mo (nangyayari pala ito akala ko sa pelikula lang). Ang hirap..aaralin mo yung mga pakikisahan..aaralin mo yung pag gamit ng oras..lahat aaralin..pero sa huli “AKO PALA O SARILI KO LANG” ang pwedeng magsabi kung paano ko gagawin o ibabalik ang dating panahon..ang aking haharapin na panahon.

Kasabay ng aking pagkain ng mga pagkaing para sa katawan,kailangan ko ng programahan ang akiong buhay. Ang bilis ng panahon..ang alon ng buhay.

Eto na ang simula! ang payak na simula. PAMILYA,TRABAHO,MUSIKA AT PANGINOON. balanseng buhay!

Friday, December 08, 2006

Bulaklak

Pamagat ng Tula:Bulaklak
May Akda: Meric Mara

Sa tuwing ikay pinagmamasdan
Lahat sa paligid ay gumagaan
Sa masalimuot na hardinan
Kakaibang birhen na nilalang

Bulaklak ka ng buhay
nagsisilbing gabay
laging masayang sumasabay,
Sa dakilang pagbabaybay

ang mabango mong halimuyak
Sa akin ay nangungusap;
mahigpit na mga yakap
kadenang magsusumikap

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sabay tayong dalawang tunay na magkaliyag
simbolo ng pagibig, pag ibig na bitag

di malalanta pag ikaw ay kapanig
di mag mamaliw pag namumukadkad ang tinig
didiligan ng tubig ; tubig ng pagibig
ang bulaklak kong liyag laging bukang bibig

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sa lahat ng panahon ikaw mamumukadkad
di hahayaang pigtasin nang mga taong huwad

mahal kong bulaklak

Friday, December 01, 2006

super lolo

Yung bata ako, may taniman kami sa likod bahay.Mga kamoteng baging ,kahoy,kakaw,ube at kangkongan na tuwing madaling araw eh nag pipiko na kami tapos sa hapon naman eh bumabalik kami para magdilig gamit yung malaking lata ng biskwit na binutas butas naming ng pako sapuwitan nito.

Lolo ko yung nagturo sa akin magbungkal at magtanim.

Dun kasi kami kumukuha ng mga minimeryenda namin. Minsan pag kaani, kasama yung lola ko nag lulupak pa kami. Gamit yung bayuhang kahoy na hinihiram naming kila aling Imang..nanay ni kuya vener na kababata at kabarkada ko sa lugar namin.
Tapos, dun din ako namumulot ng mga kahoy kahoy na pinatutuyo namin at ginagawang pangatong. Kasama yugn lolo ko nag sisibak kami gamit yung bolo nya na nakuha pa nya sa visaya na lagi nyang hinahasa at gamit sa pagtipak ng kahoy ay pagtatanim.

Yung mga tinatawag ng mga taong trabahong probinsya. Sa lolo ko iyon natutunan. Sa kanya ko nakuha yung sinasabing pag may “tyaga may nilaga”. Tapos nag susuot pa nga kami ng mga damit na pangmagsasaka yung mahaba yung manggas tapos naka salakot pa kami at nakabotang abot hita. Kalabaw na nga lang kulang naming nung bata ako wala na kaming pinagkaiba sa mga nagtatanim sa mga hasyenda or mga bukirin na makikita natin sa daan pag bumibiyaheng papuntang probinsya.

Matagal na rin yung panahon.
Yung mga panahon batak sa taniman.

Nag trabaho na rin ako sa mga multinational at mga opisina sa syiudad. Di ko na nakikita yung lolo ko sa mahabang panahon. Namimiss ko..minsan nga napapanaginipan at nagbabaliktanaw. Na minsan din na ikukuwento ko pa sa mga kasama sa opis at mga kaibigan yung ekspiryens ko na iyon..bati yung pag gagawa namin ng bitag para makahuli ng bayawak na kukwento ko din. Pati yung hindi ko palang makakalimutang paghahabi ng mga bayong at mga bola gawa sa dahon ng nyog. Ang sarap.

Sa tagal ng panahon, bigla nalang tumulo yung luha ko. Gabing gabi ng nag text yung tito restie ka na taga bukalan. Nasa ospital si “tatay” yung lolo ko. Nanghihina di kinakaya yung sakit nya sa baga. Di ako mapakali, nag tawag twag ng mga kaibigan kung paano ako makakahingi ng tulong. Nag hihintay din ng mga susunod ng text galing sa mga tito at mga magulang ko na nag kokordinate sa ospital at nagpaplano ng mga tamang gawain. Namatay yung mga cellhpne nila..nawala yung kontact ko..nag hihintay ako ng tawag. Hanggang sa dumating yung alas syete ng umaga nag si si mama “WALA NA SI TATAY” nanlamig ako. Pinipilit wag tumulo yung luha. Di ko kinaya. Bumukwak yung mga luha at kabog sa damdamin. Wala na yung LOLO ko. Tapos nito ay naging busy na ako para sa pagtulong sa mga bagay bagay para magign maayos ang kanyang himlayan.

Walang tulog; mugto ang mata;mahapdi at pulang pulang, pero kailangan gumalaw sumugod sa hamon ng buhay.

Magiging makulay itong panahon na ito. Magpapasok..unang pasko na wala yung lolo ko..wala sya sa piling naming..wala sya sa nochebuena na kung saan magsasalo salong buo ang pamilya…wala na.

Sa kabilang dako, nagpapasalamat din ako sa dyos dahil sa kapiling na nya si tatay.
Natutuwa at nagpapasalamat ako dahil nakita yung tunay ng mga kaibigan. Isang tawag lang nandyan at laging handing tumulong. May pera man o wala..puso at matulunging kamay ang pilit nilang inagapay sa akin sa aming pamilya sa lolo ko.

Magsisimulang tumakbo yung panahon uli..bagong pangyayari, bagong mga kaganapan na kailangan magign matatag. Tulad ng mga tinurong Gawain at mga values ng lolo ko.
Nagging masipag,mag karoon ng malalim na dedikasyon sa mga Gawain at sa pag lusob ng buhay. Di man gamit at bulo o itak, di man nakasalakot at nakabota. Dapat laging handa..matatag..patas sa buhay at mapag mahal sa kapwa.

Para sa iyo lo…gumawa ako ng munting tula. Saan ka man na roon. Sana baunin mo yung pagmamahal naming sa iyo..pagibig na alay ko..ma mimiss kita. Pinatatag mo ako.
Para sa iyo lo.


lo
23:20
November 30, 2006

lo ko asan na ba tayo?
lo ko natatandaan ko
yung ako'y bata pa
pinapalo mo ako

lo ko asan na ba tayo?
nung ako'y nagsimulang mag aral
galing sa iyo
ang baon kong piso

sa bawat, bagsak ng piko
kayo ang idolo
sa hamon ng buhay
walang susuper sa loloko

lo ko asan na ba tayo?
matagal na panahon ang ginugol ko
di na tayo nag kikita
miss kitang totoo

mga pangaral mo, ang pag-ibig mo
hinahanap ang tulirong puso ko
ayaw paawat; ayaw tumimo
kabog ng puso sanay pakingan mo

lo asan na ba tayo?
asan na ang mahal na lolo ko?
ngayon sa harapan ko
nakahimlay na bato

lo asan na? dito sa puso ko
di pumapayag wala ka na sa mundo
mga himig ng damdamin ay alay ko
katabi man ay luha,ito'y buong iyo

mahal na lolo ko.

Sunday, November 19, 2006

LABAN NI PACMAN laban ng bayan?

Mag aalasdos ng madaling araw na. di ako makatulog, medyo nagbabasa basa ako ng libro para antukin. Nagbukas ako ng TV..grabe..parang di natutulog ang sambayanan..ang laman ng balita?...mga patalastas? Laban ni pacquiao..THE PACMAN. Nakakatuwa ang pinoy talaga laging may mga paraan para aliwin ang sarili at sa panahon na ito..boxing naman. Ang saya..bukas ..este mamaya na kasing alas otso ng umaga mag sisimula yung laban. “Kita” at tatabo na naman ng salapi ang channel 2..pati mga sinehan..(may live telecast kasi sa mga sinehan na dun pwedeng mag sisigaw ang mga manonood ng.SIGE..BIRA..BIRA DONG….PATAYIN MO..SA TIYAN..SA MUKHA..ALA>.SIGE BIRA..) mamaya maya..eh nag simula ng tugtugin ang lupang hinirang sa TV. Kailangan na nilang mag pahinga. Kaya pinatay ko na yung TV uli..nag patugtug nalagn ako ng Mp3..pinatugtug ko yung paborito kong kanta ngayon “HELE” na ako din yugn nag compose..oopps.. (secret kop ala iyon…hehehe) ang sarap eh..nahehele yugn utak ko. tapos ayun nag muni muni…naisip ko lang na nais kong magtanong sa sambayanan bago mag simula ang pustahan kung DEHADO O LLAMADO ang mga manok nila.

Kung ikaw si PACMAN,Ano ang pwede mong gawing tulong sa sambayanang Pilipino?
Kung ikaw si PACMAN at di ka tanyag na boksingero? Para pa rin bas a banyan ang laban?
Kung ikaw si PACMAN, pupunta ka ba lagi sa malacanyang tuwing mananalo ka sa larangan ng boxing?
Kung ikaw si PACMAN, tatangapin mo ba yung MCDO/ALAXAN/etc.. na commercial?
Para sa Bayan?

Madami akong tanong? Na ako din di ko masagot minsan...kasi marami sa paligid natin BIRA ng BIRA..marami sa lipunan gusto lagi sa camera..marami din gusto kasikatan...kung ano man..bahala na sila.

Bukas masarap magmasid...may beer man o wala..tuloy na yung laban..nakakatulilig na dahil sa ingay na ginagawa ng media..pero nakakapanabik dahil may PACMAN na kahit papaano kamao at puso ang puhunan sa buhay.

NO FEAR =)

Tuesday, November 14, 2006

Henyo sa makabagong panahon

Yung unang nagwork ko, nakita ko kung paano ko ubusin yung oras ko.

Grabe..sobrang trabaho..puspusan… patayan... Puyatan. Pati nga pasko eh pumapasok pa ako..wag lang hindi masilbihan yung mga client at yung mga boss ko at makapagshare ng munting kaalaman sa mga kasama sa trabaho.

Madami daming tula din akong nagawa non..tulad ng “memo kuno” na ginawa kong tula sa manager ko dahil sa hindi ko nagustuhan o walang basehang memo..iyong yung una’t huling memo na nakuha ko sa tanambuhay (hanggang sa araw na ito) ko sa pagtratrabaho. Ang sarap lang ng feeling kasi yung mga na bigyan ko ng mga munting kaalaman eh..kusang tumatawag at nagpapasalamat dahil nakatulong daw yung mga itinuro ko sa kanila…eh binobola ko lang naman sila..hehehe..oooopppsss…sana nga.

Nakakataba ng puso eh…basta ako tuloy tuloy sa agos ng buhay..tuloy tuloy lang sa pagtuturo ng munting kaalaman. Natutunan ko lang naman pag ganitong usapan..wag tuturuan ang mga taong ayaw magpaturo..or wag tutulungan yung mga taong ayaw ng tulong..sayang lang yung panahon..yaan lang muna na ma ekspiryensya nila yung mga pagkakamali..tapos..tsaka makipagugnayan…isang daang porsyento.

Naalala ko lang kasi tumatanda na kasi ako. Di pala bumabata ang tao..madaming nadadaanan sa buhay..madaming nagbibigay ng kulay…sa tunay na buhay…gintong tunay…makulay na tulay. 1998 yung grumadweyt ako ng college at ngayon 29 years old na ako. Hay! Pero nagging matatag sa hamon ng buhay. Pero sa totoo lang, sa bawat hakbang na ginagawa ko at ginagawa ng bawat tao..malaking factor na magbibigay ng istorya ng bawat buhay yung mga taong nasasalubong mo. Nakakasama sa buhay sa work at kung saan saang bagay. Tulad kanila…yung isang nag OJT sa amin na taga mapua..nakachat ko. mahusay na bata..magaling yung time na nag wowork sya sa amin yung time na nag O-OJT sya. Natutuwa ako kasi malayo yung mararating ng bata…pag nakikita ko nga..magiging isang magaling na leader..ganun kataas yung tingin ko..bata pa nga lang..iba pa yung persepsyon nya sa kanyang kagalingan….magiging magaling syang isang JAVA PROGRAMMER…ako ang tingin ko sa kanya magiging ISA SYA MAGALING NA LEADER sa lalong madaling panahon. Masarap kausap yung bata..madaming alam at inaaral yung buhay nya. Isa sa mga henyo sa makabagong panahon. Yung nga lang sa canon na sya papasok ngayon..sa eastwood. Sabi ko nga sa kanya pag kailangan nya ng kahit anong tulong eh nandito lang yung company namin. Kung kailangan nya ng kainuman, kung gusto nyang pumasok sa company na walang oras at walang uniporme..dito lang kami. ..kanya kanya talagang kagustuhan iyan. Ako eto yung pinili kong landas..8layer kung saan madami dami na rin akong natutulungan sa buhay..clients…tuloy tuloy lang..walang atrasan…mas masarap kung nandito kayo sa posisyon ko ngayon..kasi lahat ng kasama ko sa opisina saludo ako..mga tunay na henyo sa bagong panahon. Mga taong nagpapahalaga sa ibig sabihin ng trabaho..ng buhay at ng pakikipagkapwa tao. PROMISE! =)

Tuesday, November 07, 2006

kantahan na

Grabe nakakaamin na kanta na kaming nakarecord, ang sarap ng ekspiryens ang gaan ng mga kanta walang tapon ika nga. Swabe at pasok sa lahat ng antas ng makikinig. Ang sarap tumambay sa bahay ni boyet. Bukod sa kumpleto na yung mga instrumento para sa pagrerecord eh, lalabas lang kami para bumili ng beer (san mig light) at oishi at mga kropek na pulutan.

Salamat sa mga sumusunod
Boyet: sa pagpapamalas ng kanyang pagkamaligno (di kasi tao ito sa galling sa pag gitara)
Deng : sa kanyang mala ibon na gitara at paglalapat ng mga lyrics sa ibang mga kanta.
Tawako ko dyan eh i SUPER DENG
Ey Ar: pag lalapat at pag awit sa ibang mga kanta. SYA din si SUPER EY Ar..galing galing eh

Note: ako lang naman eh sawsaw ditto sa album na ito..taga sulat lang ng lyrics yun lang naman.

Kay BUGARD..sa kanya pag sama sa inuman..naging para sa kanya tuloy lahat ng kanta..hehehe

Para sa mga magbabasa:
Kung close sana kita eh..di sana naririnig mo na yung mga kanta. Belat! =)

Eto na yung summary ng mga nagagawang kanta.

Wala Na:
Eto yung kantang ginawa naming na tungkol sa isang babae na nag dedescribe kung ano yung mga karakter at mga bagay bagay na gusto nya sa isang lalaki at nagpapahayag na masaya na sya feeling nito at wala ng hahanapin pang iba.


Sabi Nila:
Eto naman yung kantang nag dedescribe naman sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa dawalang taong nag iibigan. Na compose itong kantang ito yung hishschool pa ako (Meric) na inareglo yung gabing inirecord naming yung kanta.
Wala eh..anong magagawa ko..magagaling yung mga kasama kong musikero..mga maligno..di kasi tao yung mga iyon.

Kapay:
Di ko alam kung kilala nyo si Rom..yung gumawa ng kantang “KANLUNGAN” ng buklod. Kasi minsan yung unang punta naming sa kapehan nya sa kalayaan na ang pangalan eh “KAPAY” na inspire ata itong si deng gumawa ng kantang pinamagatan nyang KAPAY..ipinangalan sa kapihan nila Rom. Tungkol naman sa nagmamahal o nagiibigang mga tao na ang bawat magkaparehas ay parang “KAPE AT TINAPAY” sa kanilang pag babaybay sa buhay at dapat di nagkakawalay.

Hele:
Ito naman yung kinompose ko nung 2002 pa. para kay koen. Na after nun jam naming at nagiinuman at kwentuhan na eh pinakita ko sa mga batikang musekero. Ayun balik JAM..pinaganda nila yung areglo at nagging kantang hele ng pagibig. Tungkol sa pagpapatulog mo ng iyong minamahal kasabay ng malamig na simoy ng hangin,mapayapang gabi at mahinahong musika. ang sarap at ang gang ng feeling pag pinakikinggan ko yung kanta.

Kumplikado:
Kumplikado ang mundo pag di mo kasama ang mahal mo. Ang ganda ng kantang ito
Sa bawat tipa ng gitara ni Boyet eh talagang mapapaindayog ka lalo na kung paano kinanta ni Deng…sarap! Di sya kumplikadong pakinggan.

LQ:
Eto naman yung kanta para kay “BUGARD” hehehe. Tungkol sa mga nagmamahalan at dumadaan sa madalas na pag aaway o di pag kakaunawaan o tinatawag na “LQ”.
Sinasabi lang ng kanta na di dapat binibigyan ng malaking panahon ang pag L-LQ dumadaan lang at ayos lang. pero dapat manhandle lang ng tama para mawala.

Kung oobeserbahan yung mga lyrics at stanza..ipinasok naming lahat ng mga kanta dito.
Yugn wala na, yung sabi nila, yung kumplikado at iba pa.

Sa susunod yung iba.

Sunday, November 05, 2006

album

sobrang busy sa trabaho, di pa tapos ang isa at eto may dumadating na naman na bago.
pero masaya, masarap din kasi pag araw araw eh may ginagawa ka at alam mong natatapos yung ginagawa mo. nakikita at nararamdaman yung tinatawag na "output" o "result".

kasi marami rami rin yung ma nakikilala kong mga tao at naririnig ko sa paligid na sobrang busy sila..pero wala namang natatapos..iba kasi iyon eh....yung ganitong konsepto kasi eh para lang sa mga taong laging umaasa at walang personal goal sa sarili...sabit at sawsaw suka. na minsan matatawa ka..kasi "feeling" nila magagaling sila..yung bang.."OKAY LANG" ang lahat...and laging "I DON'T CARE YUNG MARIRINIG MO" pero wala palang binatbat o bokya naman pala.

eto nga sa sobrang busy ko eh, nakakapunta pa ako ng quiapo tulad kahapon..naglibot nag masid sa sa simbahan ng quiapo..ewan ko ba..sabi ng iba nasikip..magulo, madumi ang lugar na iyon..pero ako iba yung nararamdaman ko eh..iba ang napipicture ko sa lugar na iyon..malalim na istorya..iryoryang buhay..madaming pwedeng bida..yung magkakandila..yung mga nagbebenta ng mga santo at pamparegla..yung mga nagbabaraha..mga batang naglalaro na may hawak na sampagita...iba..ang saya. makulay na pelikula. pelikula ng totoong buhay.

kung may time ka ngang maglakad lakad pa eh..mamamalas mo dun sa hidalgo o dun sa echague yung mga nagmumurahang DVD..yung mga lang..pirata.

kahapon yung pumunta ako ng quiapo at nagutom ako. umupo at kumain sa greenwich.
yung meal "C" nila. yung may spaghetti,pizza,chocholate, manok ..sobrang malamig na COKE..ang sarap. tapos habang kumakain eh naisip isip ko na...pag nasa ortigas ako..may mga malls, mga nagoopisinang mga tao, mga taxi at naggagandahang mga sasakyan..na ihahalintulad ko yung mga eksena. nakakatuwa. buti nalang kahit saang antas eh pwede ako. pag naaalala ko lalo akong naeengganyong magsulat...balak ko tuloy mag ipon ng kaunti para bumili ng isang magandang "camera" para na dodocument ko pa kung ano yung mga natitira at mga pwedeng ipamana sa mga susunod na henerasyon...balak kong gumawa ng isang "ALBUM"..album ng buhay..album ng maghahalintulad ng mga antas at magsasabi na lahat ay mapalad..

pero ngayon..tiis muna..dun muna ako sa kung ano yung kayang arukin ng aking kakayanan.
mga mahahalagang KAIBIGAN..MUSIKA at MGA MASASARAP NG EKPERYENSA.
kaya dito muna..sa ALBUM na pwedeng ibenta at mag bigay ng konting kulay sa industriya ng musika...kasi medyo namamatay na eh..

oo,gagawa kami ng album (si dengskie,si boyet ,Ey-ar at ako..kung may gusto pang sumama..bahala na..pwede naman eh..email nyo lang ako meric_m@yahoo.com)..wala pang pamagat pero nagsimula na kaming magrecord..

ganito palang yung naiisip naming tema ng album. abangan nyo nalang.

Wednesday, November 01, 2006

Pangangaluluwa

Naniniwala ka ba sa aswang? Sa multo? Sa white lady? Sa mga kapre at maligno?

Ako hanggang ngayon hindi pa rin eh kahit mula nung bata ako eh madami na akong naririning na mga istorya. Binibigkas nila ng may mga takot at pangamba..mga totoong istorya base sa mga karanasan ng mga matatanda sa amin.

Kahit mga tito at mga tita ko eh magpapatotoo na meron talagang mga aswang o mga nilalang na kauri ng mga ito.

Di ako natatakot di ako na nababahala…naalala ko sa tanang buhay ko eh isang beses lang ako natakot..ito ay nung highshool ako na nahilig ako sa mga “ROCK n ROLL” na kantahan.mga death Metal..yung pag kinakanta mo sya eh halos walang pinagkaiba ang tunog sa mga alululong ng aso..rooooooooccccccckkkkkk…

Kasi yung time na iyon, nasubukan ko mag PLAY at MAG STOP ng cassette namin sa pamamagitan lamang ng isip o pagtitig sa mga pindutang controller ng mumunting radio namin…tititigan ko lang ng mga isa o dalawang minuto.tapos biglang pipitik na yung gusto kong managyari…mahiwaga..matalinhaga..nakakabulagta sa takot..at nakaka tindig ng mga balahibo.

…kaya mula nun..BROADWAY nalang pinagbalingan kong klase ng musiko at mga klasikal na tugtugan.

Ikaw? Kayo? Ano yung mga istoryang kinakatakutan o kinatakutan na ninyo? Multo? White lady? O mga pangyayari sa buhay ng tao na pag hindi nasulbahan eh magsisilbing mga bangungot.

Ngayun undas na naman.,,yung nga lang undas sa tinatawag na bago o modernong panahon…ASAN na nga ba ang pangangaluluwa? (NARINIG NYO BA ITO? NARANASAN?..ako..OO) Sana sa probinsya meron pa.ngayon kasi tila namamatay na ang tradisyon…nakukumpara ko lang kasi pag pumunta ka ng mga MALLs..mga subdivisions..TRICK OT TREAT NA YUNG USO...mga bata na yung mga bida at nagbabahay bahay para sa mga kendi..masaya..magastos at moderno na talaga. Kasi yung bata ako, mga binata’t dalaga yung mga nakikita kong nasa kalye..NANGANGALULUWA..mag lalagay ng konting uling sa mukha..na kung may kaya eh..hinahaluan nila ng pulbos at magtatalukbong ng mga puting kumot na minsan pa nga eh mga katsang nahingi nila sa bekery. May mga dalang gitara..mamamamahay mahay at umaawit na malumanay na kanta..kantang pangangaluluwa.

Imbes na kendi..mga ITLOG..konting barya naman ang mga inaamot nila..na minsan pag di napagbigyan eh..pupunta sa likod bahay at mangunguha ng mga MANOK at BIIK..oo kasama sa tradisyon ang akto na ito.


May mga istorya din akong naririnig na yung mga binata eh kinukuha din ang pagkakataong ito para mangaswang ng mga dalaga..nanliligaw...nambobola..…oooopppss..malamang totoo malamang hindi…pero posible.

Mamaya maglalakad lakad ako sa kalye matapos kong gawin yung mga ibang back-log sa trabaho. Mag obserba mangangalap ng butil butil na alaala maghahambing na kung anon a nga ba..ano na nga ba? Sino na nga ba ang mapapalad pa na taong may mga ganitong istorya…konti? Di ko alam..sana madami pa…nakakaalam ng munting kaalaman tulad ng PANGANGALULUWA..kasi sa modernong panahon..NAWALALA NA ANG KULAY NG BUHAY..UNTI UNTI..dahil sa mga TAONG WALANG KALULUWA.